Chapter 19

435 45 6
                                    

Chapter 19

The Caller

__________

Naalimpungatan ako nang maramdaman kong may mabigat na bagay na nakadagan sa may bandang tiyan ko. Ang sakit pa ng ulo ko, pati katawan ko ang sakit. San ba ako nanggaling kagabi? Ano ba ang ginawa ko?

‘Teka, sobra naman ang bigat neto, ano ba ‘to?’ Bulong ko sa isip ko.

Kinapa kapa ko yung nakadagan sakin. Mahaba, medyo matigas, medyo mabuhok din teka may kamay?! Sinubukan kong dumilat.

“Good morning, mahal.” Sabi ng isang napakagwapong mukha na nakita ko. Napatayo ako sa gulat nang nakita ko kung kaninong braso tong nakadagan sakin.

“Aray!”

Siguro dahil sa biglaan kong pagtayo. Kumirot na naman ang ulo ko. Napatayo naman din si Richard.

“Mahal ok ka lang ba?” Nagaalalang tanong niya.

“Masakit ang ulo ko.”

Hinawakan niya yung balikat ko, at dahan inihihiga uli.  “Humiga ka uli. Ikukuha kita nang gamot mo, ha.”

“Ehem.”

Sabay kaming napatingin sa tumikhim. Si Allen. Naka sandal siya sa may pintuan at naka crossed arms pang nakatingin samin.

“Anong nangyari sa inyong dalawa?” Seryosong tanong niya. Na akala mo tatay na nahuli ang babaeng anak na may kasamang lalaki.

At teka, anong nangyari? Napatingin ako sa damit ko. At laking gulat ko nang marealize ko na hindi ito ang suot ko kagabi. Eto ang suot na polo ni Richard kagabi.

Napalunok ako at tumingin kay Richard. “A—anong nangyari, M—mahal?” Kinakabahang tanong ko.

Pero mas lalo akong kinabahan ng ngumiti siya sa akin ng nakakaloko.

“Hindi mo maalala?” Malokong sabi niya.

Narinig ko si Allen na nag-tsk. “Pinapagising na kayo ni Tita. Magaalmusal na daw.”

Napatingin uli kay Allen nung nagsalita siya. Di na niya kami inantay sumagot at lumabas na siya ng kwarto.

“Richard!” Sigaw ko sa kanya.

 

Hindi niya ako pinansin at tinawanan lang habang palabas siya sa kwarto. 

***

Maglilibot pa daw kami sabi ni Richard. Naku bahala siya diyan, ayaw niya pa ring sabihin kung ano nangyari kagabi. Naiinis din ako sa sarili ko kase wala na akong maalala. Huling alaala ko, eh, yung paginom ko nung chocolate shake.

Deretso na daw kami pauwi pag tapos kaya inayos na din namin ang mga gamit namin.

My Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon