Chapter 2

1K 58 25
                                    

Chapter 2

Richard Code Alapide

__________

Hinihingal kaming nakarating sa tapat ng classroom namin. Buti at wala pang professor, nasa 4th floor pa naman ‘tong room namin. Magkasunod na kaming pumasok ni Jenny.

“Hi mga Bakla!” Sigaw ni Jenny sa mga classmates namin.

Simula nung 1st year hanggang ngayon sila pa rin ang ka-blockmates namin. Kaya kilalang-kilala na namin ang isa’t-isa. May mga nawala din naman, yung mga nag-shift ng course, lumipat ng school, at yung ibang hindi pinalad na hindi pumasa sa ilang subjects kaya nawala sila sa block section.

“Bakla! OMG musta?!”

“Hello mga Bakla!”

Nagsigawan at nagyakapan na ang mga bakla. Hindi sa literal na binabae sila, ha. Bakla lang ang tawagan namin dito. Ngumiti at kumaway lang ako sa kanila tsaka naupo na, sa may bandang dulo ako pumwesto, gusto ko sana sa may tabi ng bintana kaya lang may nakaupo na.

“EMEGED!”

Napatingin ako kay Jenny ng biglang bumulong na sigaw siya, teka ah, basta parang sinigaw niya pero mahina lang, ay yun na yun! Hinatak niya ako bago pa man ako makaupo.

“Bakit?” Kunot noo kong tanong sa kanya.

“Bakla! Bakla! Ang pogi!” Bulong ni Jenny sakin at tinuturo turo niya pa yung sinasabi niyang pogi, yung lalaki na katabi ko na nakaupo sa may tabi ng bintana pala yung tinutukoy niya. Hmm. Oo na pwede na din.

“Bakla—“ Aba pinutol pa yung sasabihin ko.

“Palit tayo pwesto Bakla! Dali na!” Sabi ni Jenny habang inaalog alog pa yung braso ko, sasagot na sana ako nang biglang dumating yung professor namin. Kaya naupo na lang siya sa tabi ko sa kaliwa. Nakita ko pa nga siyang ngumuso pagkaupo niya. Tumingin nalang ako sa harap.

“Good Morning!”

“Good Morning, Sir Lawrence!"

“Oh, wait. Kayo na naman?!” Birong sabi ni Sir, nagtawanan naman kami.

Technical and Research Report Writing ang subject namin ngayon, last year/sem. Si Sir Lawrence aka ‘alright, alright’ rin ang prof namin sa Economics at ngayon prof na naman namin siya. Aka ‘alright, alright’ kasi lagi niyang sinasabi yan kapag nagsasalita siya.

Mabait si Sir, at magaling din siya magturo. Marami ngang estudyante na gusto siya maging prof, swerte mo kasi talaga kapag siya ang naging prof mo.

“Sir Law! I miss you!” Sigaw nang kaklase kong si EJ.

“Naku unang araw ng klase sumisipsip ka na naman!” naiiling na sabi ni Sir.

“Ouch, Sir! Ang sakit.” Hinawakan pa ni EJ yung bandang dibdib niya, na parang nasasaktan. “Hindi niyo ba ako namiss?!” Dagdag niya pa

My Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon