"Maine! Ano bang ginagawa mo? Bakit nandito ka pa rin? Alalahanin mo, may anak kang dapat asikasuhin. Hindi pa ba sapat ang nakita mong reaksyon ni Alden para matanggap mo sa sarili mo na tapos na kayo? Na hindi na pwedeng madugtungan ang mga nangyari dati sa inyo kahit pa may Athena na naghihintay sa tatay nya!!" Parang tangang kausap ko sa sarili ko.
Kinukumbinse ko ang sarili ko na tapusin na ang kahibangang umasa na may babalikan pa ako sa buhay ni Alden.
Kailangan kong maging matapang hindi para sa sarili ko kundi para sa anak ko. Alam kong nasaktan sya, naalala ko pa ang pag uusap namin sa skype pagkatapos umalis ni Alden ng walang paalam nung araw na iyon.
"Mommy? Mommy!!!" Parang nagising ako sa pagkakatulala ng marinig ko ang pagtawag ng anak ko sa akin. Kaya naman agad kong hinarap ang laptop.
"Baby? Yes Baby? I'm here..." pigil ang luhang kausap ko sa kanya.
"That's.... That's him right? Daddy? My Daddy?"
Tumango na lang ako.
"Bakit sya umalis? Hindi pa nga ako nakapag hi and i love you sa kanya." Mukhang mauuna pang tumulo ang luha ni Athena kaysa sa akin kaya agad ko siyang inalo.
"Ahmmm may kailangan lang asikasuhin ang Daddy mo." Paliwanag ko.
Pero parang hindi ako narinig ng anak ko. "Maybe hindi maganda ang song ko kanina... Maybe pangit yung voice ko kaya hindi nya nagustuhan... Mommy can you teach me how to sing, yung magandang maganda? Para kapag nakita uli ako ni Daddy magugustuhan na niya yung kanta ko. Magiging proud na sya sa akin. Love nya na rin ako."
Hayyyyy itong anak ko, akala mo hindi bata kung magsalita. "Baby maganda ang voice mo, di ba nga nagmana ka sa Daddy mo?" Tumango naman sya. "And don't say na hindi ka nya love, kasi love na love ka niya. Ano ba ang sabi ng Mommy kaya hindi ka napupuntahan ni Daddy?"
"Kasi po busy sya. He is a great actor kaya marami syang movies, teleserye and concert." Bibong bibong sagot niya sa akin. Tapos kunwa'y nag isip sya. "Mommy teach mo pa rin ako magsing ng magaling, para pwede ako magsing sa concert ni Daddy. Tapos makikita ako ng fans ni Daddy, they'll see that I am adorable, they will love me too katulad ng love nila kay Daddy." Puno ng pag asam na sabi pa niya kaya wala na akong nagawa kung hindi matawa na lang...
Sana nga anak... sana nga matanggap ka ng mga fans ng tatay mo. Sana ay matanggap nilang may anak na ang idol nila. Sana ay hindi ka makatanggap ng pamba bash na nangyari sa akin...
Mapakla akong natawa sa pagbabalik tanaw sa usapan naming mag ina. Sana nga... Sana ay huwag madamay ang inosente kong anak sa kaguluhan sa mundong ginagalawan ng tatay niya. Sana ay huwag makatanggap ng maasamang salita ang anak ko. May marinig lang akong hindi maganda ukol sa anak ko, hindi ako mangingiming makipagpatayan maipagtanggol ko lang si Athena. Hindi na ako ang dating si Maine na nanahimik lang.
Kung hindi lang talaga kailangang kailangan, hindi ko na gugustuhing makilala pa ni Alden si Athena. Hindi ko na nanaising madamay sa gulo ng showbiz ang anak ko, pero wala akong choice. Kailangan kong gawin ito. Kailangan kong isaayos muna ang buhay nga anak ko bago mahuli ang lahat.
Patuloy ako sa pag iisip ng marinig ko ang pagtunog ng doorbell.
Tinatamad na tumayo ako at lumapit sa pinto. Laking gulat ko ng pagsilip ko sa peephole ay nakita ko ang naiinip na mukha ni Alden kaya naman ay agad kong binuksan ang pinto.
"H-hi!" Gulat pa ring sabi ko.
"Pack all of your things!" Puno ng awtoridad na sabi niya sa akin na ikinagulat ko. Kaya naman hindi ako nakakakilos agad.
"What?!" Sabi pa niya na sinundan ko ng tingin habang naglalakad sya papasok at agad umupo sa sofa na naroon kahit pa hindi ko pa naman sya iniimbitahan pumasok sa condo. "I'm giving you twenty minutes para makapag ayos. Naghihintay na ang private plane na inarkila ko para makapunta tayo agad agad sa Davao."
"But-" aapela pa sana ako pero hindi niya ako binigyan ng karapatang sumagot pa.
"No buts! I won't listen! Wala kang karapatang tumanggi! Limang taon Meng!! Limang taon ang pinagkait mo sa aming mag ama. Five years ang ninakaw mo sa akin para maging ama sa anak ko. Kaya wala kang karapatang tumanggi! Wala akong tatanggaping anumang paliwanag mo! Ang mahalaga sa akin ay ang anak ko! Ipapakilala mo ako sa kanya! Ibabalik mo ang limang taong iyon!" Saglit siyang tumingala pero masyado kong kilala si Alden kaya alam kong pinipigilan nya ang luha niya kaya niya ginawa iyon. Pagkatapos ay muli siyang humarap sa akin. "Now move! Bago ko pa makalimutang ikaw ang Nanay niya!" Seryosong sabi niya sa akin na ikinaatras ko.
Natakot ako sa ekspresyong nakita ko sa mga mata niya kaya wala na akong nagawa kung hindi maglakad papunta sa kwarto at ayusin ang mga gamit ko.
Hala sya.... galit na si Alden.... tsk tsk tsk....

BINABASA MO ANG
Carbon Paper
Fiksyen Peminatanong mangyayari ng biglang makabangga ni Mr. Superstar ang pakalat kalat na taong grasa?