seventeen

1.3K 177 31
                                    

"Den hanggang kailan mo patatagalin ang kontrata?" Tanong ni Mama Ida dahil hanggang ngayon ay wala pa rin akong pinipirmahan na kahit na anong kontrata. Bumisita siya sa akin dahil halos one week na nga akong hindi nagpapakita sa kanila. Masyado akong naging busy kay Athena na para bang sinusulit ko yung mga panahong nawala sa amin.

Tiningnan ko lang siya pero siguro nga ay kilalang kilala na niya ako kaya naintindihan niya ang laman ng tingin kong iyon sa kanya.

"Don't tell me..."

Tumango ako. "Pagod na ako Ma."

"Pero sayang ang pinaghirapan mo Den. Sayang ang career mo kung bibitawan mo na lang basta." Ramdam sa boses nya ang panghihinayang pero mas lamang ang concern.

"Sayang nga ba Ma? Maayos na naman ako di ba? Kahit sina Nanay maayos na din naman sila. Ano pa ba ang panghihinayangan kong mawala kung umayaw na ako." Tukoy ko sa family ko na naka base na sa Batangas.

"Pero ang mga fans, malulungkot sila kapag nalaman nila na ayaw mo na."

"Hanggang kailan ko ba sila kailangang pasayahin Ma? Hanggang kailan ako magpapanggap na masaya sa harapan nila?  Nakakapagod na rin pala na pinapasaya mo ang mga tao pero sa loob mo ni hindi mo magawang ngumiti. Yung lungkot na bumabalot sa pagkatao ko ni hindi ko man lang mailabas."

Hinawakan niya ang balikat ko. "Pag isipan mong maigi yan Den, malaking desisyon kung saka sakali ang gagawin mo."

"Gusto ko lang maging masaya Ma, gusto kong maramdaman uli kung paano tumawa ng totoo na nagawa kong kalimutan sa loob ng limang taon." Dahil sa sinabi ko, nagawa kong balikan sa isip ang nangyari kahapon na lalong nagpatibay sa desisyon kong umalis sa showbiz.

"Are you happy baby? Nag eenjoy ka ba?" Nasa restaurant kami ngayon nina Athena at Meng. Ipinasyal ko sila sa mall at namili na rin ng toys para sa anak ko.

"Yes Daddy! Super!" Bakas na bakas ang kasiyahan sa mukha ng munting anghel namin. "Thank you Daddy!" Tapos ay bumaling naman siya kay Meng na nakaupo sa kaliwa niya. "Thank you Mommy"

"Anything for you honey." Saka dinukwang ko siya at masuyong hinalikan sa pisngi na ikinahagikhik naman niya.

Pero mayamaya nag iba ang expression ng mukha niya, medyo lumungkot siya.

"Oh, why sad ang baby ko? May kulang pa ba sa toys? Meron ka pa bang gustong ipabili kay Daddy?" Nag aalalang usisa ko.

Umiling lang siya pagkuwan ay ngumuso.

"Athena what's wrong?" Si Meng naman ang nagtanong sa kanya. "May masakit ba sa iyo? Di ba favorite mo naman itong food?" Tukoy niya sa in-order kong pizza and chicken.

"Kasi Mommy I'm not totally happy. Sad pa si little heart ko po. Mahu-hurt pa po sya." At lalo pa niyang pinahaba ang nguso niya kaya mas naging adorable sya sa paningin ko.

Hindi ko natiis ang sarili ko, I scooped her from her seat saka kinandong. "Anong problem ng baby ko? Bakit sad si little heart nya?"

"Kasi si Mommy po." Akala mo nagsusumbong na sabi niya.

"Anong meron sa Mommy mo?" Sinulyapan ko si Meng na nananatiling nakatingin sa amin na nagtataka.

"Kasi she's not living with us. Laki laki ng house mo Daddy pero bakit hindi po doon nagsleep si Mommy?" Ikinagulat ko yung sinabi niya, akala ko ay wala siyang alam sa set up na ginawa ni Meng. Akala ko ay hindi niya nahahalatang umuuwi ang Mommy niya kapag natutulog na siya at bumabalik lang sa bahay ng maagang maaga.

Carbon PaperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon