Chapter 5

701 57 18
                                    

Chapter 5

Partners

__________

“Good morning mga Bakla!” Bungad na naman sa aming dalawa ni Jenny pagkapasok namin sa Room.

Klase namin ngayon kay Sir Garcia kaya makakatabi ko nanaman siya. And speaking of Siya. Dalawang linggo na din ang nakalipas after nung nangyari nung about kay Jude. At dalawang linggo na rin siyang iwas sakin.

Akala ko, pagkatapos nung nangyaring pagtulong niya sa akin ‘nun, medyo magiging close na kami, pero bakit parang lumala pa. Parang hindi na kami magkilala man lang.

Ewan ko ba kung napaparanoid lang ako o ano pero nung monday pagkaabot niya lang sakin nung damit ni tito ay wala na, hindi na uli kami nagusap kahit katabi ko siya tuwing klase kay Sir Garcia ay hindi kami nagkikibuan.

Pumunta na kami sa likod kung san ang pwesto namin ni Jenny. Binati ko si Richard ng makalapit ako sa kanya pero katulad ng dati wala parin siyang reaksyon. Napahinga ako ng malalim.

Bago ako umupo bumulong sakin si Jenny. “Bakla, wala pa rin?” 

Tinignan ko lang siya tsaka umiling. Naupo nalang kami pareho. Na siyang dating naman kaagad ni Sir.

“Morning.”

 “Morning, Sir!”

 

Sabay sabay naming bati.

“Alright, alright, next week exam niyo na!” excited pang sabi ni Sir. Parang siya lang ang excited, eh. Haha.

“Ang bilis naman!”

“Hala!”

Reklamo ng mga kaklase ko.

“Oh, teka! Mga reaksyon niyo naman, wag muna excited, may idadagdag pa ko. After ng exam, midterm na diba?” nakangising sabi ni Sir.

“Yes sir.” alanganing sagot namin.

“Alright, so ganito, Midterm hanggang sa Final term reporting na tayo!” What?

“Wala naman ganyan dati Sir, ah!” sabat ni EJ.

“Naku EJ, dahil diyan ikaw una magrereport.”

“Hala teka joke lang, Sir bat ang pogi niyo ngayon? Teka, ahm, ganda ng polo natin ah.” pangbobola pa nito.

Napangiti atnapapailing nalang si Sir sa kanya. “Yung sa sinulat ko na course outline nun, yun ang susundin natin. Tama lang sa inyo ‘yon, 36 kayo lahat, diba?” tinignan pa ni Sir ang class list namin, para manigurado.

 “Yes sir.”

“Saktong sakto. By 2's kayo.”

 “Dalawa lang Sir?”

 “Yes.”

 “Sir mahahaba kaya—“ magrereklamo nanaman sana si EJ

 “EJ report ka na!” putol ni Sir sa kanya

 “Hehe—zip!” Nagact pa siya na zi-ni-pper ying bibig niya.

 “Tama lang yan. So ready na kayo, nga pala yung kapartner niyo yung katabi niyo.”

Katabi? Napansing kong natigilan si Richard sa sinabi ni Sir. Siya ang nasa dulo at ako ang katabi niya kaya ako ang kapartner niya.

“Bakla, ang daya talaga ‘bat di tayo partner?” Reklamo naman ni Jenny.

“Ok, naman partner mo, ah.” Napalingon siya sa kaliwa niya.

Ay, si Johny. Oo nga ok nga!” Kinikilig niya pang sabi. Napailing nalang ako.

Pero teka pano na to. Umiiwas siya sakin, kung tama nga ako. Ano nang mangyayari?

“Alright, representatives bunot na kayo dito kung alin ang topic niyo.”  narinig kong sabi ni Sir.

 “Ahm, ako nalang?” Sabay pa kami sa pagtatanong.

 “Sige.” Ay ano bayan. Nagkasabay nanaman kami.

Napatawa nalang ako at napangiti naman siya, shocks, namiss ko yung ngiti niya.

“Ako nalang.“ Presinta ko na, tumango na siya tsaka ako pumunta sa harap.

“Dahil 36 kayo divide into two, 18. May 9 na magrereport each term. Kung di kakayanin—ahm basta ipipilit natin yan, ok?” natatawang sabi pa ni Sir

“Haha, yes sir!”

Ako na ang sunod sa pila. Bumunot na ako kaagad ng makaalis na si Andi sa harap ko, siya kasi ang nasa harap ko kanina. Binuklat ko yung maliit na paperl at pinakita kay Sir.

Number 12 ang nabunot ko, sinulat lang yun ni Sir, tsaka tinanong kung sino partner ko. Then, ok na. Bago ako tumalikod, nakita ko pa ang nakakalokong ngiti sa akin ni Sir, kinabahan ako, bakit naman kaya?

  

Pagbalik ko sinabi ko kay Richard kung anong nabunot ko. Umupo na ko at tinignan ko yung notes ko.

‘Journals’

Napakamot ako sa ulo. Jaya pala ganun yung ngiti ni Sir! Naman bakit ganito pa. Ang hirap naman ng napunta sa aming topic, medyo mahaba ‘to, eh.

Tumingin ako kay Richard. “Hehe, sorry.”

Nag peace sign pa ako sa kanya sabay yuko. Kainis naman, isa pa sa mahihirap na topic yung nabunot ko. 

My Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon