one

5.1K 170 13
                                    


"Mama Ida, pakitawagan naman si ate Apple. Pakisabi na sabihin kina direk na male-late lang ako ng konti dahil may dadaanan lang tayo." Pakiusap ko sa P.A. kong si mama Ida habang si ate Apple naman ay road manager ko.

Ako si Alden Faulkerson, ahhmmmm masasabi kong isa na ako sa "made" na sa showbiz industry. Lahat ng pelikula ko tumabo sa takilya. Ilan na din ang mga awards na natanggap ko. Lahat ng mall shows ko dinumog. Kabi kabila ang endorsements ko, ang biruan nga ako na daw ang may ari ng EDSA dahil puro billboards ko ang naglipana doon..

"Naku Den, magagalit nito si Apple eh. Alam mo namang ayaw nun na male-late ka sa mga appointment mo." Nag aalalang sabi niya sa akin.

"Ngayon lang naman eh, dadaan lang tayo kay mommy. Hindi pwedeng hindi ko siya dalawin today. Birthday niya ngayon. Please....."

"Sige na nga, basta bahala kang makipag usap sa production mamaya ha."

"Yes mama. Thank you." Nakangiti kong sabi sa kanya. Saka ko binalingan ang driver ko at binilinan kung saan kami muna pupunta.

**********************************

"Den!" Malakas na tawag sa akin ni ate Apple pagbaba ko ng kotse. Nandito kami sa may CCP, dito kasi ang location ng taping kung saan ako may guest appearance. Bale last taping ko na ito sa kanila. "Naku, kanina ka pa nila hinahanap."

"Sorry na ate Apz. Nasaan ba sila?" Sa kinatatayuan ko, medyo hindi ko matanaw ang production. Sa medyo bungad na kasi kami nakapag park dahil eto na lang ang bakante pagdating namin.


"Doon pa sila sa dulo eh, sa may breakwater."

"Eh di maglalakad pa tayo? Pagkakaguluhan itong si Den!" Nag aalalang singit ni mama Ida.

"Mag baseball cap na lang ako, hindi naman na siguro nila ako makikilala niyan. Yuyuko na lang ako habang naglalakad." Naeexcite na sabi ko.
"Matatagalan pa tayo kapag nilapit pa itong sasakyan doon."

"Delikado yang naiisip mo Den." Sabi ni ate Apz sa akin, kita ang pag aalala sa mukha niya.

Inakbayan ko siya "te Apz, dont worry kaya ko yun."


Walang nagawa si Mama Ida kung hindi iaabot ang baseball cap kong nasa loob ng kotse. "Tara lets!" Aya ko na sa kanila.

"Mauna ka na Den, mas mahahalata ka kung kasabay mo kami dahil kilala na kami ng mga fans mo. Lakad ka lang pero yuyuko ka ha." Bilin pa ni Ate Apz kaya naman lumakad na nga ako papunta sa location.

Buti na lang at suot ko na ang sinabi ng wardrobe na tamang damit ko para sa sequence na kukunan kaya no need na magbihis na. At least less hassle.

Tahimik at marahan akong naglakad pilit sumabay sa agos ng mga taong naglalakad din. Panaka naka kong itinaas ang aking mukha para makapag observe sa paligid. Maya maya napangiti ako. Namiss ko din yung ganito, yung walang lumalapit sa akin para magpapirma, magpapicture.

Nakakapagod na rin kaya minsan ang ngiti ka ng ngiti. Yung kahit ngalay na ngalay na ang panga mo pero wala kang choice kung hindi ngumiti pa rin dahil yun ang tinatangkilik nila sa iyo.

Tahimik at nakangiti akong naglakad pa rin, lihim na pinagmasdan ang mga tao sa paligid ko. Ang sarap sa feeling na walang nakakakilala sa akin. Masaya ako na walang taong nagpapahinto sa akin sa simpleng kaligayahan na ito..

"Oh shit!" Nabigla kong sabi ng walang ano ano eh mabangga ako saka may yumakap sa akin. Nang tingnan ko ang nakayakap sa akin, hindi ko malaman kung babae o lalaki, paano balot siya ng dumi sa katawan.

Agad ko siyang naitulak palayo dahil sa kabiglaan. Pagkatapos napansin ko ang mga duming dumikit sa puting puting polo shirt ko. "Shit! Continuity pa naman ito! Patay ako kina direk!" Nag aalala kong sabi sa sarili ko habang pilit pinapagpagan ang suot ko.

Mayamaya muling yumakap sa akin ang ahhmmmm, babae pala siya. Babaeng taong grasa..

Muli ko siyang itinulak pero hindi naman kalakasan kaya nagtaka ako ng bigla siyang mapaupo.

Medyo nakakatawag na kami ng pansin at natatakot na akong makilala ng tao. Takot din naman akong dumugin ng napakaraming tao eh. Lalampasan ko na sana siya pero paghakbang ko bigla siyang kumapit sa isang binti ko.

"Naman!! Ngayon pa!" Sabi ko.

"Aldennnn" mahina niyang sabi pero malinaw kong narinig na tinawag niya ang pangalan ko. Aba maniniwala na yata talaga ako na sikat na ako dahil kahit taong grasa eh kilala na ako.. Napatingin ako sa kanya, particularly sa mata niya.. Bakit ang ganda ng mata niya? Pati ngipin niya bakit ganun, madumi siya pero maayos at maputi, pwede ba yun? Madumi na maputi? Ang gulo di ba? Naramdaman ko pa ang palad niya sa pisngi ko at alam ko na may dumi na din doon.

Shit Alden, kailangan ka na sa location ano't nakikipagtitigan ka pa sa taong grasa na yan, parang naririnig kong sabi ng utak ko kaya naman parang nagising ako. Dumukot na lang ako ng kung anuman sa bulsa ko saka inabot sa taong grasa.

"Pambili mo ng pagkain, tsaka bumili ka na rin ng safeguard maligo kang mabuti ha." Sabi ko sa kanya saka tumayo na at naglakad na palayo sa kanya...

Carbon PaperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon