fifteen

1.6K 190 36
                                    

"Wow Daddy! Is this  really your house?" Manghang manghang tanong  ni Athena ng makarating kami sa bahay ni Alden sa Manila.

"No baby, this is not my house."

Tiningnan naman sya na may pagtataka ni Athena.

"Because baby, this is OUR house. Sa iyo rin itong bahay na ito." Nakangiti nyang sabi na ikinalaki ng mata ng bata saka binalingan ako. May saglit na alaalang dumaloy sa isipan ko dahil sa sinabing iyon ni Alden.

"Narinig mo yun Mom? Sa akin din daw itong house! Wow ang saya!!!" Nakangiti ko naman syang nilapitan saka ginulo gulo ang buhok niya.

"Daddy I love you po!!" Saka pilit na inabot ang Daddy nya para pupugin ng halik. "You're the best!"

"Wait til you see your room baby."

"Why Daddy?"

"I'll just show it to you para malaman mo kung bakit." Magiliw na kinarga nya si Athena na ikinatili naman ng bata saka siya humakbang paakyat sa hagdan na naroon.

Nang mawala sila sa paningin ko ay tahimik kong iginala ang tingin sa paligid.

Maya maya ay may lumapit sa aking kasambahay kaya napabaling ako sa kanya.

"Ma'am iaakyat ko na po itong mga gamit nyo." Magalang na hingi nya sa akin ng permiso.

Nginitian ko na muna sya saka itinuro ang maletang kinalalagyan ng mga gamit ng anak ko.

"Ang mga ito po?" Tukoy nya sa bag na kinalalagyan naman ng mga gamit ko.

"Ay hindi na po, hindi naman po ako dito titira." Sabi ko saka binigyan sya ng alanganing ngiti.

Yes, napagdesisyunan kong bumukod. Nakausap ko na rin si Mark at sinang ayunan naman niya ang plano ko. Pansamantala ay doon muna ako sa condo nya mag stay hanggat hindi pa ako nakakahanap ng sariling matitirahan dito.

Naisip kong hindi tamang dito ako tumira. Tama nang si Athena ang nandito. Para mas lalo silang magkalapit ng Daddy niya. Yun naman talaga ang plano sa una pa lang, ang maiwan si Athena kay Alden. Kahit masakit gagawa uli ako ng isang mabigat na desisyong pipilitin kong kayanin. Tiwala naman akong hindi mapapasama si Athena sa piling ng Daddy niya.

Nang mawala na sa paningin ko ang kasambahay na may dala ng mga gamit ni Athena ay ipinagpatuloy ko ang pagmamasid sa paligid.

Nasa isang parte ng sala ang kinalalagyan ng mga trophy at plakeng tinanggap nya bilang pagpapatunay kung gaano sya kagaling bilang artista.

Nasa kabilang panig naman ang ibat ibang litrato ni Alden sa mga bansang napuntahan na niya.

Masaya akong makita ang bunga ng mga pinaghirapan ni Alden. Sobrang deserve nya ang kung anumang meron sya ngayon. Masaya akong hindi nauwi sa wala ang konting sakripisyong ginawa ko para sa kanya. Hindi nasayang.. Iyon ang mahalaga, makita ko lang ang mga ito ay masaya na ako. Nagtagumpay sya, naabot nya ang pangarap niyang makilala ang galing niya bilang artista.

Mapait akong napangiti sabay na bumalik ang alaalang pilit kong kinakalimutan.

Masaya akong nakatingin sa boyfriend kong si Laden habang papalapit siya sa akin. Nasa taping kami ngayon kung saan kinuha sya para magguest. At syempre bilang isang ulirang girlfriend ay sinamahan ko sya para may mag asikaso ng mga gamit niya. Ako ngayon ang girlfriend cum personal assistant niya.

"Hi mahal! Okay ka lang dito?" Nag aalala niyang sabi sa akin saka kumuha ng isang monoblock chair para makaupo sa tabi ko.

"Oo naman. Para kang sira. Sanay naman ako sa ganito. Mas matindi pa nga ang pinagdaanan natin noon di ba?" Paalala ko sa kanya nung mga panahong pareho pa kaming nag eextra sa mga tv shows.

Carbon PaperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon