Chapter 23

474 45 5
                                    

Ilang araw din hindi nakapagupdate. May nagantay ba ng Update ko ngayon? Haha.

Click The External Link.

Enjoy!

__________

Chapter 23

My Forbidden Love

__________

“Yan na ba lahat hija?” Tanong sakin nung ale.

“Opo, eto na po lahat.”

Inamoy ko pa ang hawak kong bulaklak, at tsaka inabot ang bayad. Wag kayong magreact, BUHAY pa si Richard. Dadalaw lang ako sa Hospital.

Dalawang buwan na rin ang nakalipas. Oo, nagdaan na ang Pasko, at ang bagong taon, nakasama ko siya kahit sandali nung mga araw na yun. Kaya lang nung mga oras na yun, tulog pa rin siya.

After ng isang linggo kong hindi pagbisita sa kanya ngayon lang uli ako makakapunta, naging busy kasi sa school. Gustuhin ko man pumunta pero tinapos ko na ang lahat ng mga gawain ko, para kahit araw araw na akong dumalaw sa kanya ayos lang.

“Good morning.” Bati ko sa guard at sa mga nurse na nadadaanan ko, katulad na nga ng sabi ko, lagi akong nagpupunta dito, netong nakaraang linggo lang hindi, kaya kilala na rin ako ng mga guards at nurse dito.

Masaya at excited na excited ako habang papasok ako sa elevator, namimiss ko na kasi si Richard. Hindi kaya biro yung isang linggo na ‘yun.

Inayos ko ang buhok ko at ang damit ko, bago ako tuluyang pumasok sa kwarto niya, at nilabas ko ang pinakamaganda at matamis kong ngiti. Huminga ako ng malalim at hinawakan ang doorknob.

Pagbukas ko ng pinto biglang naglaho ang ngiti ko, laking gulat ko na lang na makita kong walang tao sa loob ng kwarto niya, naka ayos ang kama niya, at malinis na malinis na ito. Chineck ko ang room number niya, pero tama naman, may nakalagay pa ngang pangalan niya, eh.

“Nurse!” Tawag ko sa dumaang nurse, mabilis naman siyang lumapit sa akin. Garabe ang kaba na nararamdaman ko ngayon. “N—nasaan na po ang pasyente dito?” Sabi ko sabay turo sa pinto ng kwarto.

“Ay, si Sir Alapide po ba?” mabilis akong tumango. “Nagising na po siya.” nakangiting sabi pa nito.

Nagliwanag ang buong mukha ko sa narinig ko, at nawala yung kung ano man na masamang pakiramdam ko kanina. “Gising na siya? Talaga? Kailan pa? Nasan na siya?” Sunod sunod kong tanong na siya rin naman sinagot nung nurse.

“Opo, gising na po siya, nung isang araw lang din po. Pero kinabukasan po pagkatapos, dinischarge na po siya.”

“Ano?!” Gulat na sigaw ko. Nadis charge? “Eh, nasaan na po siya?”

“Naku mam, wag niyo na lang pong sasabihin na sinabi ko sa inyo, ha? Confidential po kasi.” Medyo pabulong pa nitong sabi. Tumango ako at nilapit yung tenga ko sa kanya para makinig. “Narinig ko po kasing naguusap ang doctor at ang pamilya niya, bago siya idischarge narinig ko pong ililipat siya ng hospital.”

Nagkasalubong naman ang kilay ko. “Ha, bakit daw? Alam mo ba kung saan?” Para lang kaming nagchichismisan sa ayos namin.

“Hindi ko po alam kung san mismo pero ayon po sa pagkakarinig ko, sa America na po siya ililipat.”

Bigla akong nanlumo sa narinig ko, narinig kong tinawag na ng isang nurse ang kausap ko, kaya nagpaalam na siya. Unti unti kong nabitawan ang hawak kong bulaklak, at tulalang lumabas ng hospital.

Hindi ko akalain na ganito ang gagawin nila, malayo lang siya sakin. Napatawa ako ng mapait, at tsaka napatingin sa kalangitan.

“Kasalanan ko bang minahal ko siya, kaya pinahihirapan ako ng ganito? Eto na siguro ang kabayaran ko dahil nagmahal ako sa isang taong malayo ang agwat sakin, langit siya, lupa ako. Hindi ko akalain na magiging ganito ang resulta ng pagmamahal ko.

My Forbbiden Love.”

__________

Disappointed ba kayo sa Last Chapter? Antayin na lang natin ang mga susunod pang mangyayari.

May Special Chapter din akong iuupdate bukas.

 ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Thank You For Reading My Story, 'My Forbidden Love'.

I hope you can read my other stories too.:

 

Hanggang Dito Na Lang? 

Arranged Marriage Or Not? 

Worth The Wait 

My Forbidden Love: Not Anymore (On-Going)

The Sweetest Sin (On-Going)

Vote and write Comment in my Stories if You Like It.

God Bless!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

December 1, 2013 - January 14, 2014

My Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon