Chapter 10

598 50 10
                                    

Chapter 10

Wala Akong Karapatan!

__________

“Hoy Bakla! Bat ka ba nagmamadali?!”

Hindi ko na pinansin yung sigaw ni Jenny. Sigaw, kasi ang bagal niya maglakad kaya naiiwan ko na siya, kababa lang namin ng jeep at papasok na sa University.

“Hoy teka nga! Ganyan ka ba ka excited makita si Code?”

Napatigil naman ako sa paglalakad. Teka, 'oo nga bat nga ba ako nagmamadali?!' Palusot pa sabi ng isang bahagi ng utak ko. Napailing nalang ako sa sarili ko. Nababaliw na ako!

Nagtuloy nalang ako sa paglalakad uli, nagsabay na din kami ni Jenny. Naglalakad lang kami papunta sa building namin nang mapadaan kami sa may College Of Fine Arts (CFA). Napatigil uli ako nang pigilan ako ni Jenny, hinawakan niya yung braso ko.

“Oh bakit?!” Tanong ko, ano nanaman problema?

“Look!” ngumuso pa ito.

Tinignan ko kung san yung nginuso niya. At parang kumulo yung dugo ko sa nakita ko. AHH!

***

Nandito na kami sa room, at saktong nagbell na nang biglang pumasok yang Richard Code na yan! Mukang ang saya saya pa niya ha! Naku!

Nagmadali siyang lumapit sa pwesto niya. Pero binati niya muna ako bago siya umupo.

“Musta, Sandra?!” Nakangiting tanong niya, pero ako tinanguan ko lang siya. HMP!

Buti nga at pinansin ko pa siya. Teka bakit nga ba ako nagagalit sa kanya?! ‘Eh kasi nagseselos ka.’ Naku tigilan mo nga ako!

Nagkasaluong naman ang kilay nito. “May problema ba Sandra?” 

Umiling lang ako tsaka nagbigay ako sa kanya ng isang smile—fake smile. Buti na lang at nandiyan na si Sir, may mag rereport nanaman, after 1 month kami na ang magrereport. Shocks.

Nakikinig lang ako sa nagrereport, nilalagyan ko rin ng mark yung mga keywords sa handouts na binigay kanina. Kahit busy ako, nararamdaman ko parin yung pagtitig ni Richard sakin, hindi ako pealer, ha! Totoo!

“Sandra, sabay tayong maglunch mamaya, ok? May ibibigay din ako sayo.” Bulong niya sakin.

Inilapit niya pa nang pasimple yung mukha niya sakin! Naaamoy ko din yung mabango niyang hininga! Megash!

Hinarap ko siya, at parang pinagsisisihan ko kung bakit ko ginawa yun. Pagharap ko 2.5 inches lang yata ang layo niya sa mukha ko! Malapit na ngang magtama ang ilong namin!

“EHEM! Excuse me!”

Napatingin kami pareho kay Sir, at shems lahat sila nakatingin samin! Naman! Yung tingin pa nila pangaasar, na parang sinasabi na ‘kayo ha?!’ ‘ano yan ha?!’ ‘yieee!’

My Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon