Chapter 6

700 56 19
                                    

Chapter 6

Ikaw Na!

__________

“Bakla. Pigang piga na ako. Wala nang natira!” Mangiyak iyak na sabi ni Jenny sabay yuko ng ulo sa may table, inuuntog-untog niya pa yung ulo niya doon. Nababaliw na nga.

Kakatapos lang ng exams namin kanina, at nandito kami ngayon sa Cafeteria. Sama-sama kami dito nang iilan naming ka block mate sa table at pare-pareho pa kaming lutang dahil sa sunod sunod na exam namin.

“Buti nalang at tapos na! Next term uli, haha.” Nababaliw na sabi ni EJ. Nakatulala lang kasi siya haban sinasabi ‘yan.

Buti naman at medyo ayos na ako, kanina halos ganyan din ako, eh. Hindi pa kasi kumakain yung dalawang ‘yan kaya medyo bangag pa.

Habang kumakain ako naramdaman kong nag vibrate yung phone ko. Kinuha ko ito at nakita kong may message.

From: Richard

Message:

Where are you? Puntahan kita. Uwian niyo naman na diba?

 

Nireplyan ko naman siya.

To: Richard

Message:

Cafeteria. Yes, uwian na!

 

Gulat kayo? Textmate na kami ni Richard. Muhahaha. Wag kayo! Sabi niya ‘Friends’ na daw kami. Inaantay ko uli yung reply niya pero hindi na siya nagreply ul, nagulat nalang ako ng may umupo sa vacant chair sa tabi ko.

“Hello.”

“Hi Fafa Code!” kumakaway pang bati ni Andi.

“Ha—i” hinihingal pa niyang sagot.

Nandito na pala siya. Bigla akong napangiti, bakit ang pogi niya parin kahit parang pagod na pagod siya, kahit galing siya sa pagtakbo ang bango parin. Wala sa sarili kong inabot yung pineapple juice ko na in can at inabot sa kanya. Ngumiti naman siya at inabot. Binuksan niya na din ito at mabilis na ininom, mukang pagod nga siya. Ano bang ginawa niya kanina?

“Salamat.” Sabi niya pagkainom niya, ubos yata kagad yung laman.

Naramdaman kong tumahimik sa table namin pagtingin ko sa kanila, aba ang mga loka at loko, eh, nakatingin pala samin at yung nanunuksong tingin pa ang binibigay.

“Ayhetchu talaga Bakla. You're so unfair.” Sabi ni Jenny, hinampas pa ako ng mahina sa braso.

Nagkasalubong naman ang kilay ko. “Bakit ako naging unfair?”

“Bakla! You two look ‘so good’ together.” Nakapalumbaba pang sabi ni Andi.

  

Nagsitinginan naman sila sa isa’t-isa, at mga nagsitanguan. Jusko! We look ‘so good’ together daw, parang KFC lang?

My Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon