"
Hi! I'm Mark. Kasama ko dito si Meng na lumuwas. " In-extend nya ang kamay nya sa akin pero tiningnan ko lang iyon. What the heck?! Anong ginagawa ng lalaking ito sa teritoryo ko? "I think kilala mo na rin naman kung sino ako." Na tinanguan ko lang.
"Anyway." Muli niyang ibinulsa ang kamay na hindi ko tinanggap. Akala mo balewala lang yung ginawa ko. "I'm leaving for Davao tomorrow. Si Meng na lang ang matitira sa unit. Kahit pilitin ko syang sumama sa akin pabalik ayaw niya. She said she needs to talk to you, pero wala syang ginagawa para makausap ka. So please, talk to her. Sana maisingit mo sya sa busy mong schedule." May inabot syang papel sa akin at tumalikod na.
Kasalukuyan akong nasa rehearsal ng sabihin sa akin ni Ate Apz na may naghahanap sa akin. Hindi ko na muna sana haharapin dahil sobrang busy kami, pero ng sinabi nyang kaibigan daw ni Dei pumayag kaagad ako.
Huli na para tumalikod, nagulat ako ng makita ko kung sino ang naghahanap sa akin. Of all people, yung lalaki pang naging dahilan kung bakit nawalan ako ng tapang na harapin si Meng nung makita ko sya sa Davao. Yung lalaking syang dahilan ng pag iwan sa akin ni Dei. Ang lalaking sumira sa mga pangarap namin na magkasama naming binuo.
Niloloko ko ang sarili ko kung sasabihin kong wala ng epekto sa akin si Meng, dahil meron. Malaking malaki pa.
Naisip ko ang sinabi niya, kasama nya daw si Meng. So hindi totoo na nagha hallucinate lang ako nung launch. Sya talaga ang nakita ko. Si Meng talaga iyon, ang aking si Meng.
Napatawa ako ng mapakla, ang lakas ko makaangkin. Akala mo akin talaga sya, niloloko ko hanggang ngayon ang sarili ko. Hanggang ngayon pinapaniwala ko ang sarili ko na magkakaron pa rin kami ng happy ending. Hanggang ngayon umaasa ako na babalik pa rin sya sa akin. Na ako pa rin ang tatakbuhan niya.. Syempre buong puso ko syang tatanggapin... Sila... sila ng anak niya.
Pagtingin ko sa papel na inabot niya, address.. mukhang address ng sinasabi nyang unit. At magpapaiwan si Meng? At bakit gusto akong makausap ni Meng? Wala na ba silang relasyon ng lalaking iyon? Pero bakit magkasama pa rin sila? At nasaan ang anak nila?
Oo nga at gusto kong mabalik sa buhay ko si Meng, pero hindi naman pwepwedeng dalawa kaming lalaki sa buhay niya. Hindi pwedeng tanggapin ko sya ng hindi malinaw kung hiwalay na ba sila.
Ano kaya ang naging buhay ni Meng sa piling ng lalaking iyon? Bakit kinailangan nilang maghiwalay? Hindi ba nila naisip ang anak nila?
Hayyyy ang daming tanong....
Mayamaya nagulat ako ng may tumapik sa balikat ko.
"Mama Ida!" gulat kong sabi.
"Asawa ni Meng yun di ba?" Tumango ako.
"Anong ginagawa niya rito? Anong kailangan nya sa iyo?"
"He just gave me an address. Nandon daw si Meng at gusto daw akong makausap ni Meng. Ma, bakit ngayon pa? Bakit ngayon pa sumingit yung ganito? May problema pa tayo. Hindi ko alam kung dapat ko bang puntahan sya, pero gusto ko.. alam mo yan"
Naramdaman kong umupo sya sa tabi ko. "Den, ang sabi lang naman yata ay gusto kang makausap di ba? Hindi mo pa alam ang totoong dahilan. Huwag kang masyadong mag isip. Huwag kang masyadong umasa... Baka masaktan ka lang... masaktan tulad ng dati.... Puntahan mo sya, baka sakali masagot lahat ng tanong na nasa utak mo sa loob ng maraming taon.." tinapik tapik nya uli ako sa balikat. "Balik ka na sa loob, hinahanap ka na nila." Yun lang at nauna na syang pumasok sa studio.
BINABASA MO ANG
Carbon Paper
Fanfictionanong mangyayari ng biglang makabangga ni Mr. Superstar ang pakalat kalat na taong grasa?