Chapter 4

804 59 25
                                    

Chapter 4

Afterall

__________

Tahimik lang ako, dahil na rin siguro sa takot na nararamdaman ko. Mukang napalakas din yata ang suntok ni Richard kay Jude kaya di na ito nakatayo.

Napatingin din naman sakin si Richard at dahan dahan lumapit sakin. Napatayo ako ng diretso.Teka hala, bakit siya ganyan makitingin, wag mo sabihing—

“Wah! Lumayo ka—Ah!” Napaupo ako ng biglang kumulog ng malakas.

“Hey! Ayos kalang?!” narinig ko pang tanong nito sakin, pilit niya pa akong tinatayo pero ayaw ko.

Kumulog uli kaya napatakip pa lalo ako ng tenga tsaka ko na naramdaman ang pagbuhos ng ulan.

‘Habang hindi pa kumukulog uli kailangan ko nang makauwi.’ sabi ko sa sarili ko.

Tumingin ako sa paligid at nagtanggal ng takip sa tenga, at tsaka tumayo na ako nang hindi pinansin o pinasalamatan man lang si Richard. Natatakot na ko! Tumakbo ako papalayo sa kanya nang bigla uli kumulog. Napahinto ako sa isang gilid at dun ako napaupo at nagtakip ng tenga.

Mas natatakot pa ko ngayon kesa kay Jude kanina.

Lalong lumalakas ang ulan, ayos lang kung umulan wag lang kumulog! Naman eh! Naiiyak nako sa takot. Giniginaw na din ako. Hindi ko alam kung tatakpan ko ba yung tenga ko o yayakapin ko yung sarili ko sa lamig.

Nagulat ako nang biglang di ko na nararamdaman ang pagtama ng ulan sakin. Tumigil na ba ang ulan? Pero kahit nakatakip ako ng tenga ay naririnig ko parin yung lakas ng buhos ng ulan.

Unti unti kong dinilat ang mata ko, at nakita ko na may nakatayo sa harap ko, tiningala ko ito para makita kung sino.

“Richard.”

Umupo na kagad siya para makapantay ako, may hawak pala siyang payong, tinanggal niya yung jacket na suot niya at pinatong sa likod ko.

Pinunasan niya rin yung mukha ko ng panyo. Pero nababasa parin ito dahil sa iyak ko.

“Wag ka na umiyak, nandito na ako, oh.” Malumanay na sabi niya na parang nagpapatahan ng isang bata.

“Richa—“

Bago ko pa matapos yung sasabihin ko, bigla nalang nagdilim ang paningin ko.

***

Naalimpungatan ako ng maramdaman ko na parang lumilipad ako. Nanaginip pa yata ako. Hanggang sa naramdaman kong ibinababa ako sa isang malambot na bagay, at mukang kama ito.

Teka KAMA?! Hala! Nagdilat ako at si Richard kaagad ang nakita ko. At mukang nagulat din siya nang makita niyang dumilat ako.

My Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon