"Daddy maganda po ba sa Manila?" Halata ang excitement sa boses ni Athena habang nakaupo sya sa kandungan ni Alden habang ako ay nag eempake ng mga damit ni Athena dito sa loob ng kwarto niya. Bukas ng umaga ay babalik na kaming tatlo sa Manila. Hindi ko alam kung tama ba ang naging desisyon ko, hindi ko maiwasang matakot. "Maraming mall?"
"Yes Baby." Nakangiting sagot sa kanya ng ama niya.
"We'll go to the mall palagi? Ipapasyal mo po ako? Ang daya kasi ni Tito Mark, he promised me to bring there pero hindi nya naman tinupad." Nakalabi nya pang sabi. "Pwede po bang lagi tayong magpunta sa mall?"
"Athena, hindi pwedeng laging mamasyal. You know how busy your Dad is." Simpleng pagsaway ko sa kanya.
"But.. hindi naman po everyday eh."
Sasagot pa sana ako pero inunahan na ako ni Alden. "Syempre naman ipapasyal ko ang Baby ko parati."
"Dadalhin mo din po ako sa?" Bumaling sya sa akin na parang humihingi ng tulong sa pagsasalita. "Mommy san nga po yung nagshoshow yung mga actors? Yung doon sila nagsising at nag aact?"
"Sa studio baby." Muli inunahan na naman ako ni Alden sumagot.
"Yes! Doon nga po. Dadalhin mo din po ako doon? Please... I want to go there!"
"Athena hindi pwede. Hindi ka pwedeng pumunta doon." Mariin kong saway sa kanya. Iniisip ko pa alng gaano pagkakaguluhan ng press si Athena ay nanliliit na akk.
"Bakit hindi pwede Mommy?" Umalis sya mula sa pagkakandong kay Alden saka lumapit sa akin. "I want to go there. Di ba po sabi mo doon makikita si Benjie?"
"Benjie?" Napadapo ang tingin ko kay Alden ng bigla syang magsalita kaya nakita ko ang pagkunot ng noo niya.
"Oh my gosh Daddy, hindi mo po kilala si Benjie?" Baling ni Athena sa kanya na hindi mo malaman kung kinikilig o ano. "Yung parang ikaw po, yung may dimples din. Yung pareho mo pong gwapo." Humagikhik pa ang batang ito kaya halatang kinikilig.
Nakita kong patuloy na pagtataka sa expression ng mukha ni Alden kaya ipinaliwanag ko na. "Si Benjie Rosales." Tukoy ko sa isang singer na sikat na sikat din ngayon. Halos kaedaran din sya ni Alden.
"Why do you want to see him?" Malumanay nyang tanong.
Imbes na sagutin ay muling nagtanong sa kanya ang bata. "Do you know him personally Daddy? Is he kind like you? Can I meet him?"
"Of course I know him baby." Bahagya syang lumuhod para magpantay sila ng tingin ni Athena."Now tell me, why do you want to meet him Benjie in person?"
"Aahhhhmmmmm..."tila nag aalangan si Athena na sumagot kaya ako na ang nagsalita.
"Crush nya kasi si Benjie." Sabi ko na agad ikinapula ng pisngi ni Athena. Seriously anak, marunong ka ng mag blush? Napailing iling tuloy ako. Kids nowadays.
Agad namang kumunot ang noo ni Alden na tila hindi nagustuhan ang narinig. "Anak crush mo si Benjie? Totoo ba yun? May crush ka na agad?"
Todo iling naman si Athena. "No Dad, gusto ko lang po sya kasi para po syang ikaw. May dimples din po." Bahagya niya pang sinundot ang pisngi ng Daddy nya tapos tumingin sya sa akin. "Si Mommy po ang may crush sa kanya eh."
Aalma na sana ako at magde deny dahil nakita ko ang pagtaas ng kilay ni Alden pero naunahan akong muli ni Athena magsalita.
"Di ba Mommy lagi mo pinapanood yung tv show nya? I remember you insisted to watch him kahit sabi ko nasa kabilang channel si Daddy."
"Really?" Bakit mas ramdam kong para sa akin ang tanong niyang yun.
"Yes Daddy, Mommy said Benjie is a cutie. She's so kinikilig whenever nagpapakita ng abs si Benjie. She said Benjie is so hot daw. Why Daddy lagi po bang may fever si Benjie kaya sya hot?" Inosenteng tanong niya na halos ikalubog ko naman. Gustong gusto ko ng takpan ang bibig nya para matigil na sya sa panlalaglag sa akin pero nagpatuloy pa rin sya.
BINABASA MO ANG
Carbon Paper
Fanfictionanong mangyayari ng biglang makabangga ni Mr. Superstar ang pakalat kalat na taong grasa?