three

1.9K 155 7
                                    

Pagkababa ko ng telepono after kong kausapin si Athena, naupo ako sa sofa sa loob ng condo ni Mark.

Binuksan ko ang tv para kahit papano eh malibang libanh naman ako. Nakakabaliw ang katahimikan dito sa totoo lang.

Tamang tama pagbukas ko ng tv, kasalukuyang pinapakita ang tvc ni Alden sa isang sikat na massage oil. Hubad baro siya doon kaya kitang kita ang malapad niyang dibdib at ang tyan niyang may abs na... Alagang alaga na niya ang katawan niya. Napangiti ako, naalala ko dati ang katawan niyang hindi pa ganoon ka develop.

Hindi ko tuloy naiwasang balikan ang nakaraan..

Bestfriend ko si Alden simula pa nung second year high school pa lang kami. Magkaklase na kami until third year high school, pero ngayong fourth year eh nalipat siya sa star section. Ganun pa man, lagi pa rin kaming sabay pumasok at umuwi. Hanggat maaari eh sabay din kaming nagla lunch sa school.

Pauwi na kami ng pansinin niya ang rose na dala dala ko.

"Kay Mark na naman galing yan noh?" Tukoy niya sa kaklase ko.

Umoo ako. "Ang sweet nya noh...."

"Kelan ka ba titigilan ng lalaking yan. Kelan hihinto sa panlilifaw yan sa yo?"

"Hmmmm.... kapag sinagot ko na siya?"

"Sinagot? Meng naman. May balak ka talagang sagutin iyon? Seryoso ka?"

"Bakit, gwapo naman si Mark ah." Pagtatanggol ko sa suitor ko.

"Gwapo ba yun? May alipunga kaya yun."

"Pati yun alam mo?"

"Nakasabay ko sya nung nagbasketball kami. Grabe Meng ang baho ng paa nung nagtanggal ng sapatos." Nagmwestra pa siya ng akala mo susuka siya.

"Ewww!" Sabi ko... "Eh di si Baron na lang ang sasagutin ko. Tamang tama ini invite niya akong maging date niya sa prom."

"Si Baron? Hindi mo ba napapansin may halitosis yun?"

"Huh? Parang wala naman ah..."

"Hindi mo lang yata sya nakakausap ng malapitan eh kaya hindi mo alam."

Nagdududa na akong tiningnan siya. "Alam mo may napapansin ako sa iyo."

"Ano yun?"

"Bakit lahat na lang may puna ka sa suitors ko? Nakakahalata na ako ah. Nung dati si Ed sabi mo may palya sa turnilyo, si James banlag, si Mike komang. Ngayon naman sina  Baron at Mark." Tiningnan ko muna siya sa mga mata. "Tell me Den, nagseselos ka ba sa mga manliligaw ko?" Natatawa kong tanong sa kanya.

Tumingin muna siya sa akin ng matiim tapos sumeryoso ng mukha.

"Bigyan mo muna ako ng karapatang magselos Meng para maipakita ko sa iyo kung paano ako talagang magselos."

Yun lang at iniwan na niya ako doong natulala sa mga sinabi niya...

Carbon PaperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon