Chapter 21

438 45 5
                                    

Chapter 21

The Promise

__________

“Naku naman, Alesandra!” galit na sigaw ni Jenny.

Halata na nga sa kanya na galit na nga siya, bukod sa lumalaki niyang butas ng ilong, tinawag niya pa ako sa pangalan ko.

“Hindi mo ba naiintindihan ang sinasabi ko ha, Alesandra?!” sigaw niya uli.

Nakwento ko na kay Jenny yung nangyari netong nakaraang linggo. Simula dun sa tumawag sakin hanggang sa pagsulpot nung girlfriend ni Richard. Kaya yan, sinisigawan ako.

“Sige nga tanong ko lang sayo, ano naman ang mapapala ni Code kung lolokohin ka niya?”

Kanina pa namin pinaguusapan yan, na kesho dapat daw pakinggan ko muna yung paliwanag ni Richard at ako pa daw ang may mali, dahil sa nagassume ako kaagad. Hindi ako nagassume, sigurado ako.

“Trip niya lang.” Bale walang sagot ko.

“TRIP?! Trip niya lang?!” Sigaw na naman ni Jenny.

“Oo, trip niya lang! Kasi wala siyang libangan nang umuwi siya dito galing States.”

Kahit hindi ako sigurado sa sagot ko, naramdaman ko pa din ang pagkirot ng dibdib ko dahil dito. Totoo naman, eh. Kung hindi niya trip ang lahat, bakit niya sasabihin mahal niya ako kahit na may girlfriend pa siya?

“Naman! Arggg! Isipin mo nga kung TRIP lang lahat ng ginawa niya simula umpisa, ha!”

 

Ayaw ko na, ayaw ko nang aalalahanin yung mga panahon na yun. Masasaktan lang ako. At ang sakit sakit na.

Umiling lang ako sa kanya. “Matulog ka na nga Bakla, kanina pa tayo naguusap dito, may pasok na bukas.” Wala pa ring ganang sabi ko, at tsaka tumayo, pinatay ko na din yung TV, kanina pa ako nanunuod pero wala naman akong naiintindihan.

“Hay naku, bahala ka nga, di mo kami gayahin ni Johny Babes,” Sinamaan ko nalang siya ng tingin, ano mangiingit pa siya? “Hay, osha, matutulog na ako, pero payong pinsan at bestfriend lang. Kausapin mo muna siya.”

Pagkasabi niya nun, umakyat na siya, ilang sandali pa ay sumunod na rin naman ako. Humiga na ako sa kama, at tumagilid, nakita ko sa study table ko yung picture namin ni Richard nung nag mall kami.

“Kakausapin ba kita?” Napapikit nanaman ako. “Pero natatakot talaga ako.”

Natatakot ako sa pwede niyang sabihin sa akin, paano kung sabihin niyang joke lang ang lahat? Na ganun nalang yun at iiwan niya na din ako. Ayaw ko, ayaw ko talaga.

***

Katulad nga ng sabi ko kagabi, pasukan na uli namin. Tahimik lang kaming naglalakad ni Jenny, papasok sa University.

As usual, ang mga Bakla, nasa may Bench na naman sa tapat ng Building namin.

My Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon