Chapter 7

653 59 14
                                    

Chapter 7

Sky Flakes

__________

 Time Check.

7:49am.

“Hmm, masyado ka yata excited ha, Bakla.” Pangasar na bungad ni Jenny pagbaba ko.

Nakabihis na kasi ako at ready to go na para sa paglalibrary namin ni Richard. Maaga lang natapos, excited kaagad?

“Naku, tigilan mo ko, ha. Mabuti na ‘to kesa naman pagantayin ko pa si Richard.” Sagot ko sa kanya. “Ikaw san punta mo Bakla?” Tanong ko pa.

Naka todo get up kasi siya, naka dress pa ang loka at naka doll shoes kaya imposibleng hindi aalis yan.

“Ano siyempre. Inaantay ko si Code!” Kinikilig na sabi niya sakin.

Nanlaki ang mata ko sa gulat. “Ano? Nagdamit ka ng ganyan para kay Richard?”Dahan dahan siyang tumango at nakita ko pa ang pamumula nang pisngi niya.Napakunot ang noo ko. “Eh, akala ko ba, ok na kayo ni Johny?!”

Natigilan naman siya at napatulala. Kung kanina ay mapula na ang pisngi niya, mas lumalala pa ang kapulahan nito.

“Naku mga bata kayo. Nandiyan na si Richard!”

Sabay kaming napalingon sa nagsalita. Nakadating na pala si Tita Joy galing palengke. Mukang nakasabay niya si Richard. At kasunod na nga niya ito pagpasok.

“Good Morning, Code!” Salubong ni Jenny sa kanya.

Aba ang loka mukang may balak pang yakapin si Richard buti at nahawakan siya ni tita sa damit.

“Oops bata ka. Halika at tulungan mo ko dito. Ales anak iabot mo na yan kay Jenny at nang makaalis na kayo.”

Kinuha ko kasi kanina kay Richard yung ilang pinamili ni tita, mukang tinulungan niya din ito. Wala nading nagawa si Jenny kundi kunin ang mga hawak ko.

“Kainis naman nag dress pa ako para lang dito.” Bulong pa ni Jenny.

Pero narining ni tita. “Nagrereklamo kapang bata ka.”

Kinurot kurot pa ni tita si Jenny. Buti nga. Haha. Hinila na ni tita si Jenny papunta sa kusina. Hinarap ko naman na si Richard.

“Ahm tayo na ba?” Tanong ko sa kanya.

Pero bakit parang natigilan siya at napansin kong pumula ang pisngi niya. Naiinitan ba siya?

“T-tayo na?”  Nauutal niya pang tanong.

Bakit anong problema? “Oo alis na tayo? Paalam lang ako.”

My Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon