Chapter 11

547 51 10
                                    

Chapter 11

Sumbrero

__________

Umiwas ako ng tingin sa kanya. Feeling ko kasi maiiyak na ako. Wag kang tutulong luha ka! Binabalaan kita!

“Hindi mo naman kailangan magselos.”

Oo na nga! Kailangan ulit ulitin?! Tinignan ko siya ng masama. “Paulit-ulit pa! Ewan ko sayo!” sabi ko pa sabay talikod at naglakad na palayo.Iiwas na ako baka traydurin ako netong luha ko, eh. Pero napatigil ako ng may humawak sa braso ko. “Bakit na naman?” Nagmamakaawa kong tanong. Hindi pa ba siya tapos?

“Teka sandali. Bakit ka umiiyak? Sandra?!” Nagtanong pa siya, ha. Hindi ako sumagot pilit ko lang iniiwas yung mukha ko sa kanya. “Nagseselos ka nga?!” Hindi pa ba halata? “Sabi ko sayo wala kang dapat ikaselos!” 

Oo na nga! Tinanggal ko yung pagkakahawak niya sa braso ko, buti nalang at natanggal ko, tsaka ako lumakad uli palayo.

“Si Xhyla pinsan ko, okay? Yung nakita mo kanina, inabot ko lang yung bigay nang mga tita ko sa kanya kasi hindi siya nakasama samin sa amin sa Quezon.”

Napatigil ako dahil sa sinabi niya. Teka nagloloading pa..

“Si Xhyla pinsan ko okay?”

“Pinsan ko, okay?”

“Okay?”

 

Ano daw?! Pinsan niya?! Nagdrama pa ko nang ganito tas pinsan niya lang pala!

Nahihiyang humarap ako sa kanya. “H—hoy! Hi—hindi mo kailangan magpaliwanag. Hindi ako nagseselos. T-tigilan mo a—ako!” Deny ko kagad. Pero tinignan niya lang ako nang nakakaloko.

Lumapit siya sa akin, at nakangiti na siya. “Talaga?!” Pangaasar niya pa.

“Kung ayaw mo maniwala, edi wag! Bahala ka. Tse!” Tinalikuran ko na siya. Act normal lang, normal.

“Nagseselos ka pa rin?!” 

Kulang nalang magwala na ako dito sa kinatatayuan ko. Naman, eh! Sumunod pa talaga sa akin? Hindi ko na nga kayang humarap sa kanya, eh! Dapat nga nilamon na ako ng lupa dito, eh.

“I’m not jealous, okay?!” sabi ko nang hindi nakatingin sa kanya, at nagppatuloy sa paglalakad.

“Okay, sabi mo, eh! Pero, mas paniniwalaan ko yung nakikita kong reaksyon sayo kesa sa sinasabi mo.” kahit hindi ko nakikita yung mukha niya, alam kong nakangisi siya.

“Sandali lang.” pigil niya uli sa akin, huminto na ako at hinarap siya. May kinuha siya sa bag niya at inabot sakin. “Here.”

Isang iyong box na medyo may kalakihan, hindi ko alam kung pano nagkasya sa bag niya yun, kasi maliit lang yung bag niya, pero baka pinahiram siya ni Dora ng backpack, kaya nagkasya.

My Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon