Chapter 12

602 52 9
                                    

Chapter 12

Love-nat Lang Yan

__________

 ♪ Kung mawalay ka sa buhay ko. Kung pag-ibig mo'y maglaho. Paano na kaya ang mundo?Kung sa oras 'di ka makita, Kung ika'y napakalayo na, May buhay pa kaya 'tong puso? 'Yan lang ang maaari natin, sadyang matatanggap. Habang ako'y may buhay. Mahal na Mahal kita. Higit pa sa iniisip mo. ♪

Ako yan! Kumakanta ako, eh, bakit ba?! Wah enebeyen. Kinikilig nanaman ako, eh. Pahamak kasing Richard ‘yan. Nang dahil sa kanya, kaya na LSS ako sa kantang ‘to. Naalala ko nanaman kagabi.

  

Quarter to 11 na ng gabi nang umakyat ako sa kwarto. Hindi kasi ako makatulog kaya nagtimpla ako ng gatas. Pagkapasok ko sa kwarto, nakita kong tulog na tulog na si Allen sa taas, bunk bed kasi ang kama namin. Napailing nalang ako nang nakita ko sa tabi ng unan niya yung Barquiron na binigay ni Richard kanina, pasabi-sabi pang hindi niya daw nagustuhan, naku tong batang to manang-mana talaga sakin. Todo deny pa rin, kahit halatang halata na.

 

Naisipan kong i-text si Richard, pero baka naman tulog na yun, pero kahit na,i-te-text ko pa rin.

 

To: Richard

Message:

Richard. Thank you uli sa mga binigay mo kanina. Sabi nila salamat din, at nagustuhan din nila. Yun lang. Goodnight.

 

Bago ko pa malapapag yung cellphone ko tumunog na to kaagad. Ang bilis naman niya mag reply.

 

From: Richard

Message:

No problem! Buti at nagustuhan niyo, kung alam ko lang, sana dinamihan ko pa.

 

Nagreply ako kagad.

 

To: Richard

Message:

Naku, ang dami-dami na nga ng bigay mo! Tama lang samin.

 

From: Richard

Message:

Eh yung bigay ko sayong sumbrero, nagustuhan mo ba talaga?

 

Pagkabasa ko nung text niya, napatingin ako sa may study table ko, nandun kasi nakalagay yung sumbrerong bigay niya, napangiti ako at kinuha ko iyon.

 

To: Richard

Message:

Oo, nagustuhan ko talaga. Ang ganda nga, eh! Salamat dito uli.

 

My Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon