Chapter 14

652 48 7
                                    

The Second Update for this Day! Merry Christmas! God Bless!

__________

Chapter 14

Rainbow Land

__________

Hinila niya ako hanggang sa may parking lot, tapos huminto kami sa tapat ng kotse niya.

“Teka Richard san tayo pupunta?! May klase pa tayo ah. Tsaka hindi ako nakapaalam kay Jenny.” Mabilis kong sabi habang pinapasakay niya ako sa kotse niya. Baka kasi magaalala si Tita kapag hindi ko kasabay si Jenny pauwi.

“Kay Jenny lang ba? Sigurado kang sa kanya lang?” parang nanghihinalang tanong niya. Kinakabit niya narin yung seatbelt sa akin. Naaamoy ko tuloy yung pabango, shocks!

“O—oo naman kanino pa ba ako magpapaalam?”

Hindi niya na akong pinansin, lumayo na siya sa akin at sinara yung pintuan sa side ko, tsaka mabilis na umikot papunta sa driver’s seat. Kinuha niya yung phone niya at may di-nial, pagkatapat niya ng phone niya sa tenga niya, tumingin na siya sa akin.

“Hello?.. Yes.. Pakisabi kay Tita na malalate siya ng uwi..Oo, don't worry ako bahala sa kanya.. Alright.”

Pagtapos nun binaba niya na yung phone niya at i-ni-start yung sasakyan.

“Si Jenny yun?” 

“Oo, bakit may inaasahan ka pang iba?” hindi man lang pinakausap sakin?

“Richard!” Sigaw ko. Ano nanaman ba ang pinagsasabi niya?

“Just sit and be quiet. Okay?” madiing utos niya sa akin.

Yun na lang ang sinabi niya tsaka niya pinaandar na ng tuluyan yung sasakyan, sumandal na ako sa upuan ko at tiniklop yung braso ko sa inis. Hindi na kami nagimikan hanggang makalabas na kami sa school. Kainis, hindi pa man din kami, pero wagas na kung makautos—teka, kami?! Ano ba ‘tong pinagiisip ko! Napailing nalang ako.  

Ang tagal naman ng byahe. Napatingin ako sa relo ko, kanina pa siya nagda-drive, pero hindi ko parin alam kung saan kami pupunta. Inaantok pa ako, wala kasing nagsasalita sa amin, tanging tunog lang sa stereo niya ang maingay, tas puro lovesongs pa. Talaga naman, maya-maya napahikab na ako.

“Sleepy?” narinig kong tanong niya.

Tumingin ako sa kanya at dahan dahan lang akong napatango, sabay hikab. Pero parang nawala ang antok ko at nanlaki yung mata ko nung lumapit siya sakin, naka red light naman kaya ok lang. Akala ko anong gagawin niya pero may ginalaw lang siya sa gilid ng upuan ko tas nag recline na yung sandalan nito. Napatitig pa siya sakin. Ang lapit nanaman ng mukha namin sa isa’t-isa. Napalunok ako ng bumaba yung tingin niya. Sa—sa labi ko ba siya nakatingin? Napalayo lang siya ng may biglang bumusina, naka green light na pala. Umayos na siya ng upo at nagsimula na uli magdrive.

“N—now you may sleep. M—medyo malayo pa tayo.”

Napatingin ako sa kanya at napunta yung tingin ko sa tenga niya, napatawa ako ng mahina. Namumula kasi yung tenga niya. Humarap siya sandali sakin pero sapat na yun para makita yung buong mukha niya. Haha, buong mukha niya na pala yung namumula.

My Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon