Chapter 16

462 50 4
                                    

Chapter 16

Rumors

__________

“Mahal ko, ready ka na ha.” Sabi sakin, nino pa ba? Siyempre nag-iisa lang naman ang mahal ko. Kami na kasi ang reporter ngayon kay Sir Garcia.

“Yes, ready na.” Sagot ko at binalingan ko naman si Al. “Al, ok na?”

Ngumiti at tumango lang naman sa akin si Al bilang sagot.

Kagroup din namin si Al, ewan ko ba kay Sir, bakit sa amin pa siya pina-group, hindi naman sa ayaw ko, ang akin lang kasi hindi naman good terms sila Richard at Alvin. Pero baka nga dahil dun kaya siya nilagay sa grupo namin para maging close din silang dalawa.

Dalawang linggo na din kami ni Richard. Yes nakatagal na kami ng twoweeks. Haha. Bukod sa magagandang pangyayari, meron din namang mga hindi. Pero ngayon, magrereport na kami, tsaka ko nalang muna iisipin yan.

“Good morning, Everyone.” Sabay sabay na bati namin.

Nagumpisa na akong mag introduction. “Journals has several related meanings, It can be a daily record of events or business, an academic journal, a private journal, that is usually referred to as a diary and etc.”

Nagdadagdag lang sina Richard at Al ng mga other info about sa topic namin.

“Students who use journals are actively engaged in their own learning and have the opportunity to clarify and reflect upon their thinking.” Si Al, ang may sabi niyan, lumapit pa siya sakin, at tinignan ako.

Naramdaman ko na lang ang paghila sakin ni Richard, na ikinatawa naman ng klase, pati si Sir, nakita kong nagpipigil ng tawa.

“Why?” Takang tanong ko sa kanya.

“Stay here beside me.” Sabi niya habang nakatingin ng masama kay Al.

Nagkibit balikat na lang si Al, at siya na din ang nagtuloy ng report, nag bigay siya ng examples, dahil sa hindi siya nakasama dun sa pag la-la-library namin, eh, nagdagdag na lang siya ng examples at siya ang gumawa ng powerpoint presentation namin.

Ganun lang din ang ginawa namin, kapag may nagtatanong sinasagot namin.

Huli si Richard, Citations lang naman ang sa kanya yung para sa academic journals. Sinabi niya ang mga dapat na laman ng isang citation, at kung pano ang APA at MLA citations.

“But we commonly use the APA style.” Sabay na sabi nung dalawa, tsaka nagtinginan ng masama, napailing nalang ako sa kanilang dalawa. Hindi parin talaga magkakasundo.

“Well don’t forget that, a journal is like a good friend who is never too busy to listen.” Sabi ko na nang matapos na.

“Thank you for listening, that’s all.” Nagpalakpakan naman sila.

“Alright, ayusin niyo na yan boys.” Utos sa kanila ni Sir.

Nauna na akong umupo, naku, bahala silang dalawa dun, ang kukulit. Kahit sa pagaayos, nagaaway parin.

My Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon