Chapter 20

418 46 4
                                    

Thank you for following and voting, My forbidden Love. Sana makapag-comment ka din. Haha.

__________

Chapter 20

That Girl

__________

 “Bakla, sabay ka ba samin ni Johny?” Tanong ni Jenny, nang makapasok siya sa kwarto namin.

“Hindi na, commute na lang ako.” Walang ganang sagot ko.

Enrollment na kasi ngayon, kaya pupunta kami sa school. Ayaw kong sumabay sa kanila, magiging third wheel lang nila ako, and ayaw ko nun.

“Bakit ba kasi ayaw mo magpasundo kay Code? Isang linggo na din kayo halos hindi naguusap, ah!”

Umuwas ako ng tingin sa kanya. Oo isang linggo pagkatapos nung Tagaytay trip namin, hindi ko siya kinakausap. Bihira kong sinasagot ang tawag o text niya sakin, minsan nga hindi ko talaga pinapansin. Napapikit ako. Naguguluhan na din ako, eh.

“Hay, bahala ka na nga, hindi ko naman alam kung anong nangyari sa inyong dalawa. Pero ayaw mo talaga sumabay samin?” Umiling lang ako. “Osha, mauuna na kami, ha? Antayin ka na lang namin sa school.”

Tumango ako sa kanya “Ok sige, ingat kayo.”

“Naku, ikaw din, ha.”

“Oo na sige.”

Lumabas na din siya ng kwarto. Nang matapos na rin ako magayos bumaba na ako at nagpaalam na kay tita.

Naglalakad lang ako hanggang sa sakayan ng jeep. Nang kumanan na ako sa may kanto, nakita kong nakasunod sakin yung kotse ni Richard, alam kong sa kanya yun, bukod sa kabisado ko ang plate number niya, siya lang naman ang may sasakyan na ganyan na nagpupunta dito.

Nagmadali na ako papunta sa sakayan ng Jeep.

“Miss isa na lang, aalis na!” Sigaw nung mama, saktong sakto, sumakay na ako kaagad.

“Mahal! Sandra!” Narinig ko pang sigaw niya. “Sheet!”

Sinilip ko si Richard, nakita ko siyang bumalik sa sasakyan niya at nakasunod sa jeep na sinasakyan ko. Ano ba naman Richard.

Nang makarating na ako sa school, kagad akong pumara. Bumaba ako kagad, at tumakbo papasok sa university. Nakita ko rin na kasunod kong pumasok si Richard, pinark niya kagad yung sasakyan niya.

Pumasok na ako sa building namin at kagad kong nakita yung mga Bakla.

“Oh, Bakla. What happen to your Pes? ‘Bat ka pawis na pawis, its so eewww.” Maarteng sabi ni Andi.

“A—ano, pag-pag tinanong ako ni Richard kung nasan ako, sa—sabihin niyo hindi niyo alam.” hinihingal kong sabi.

“Bakit naman?”

“Basta. Please!” Tumango lang sila, tsaka ako kagad lumayo sa kanila.

My Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon