Chapter 15

517 49 9
                                    

Chapter 15

Mahal Ko

__________

 “Oh my God!”

Napatakip ako ng tenga nang sumigaw si Jenny. “Wag ka ngang sumigaw! Ang ingay mo!” Mahinang sabi ko sa kanya, at napatingin sa mga tao sa tabi ko. Yumuko ako sa kanila, na parang humihingi ng paumanhin.

“Eh, paano naman di ako sisigaw? Naunahan niyo pa yung endless love namin ni Johny.”

Nakataas kilay niyang sabi. Sinabi ko na kasi sa kanya yung nangyari kahapon. Late na kasi ako naka uwi kagabi at tulog na sila, kaya ngayon lang ako natanong ni Jenny kung anong nangyari.

“So official na? Kayo na? Yieee.” Tili niya. Garabe talaga ang ingay.

Napabuntong hininga ako. “H—hindi ko sure, eh.”

Nagtakip uli ako ng tenga dahil sure ako na sisigaw uli siya “Di SURE?!” See?! “Nagaylabyuhan na kayo tas hindi pa kayo?!”

“Hindi naman niya klinaro kagabi.” Pabulong na sabi ko, eh, hindi ko naman talaga sigurado. Tsaka nahihiya na ako sa mga tao sa tabi ko.

“Ma, para po!” Sigaw niya.

Napailing ako. Oo, nasa jeep pa kami. Kaya kanina pa ako nahihiya dito. Ang ingay ingay ni Jenny.

Bumaba na kami at pumasok na sa University. Salita pa rin siya ng salita. Na kailangan ko daw tanungin si Richard. Eh, nahihiya na nga ako dun. Buti nalang at di kami classmates ngayon, kaya maliit ang chance na magkita kami.

“Good morning, Al.”  Bati ni Al sakin.

Nakita namin siya sa may bench.

“Good morning.” Masayang bati ko rin sa kanya.

“Mga Bakla!” Napalingon kami sa sumigaw. Sila Andi pala, palapit na rin sila sa amin.

“Bakla!”

Kung magsigawan naman parang ngayon lang nagkita. Nagyakapan pa sila Jenny at Andi. Nakita ko sa mukha ni Johny yung selos. Haha. Kahit naman kasi na may pusong babae si Andi, lalaki parin yan.

“Al.” Tawag ni Al sakin. Napatingin ako sa kanya. “Are you free tonight?! You know, ahm, gusto ka kasing makita uli ni mommy.”

Napaisip ako. Oo nga, miss ko na din si Tita Allison, parang anak na din kasi ang turing nito sa akin. Gusto ko rin siya uli makita.

Sasagot na sana ako nang biglang may naramdaman akong humawak sa may bewang ko at hinili ako palapit sa kanya. Pagtingin ko, si Richard pala. Nakaikot yung braso niya sa may bewan ko, parang nakayakap na tuloy siya sa akin, o nakayakap na nga?

“She. Is. Not. Going.” Madiin na pagkakasabi niya, naramdaman ko pa ang pagiling niya.

My Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon