eighteen

2.2K 179 76
                                    

Meng's

"So sinabi mo na ba kay Alden?" Tanong sa akin ni Mark.

Pagkatapos ihatid si Athena sa bago niyang school ay dito na ako sa condo dumiretso para sana kunin ang iba ko pang gamit kaya naman laking gulat ko ng madatnan ko si Mark.

Umiling lang ako saka pinagpatuloy ko pa ang paglalagay sa bag ng natitira kong gamit.

"Meng naiintindihan mo pa ba ang ginagawa mo? Akala ko ba malinaw na sa iyo ang napag usapan natin?"

Labas pa rin sa kabilang tenga ang mga sinasabi niya, patuloy pa rin ako sa ginagawa ko.

"At iyan!" Muwestra niya sa ginagawa ko. "Bakit pumayag ka na doon  tumira, akala ko ba ayaw mong malaman nila ang sakit mo? Akala ko ba gusto mong umalis para makapagpagamot ka? I thought malinaw ang usapan natin. Maayos na ang plano di ba?"

Mahinahong umupo ako sa kama saka humarap sa kanya. "Mark parang ayoko na..."

"Ayaw mo na?! Ayaw mo na saan?!" Kulang na lang maghisterikal sya pagkarinig sa sinabi ko.

"Ayoko ng umalis, hindi ko kayang malayo kay Athena. Hindi ko pala kayang iwan ang anak ko."

"Kay Athena nga lang ba?" Puno ng pagdududang tanong niya sa akin. "Magsabi ka ng totoo sa akin dahil hindi ako maniniwala sa rason mong dahil kay Athena. Dahil sa una pa lang sinabi ko na sa iyo na pwede nating isama si Athena sa US pati na si Auntie."

Tumingin lang ako sa kanya.

"F*ck! Sinasabi ko na nga ba! P*tangina naman Meng! Nakikita mo pa ba ang sarili mo? Naiintindihan mo pa ang mga pinagsasabi mo? Akala ko ba kaya gusto mong makilala ni Athena ang tatay niya dahil gusto mong may mapag iwanan ka sa kanya. Na para hindi siya masyadong malungkot kapag umalis ka kasi kasama naman siya ng Daddy niya. Hindi mo naman ako ininform na package deal pala ang pinurchase sa iyo ni Alden. Na pati pala ikaw hindi na hihiwalay sa kanya. Mag isip ka nga!"

"Ang hirap pala, lalo na at nakasama ko siya uli. Lalo na at nakikita ko sa mukha ni Athena na masayang masaya siya dahil sa wakas kumpleto ang pamilya niya. Ang hirap ng humiwalay, ang hirap kumalas." Hindi ko na napigilan ang mapaiyak.

"Meng." Naramdaman kong umupo siya sa tabi ko saka hinawakan ang dalawang kamay ko. "Hindi pwedeng hindi ka aalis. Kung gusto mo talaga silang makasama ng mas matagal kailangan mong umalis. Babalik ka naman eh, babalikan mo sila."

"Gaano katagal? Dalawa? Lima? Sampung taon?  Walang kasiguraduhan di ba? Alam nating pareho na walang kasiguraduhan kung makakabalik pa ba ako ng buo.. At kung sakali man na makabalik ako ng matiwasay, may babalikan pa kaya ako kung saka sakali. Kakayanin pa ba uli akong tanggapin ni Alden sa pangalawang pagkakataon?"

"Bakit kasi hindi mo na lang ipagtapat kay Alden ang totoo, kung talagang may nararamdaman pa siya sa iyo malay mo samahan pa niya tayong magpagamot. Sasamahan at aalagaan ka nya."

"Yun nga eh, ayokong maging dagdag responsibilidad sa kanya. Ayokong maging dagdag pabigat sa kanya. Tama na ang higit limang taon kong kasalanan, ayoko ng dagdagan pa. Panigurado akong kapag sinabi ko sa kanya ang sakit ko ay mas lalong hindi niya ako iiwan."

Sa mga nakalipas na araw na magkakasama kami ay muli kong naramdaman ang pagmamahal niya,  hindi man niya tuwirang sinabi sa akin ay ramdam ko naman sa kanyang mga  kilos.

"Meng isipin mo na lang ang anak mo, ipagpapalit mo ba ang panandaliang kasama siya kesa madugtungan ang buhay mo?"

"Pero hindi tayo sigurado doon." Nanghihina ko ng sabi sa kanya.

"Ayaw mo bang sumugal para sa kaligayahan mo, alang alang sa sinasabi mong binubuo niyong pamilya ni Alden. Ayaw mo bang magkaron ng kumpletong pamilya si Athena sa pangmatagalan na panahon?"

"Natatakot akong sumugal Mark."

"Worth it sumugal Meng. Mahal kita ng higit pa sa kapatid, alam kong alam mo iyan kaya ginagawa ko ito. Kaya tinutulungan kitang intindihan ang bigat ng mga gagawin mong desisyon."

"Pwede bang humingi ng kahit konti pang panahon. Ilang oras pa para makasama ko ang mag ama ko."

"I'm giving you a month Meng."

"Give me at least three months please." Muling pakiusap ko.

"Two months, thats final. Dapat nga last week pa tayo umalis as per your doctor. Nade delay  ng nade delay  dahil pinagbibigyan kita kay Alden. Dahil alam ko na iyon ang ikasisiya mo, dahil sa wakas sa nakalipas na mga taon nakita ko ring kumislap ang mga mata mo."

"Salamat..." yumakap ako sa kanya pagkaraan.

"I'll stay here until umalis tayo. Dahil kailangan kitang i-monitor." Muli ay tinitigan niya ako. "Hindi ba nila nahahalata ang nararamdaman mo?"

Umiling ako. "Umiinom na agad ako ng pain reliever once na maramdaman kong aatake na siya. And sa gabi naman sya madalas sumumpong kaya hindi rin nila nakikita."

"But I think you really have to tell Alden. You owe it to him. Kung ako ang nasa kalagayan niya mas lalo akong magagalit kung wala akong nalalaman."

"Pero mas masasaktan siya, ayokong mahirapan siya... sila ng anak namin."

"Meng sometimes being unselfish is being selfish for others.. Yung akala mong para sa kapakanan ng iba ang ginagawa mong sakripisyo pero ang hindi mo alam tinatanggalan mo sila ng karapatan na mag alala para sa iyo, na mag isip para sa iyo."

"Bahala na... Kaya ko pa namang magtiis para sa kanila, kaya ko pa ang sakit....."

Sensya na sa mga typo errors and grammar eklavu, no time to edit (as if nag eedit ako 😂) ginagawa ko ito habang nasa jeep. Hahahhaha! Medyo sinipag lang dahil sa kalandian kanina ng Maichard..

As always...
-OTOR NA BUSILAK..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 30, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Carbon PaperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon