Chapter 3

888 62 21
                                    

Chapter 3

Savior

__________

Katatapos lang ng isa namin subject nandito kami ngayon ni Jenny sa may field. Dahil maganda ang panahon maraming estudyante na ang nandito.

May nagpipicnic, may naghahabulan, may nagpipicture-picture at may mga nagpapahinga lang naman at isa kami dun.

May nakalatag na banig kung san ako nakaupo at nakahiga naman si Jenny. Maaga pa kasi para sa susunod na klase namin kaya tambay muna.

“Bakla!” Tawag sakin ni Jenny, at tsaka umupo siya sa pagkakahiga.

“Hmm?” Hindi ko siya nilingon, nagbabasa kasi ako.

“Sa tingin mo ba, bagay kami ni Code?” Dun naman ako napaangat nang tingin sa kanya, at binigyan ko siya nang 'anong sinasabi mo diyan' look.

Kinilig ang loka. “Eh, kasi—“ Hindi niya tinapos yung sinasabi niya nang lumingon siya sa may kanan sinundan ko naman ito ng tingin. At nandun si Richard kasama ang barkada niya. Binalik ko ang tingin ko kay Jenny tsaka ko siya sinagot.

“Hindi kayo bagay, ok?” Parang nalugi naman siya sa sagot ko. “Kasi tao kayo— Aray!” dagdag ko pa sana, kaya lang hampasin daw ba ako?

“Ayhetchu, Bakla!”

Hinahampas hampas pa niya ako pero mahina lang, hanggang sa nararamdaman ko nalang na kinikiliti niya na ako. Nabitawan ko tuloy yung hawak kong libro, malakas pa naman ang kiliti ko. Pinipigilan ko yung kamay niya pero may nakakalusot parin.

“Bakla ano ba? Haha. Itigil—haha, mo na yan—haha, Jenny!”

Tawa din ng tawa si Jenny. Buti na lang at tinigil na niya rin. Napahinga ako ng malalim at inayos ko yung sarili ko, pasaway talaga ‘to. Napatingin ako sa paligid at napansin kong maraming naagaw ng pansin yung tawa ko. Nakakahiya!

Hinampas ko siya sa braso. “Ikaw! Tignan mo nakakahiya!”

“Haha. Parusa yan sayo! Tsaka bakla nakatingin din si Code kanina, ah!” Sabay sulyap uli sa pwesto nila Richard.

“Eh, ano naman?” Walang gana kong sabi, inayos ko na uli yung sarili ko, kinuha ko yung libro ko at nagbasa uli.

“Ang sungit mo!” 

Hindi ko nalang siya pinansin, nagpatuloy nalang ako sa pagbabasa. Natahimik nalang din siya at muling humiga.

***

“Bakla una ka na siguro umuwi dadaan pa ako sa library.” Sabi ko kay Jenny habang palabas kami ng room.

Uwian na kasi pero dahil may libro akong kailangan basahin, para sa isang subject eh kailangan kong pumunta sa library. Kahit nga natatakot ako kay Richard kapag uuwi ako, lagi siyang nakatingin ng masama sa akin kapag klase kay Sir Law, tas pag uwian naman lagi siyang nasa gate tapos ganun parin ang tingin niya sa akin.

My Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon