"Let's talk.." hindi na ako nagulat ng marinig ko ang sinabi niya. After ng dinner ay dumiretso na ako dito sa swing sa garden. Agad akong nag angat ng tingin sa kanya na ngayon ay nakatayo sa aking harapan.
"Si Athena?" Masyadong stupid ang tanong ko dahil alam ko namang natutulog na ang anak namin. Pero anong magagawa ko, wala akong maapuhap na sasabihin sa kanya. Sa totoo lang ay naninimbang ako sa kung anong pwede kong marinig mula sa kanya.
Umupo sya sa bakanteng upuan sa harapan ko kahit pa hindi ko naman sya inaayang maupo. Kung hindi ka lang talaga tatay ni Athena, kanina pa kita sinigawan, isip isip ko.
Umupo sya ng marahan, pagkatapos ay sumandal, inihilamos ang dalawang palad sa kanyang mukha pagkaraan ay tumingala saka pumikit.
Pinagmamasdan ko lang sya habang ginagawa niya ang mga bagay na iyon. Limang taon ko ring hindi nakita ang mga kilos niyang ganito. Nakakamiss din pala.
Dati rati pagkatapos ng napakahectic nyang schedule at dumadalaw sya sa akin, kuntento na daw syang katabi lang nya ako. Kesyo nawawala na raw ang lahat ng pagod niya basta alam niyang nasa malapit lang ako, basta magkahawak lang kami ng kamay. Hindi ko tuloy maiwasang tanungin ang sarili ko kung sino kaya ang pumalit sa pwesto ko, sino kaya ang pumapawi sa pagod niya ngayon...
"Why?" Natigil ako sa pag iisip ng marinig ko ang boses na iyon. Tila ba nagising ako sa isang panaginip. Nang lingunin ko siya saglit akong natulala. Pilit kinukumbinse ang sarili na totoo ang lahat ng ito. Na totoo talaga na nandito siya. Na tulad ng sabi ng anak namin ay hindi lang sya basta standee ngayon, kundi totoong nandito si Alden. Totoong kasama namin sya sa Davao, hindi man ako sigurado sa balak niya ang mahalaga ay alam kong walang pagsidlan ng tuwa ang anak namin ngayon.
"Magtititigan na lang ba tayo dito?" Muli niyang sabi.
"Ahhmmm sorry." Hingi ko ng paumanhin. "Do you need to go back to Manila na? Ipapaready ko kay Tatay yung sasakyan. Wait." mabilis akong tumayo at akma ng aalis sa swing ng maramdaman ko ang napaka pamilyar na hawak sa braso kona hindi ko kailanman maipagkakamali sa iba. Saglit akong napatitig doon pagkatapos ay nilipat ko ang tingin sa maamo niyang mukha.
Para namang napaso siyang agad niyang binitawan ang pagkakahawak sa braso ko. "Mag usap tayo." Mariing niyang sabi kaya napaupo akong muli sa pwesto ko kanina.
"Wala ka bang schedule sa Manila? Baka kailangan mo ng bumalik."
"You're not my manager para maging concern ka sa schedule ko. Kapag sinabi kong mag usap tayo, mag uusap tayo. Hindi bukas, hindi mamaya, hindi after five years. NGAYON tayo mag uusap. NGAYON Na."
Napatango na lang ako, ewan ko pero parang bigla akong natakot sa asta ng pagsasalita niya.
Tinitigan niya lang ako ng mariin pagkatapos ay napailing iling. Saglit na pinindot ang sentido na parang may pinipigilan. "Alam mo ba kung gaano ako kagalit sa iyo? Kung gaano karaming masasamang salita ang gusto kong isigaw sa iyo? Kung pwepwede lang kitang saktan para mabawasan ang nararamdaman ko? Alam mo ba kung gaano kabigat ang nararamdaman ko kanina habang nagsasalita ang anak ko, kung gaano ako kasisi na wala ako sa mga panahong iyon. Kung gaano kasakit sa akin na marinig mula mismo sa kanya na naging kuntento siya na kasama ang standee ko kahit nandito naman ako buhay na buhay! Yung wala akong kamalay malay na may anak pala ako na naghihintay ng pansin ko habang ako nandun sa ibang lugar?! Alam mo ba kung gaano nadurog ang puso ko kanina ng marinig na sabihin niya habang natutulog siya na totoong may Daddy siya, na hindi na standee ang Daddy niya. Na huwag na uli akong aalis?!"
Tahimik lang akong nakikinig sa kanya. Bawat salitang lumalabas sa bibig niya ay tinatanggap ko lang.
"Huwag uli akong aalis? Paanong aalis akong muli kung sa simulat sapul pa lang ay hindi ako umalis kailanman. Gustuhin ko mang sabihin sa kanya yun, na hindi ako ang umalis, hindi ako ang nang iwan, hindi ako ang ginawang tanga sa pag iisip kung ano ba ang kulang sa akin, kung ano ba ang ginawa kong masama para iwan ako ng walang paalam. Hindi mo alam ang pakiramdam na iyon Maine, hindi mo alam ang pakiramdam ng mag isa, hindi mo alam kung paano ang pakiramdam ng ikaw ang nangangapa, nangangapa ka sa kung paano mo haharapin ang bukas na mag isa. Na yung tanging taong inaasahan mong hinding hindi ka iiwan ay bigla kang bibitawan sa isang iglap."
"Ald-"
"But what's the use? Wala na rin namang saysay kahit masagot pa ang mga tanong ko. Wala na rin namang akong pakialam sa mga iyon, ang tanging concern ko lang ay si Athena, ANG ANAK KO."
"Ilalayo mo sa akin ang anak ko?" Bigla akong nagpanic sa mga narinig ko. Hindi ganito ang plano ko. Gusto ko lang makilala sya ni Athena. Gusto ko lang ipaalam sa kanya na may anak kami.
Mapait syang umiling. "Kahit gaano pa ako kagalit sa iyo hindi ko gagawin yun, hindi ako selfish katulad mo. Alam kong unang unang masasaktan ang anak ko kapag inilayo kita sa kanya kaya hindi, hindi ko sya ilalayo kahit na iyon ang unang sumagi sa isipan ko ng marealize kong anak ko si Athena."
"Pero... Yung sinasabi mo... Paano?"
"Asikasuhin mo lahat ng documents ni Athena sa school bukas na bukas rin. Ililipat ko sya sa Manila. I cant stay here forever. May mga commitments ako sa Manila at naipangako ko na sa anak ko na hinding hindi ko na siya iiwan."
"Pero Alden.."
"Hindi ka pwedeng umapela. Final na ang decision ko."
"Saan siya titira?" Naipagbili ko na ang bahay namin sa Manila, sa condo na lang kaya ni Mark kami tumirang mag ina?
"Syempre sa bahay ko. Doon titira ang anak ko. Sa bahay ko lang at hindi sa bahay ng kung sinumang lalaki." Mukhang nabasa niya ang naiisip ko ah.
"Sa bahay mo?!" Gulat kong tanong.
"Sa bahay ko kayo titirang mag ina. Hindi sa kung saan pa man." Yun lang at tumayo na siya saka iniwan akong nakatulala pa rin. Pilit ina absorb ang mga sinabi niya.
Hi guys drama ito ha, medyo mabigat ang fanfic na ito. Actually ang ending nito matagal ng tapos sa utak ko at hinding hindi na yun magbabago...
P.s. Don't worry magkakaron din ng tatak BUSILAK ang story na ito. 😂😆
I'll be meeting someone sa saturday (july 15) sa MOA. Reader ko daw sya.. hahahahaha. Kung free kayo pwede kayo magjoin para isang bagsakan na lang. (Tumatanggap din po ako ng advance birthday gift 😂😂😂)

BINABASA MO ANG
Carbon Paper
Fanfictionanong mangyayari ng biglang makabangga ni Mr. Superstar ang pakalat kalat na taong grasa?