nine

1.5K 158 28
                                    

"Den ano itong itinext sa akin ni Mama Ida na humihingi ka ng break?" Naputol ang pag iisip ko ng bigla biglang pumasok sa condo ko si Ate Apz. "At bakit hindi mo sinipot ang pictorial mo kanina?! Naku malilintikan tayo nito sa management mo. At ano iyang ginagawa mo? Anong oras pa lang alak na ang kaharap mo!"

Hindi ko sya pinansin si Ate Apz, wala ako sa mood makinig sa anumang sermon ngayon. Iyon ang pinakahuling bagay na kailangan ko ngayon sa buhay ko. Kaya naman muli kong inabot ang bote ng alak saka sinalinan ang basong hawak ko.

"Ano ba Alden! Ano bang nangyayari sa iyo?!" Pilit nyang inaagaw sa akin ang bote ng alak at maya amya pa ay nagtagumpay na nga siyang mailayo iyon sa akin. "Bakit ka ba nagkakaganyan? Anong problema mo? Bakit bumabalik ka na naman sa pag inom. Akala ko ba nangako ka na sa amin na hindi ka na babalik sa gawaing iyan."

"Akin na yan Ate, kailangan ko yan!! Hindi ko na kaya!!"

"Hindi ba okay ka na? Nalampasan mo na yang pag inom ng alak? Si Meng na naman ba ang dahilan? Ano na namang problema ngayon? Hindi ba't tanggap mo na iniwan ka na niya, na nag asawa na sya. Na may mahal na sya at hindi ikaw yun!"

"A-akala ko rin eh... Akala ko okay na ako..  Nananahimik na ako rito pero nagbalik sya..."

"Ano naman kung nagbalik sya? May maiiba ba sa sitwasyon nyo? Kalimutan mo na sya! May asawa't anak na siya."

"Nakita ko yung bata...." wala sa loob na nasabi ko. "Ang ganda ganda niya..."

Bumalik sa isipan ko ang eksena kanina ng nagpunta ako sa address na ibinigay ni Mark sa akin. Kahit nag aalangan na magpunta dun sumige pa  rin ako. Sabi ko sa sarili ko huling beses na kahibangan lang, pagbibigyan ko lang ang sarili ko.. Bakasakali kapag nakausap ko na si Meng ng harapan masagot na ang maraming tanong na nagpapagulo sa isipan ko sa loob ng ilang taon.

Alden hinga muna ng malalim. Kausap ko sa sarili ko. Kinakabahan akong nakatayo sa tapat ng pintuan ng condo na ayon kay Mark ay tinitirhan ni Meng ngayon. Kaya mo yan si Meng lang yan, muli kong paalala sa sarili ko saka tuluyang pinindot ang doorbell.

At ng tuluyang bumukas ang pintuan, hindi ko alam kung sino sa amin ni Meng ang nagulat.

Ako ang unang nakabawi sa pagkagulat. "Hi Maine! It's been a long time." Seryoso kong bati. Pipi akong nagpasalamat sa Diyos dahil hindi nahalatang kinakabahan din ako sa muling pagkikita naming iyon.

"A-alden." Halatang nabigla siya na nakita nya akong nakatayo sa labas ng condo niya. Sa sobrang gulat ay hindi niya namalayang napaatras na pala sya kaya naman sinamantala ko na ang pagkakataong iyon para makapasok sa loob kahit wala syang permiso.

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayong kaharap ko na sya ng malapitan. Gusto ko syang yakapin ng mahigpit pero gusto ko rin syang sumbatan sa ginawa nyang pag iwan sa akin.

Pero parang may tumawag sa pansin ko para mapalingon sa laptop na nakabukas sa mesita. Saglit akong napatulala habang nakatitig sa masayang bata na kumakanta.

"Shit!!" Nasabi ko nang may marealize ako habang nakatitig sa bata..

Biglang hindi ko alam ang gagawin, hindi ko alam ang iisipin. Natakot akong harapin ang lahat... Kaya naman mabilis akong tumalikod at walang lingon lingon na nilisan ang lugar na iyon...

"Ate Apz, akin sya...."

"Huh? Alden tanggapin mo ng may asawang iba si Meng, hindi na sya pwedeng maging sa iyo."

"Hindi si Meng.."

"Eh sino?"

"Alam ko, nararamdaman ng puso ko na akin sya. Anak ko batang iyon!"

Mukhang nagulat sya sa sinabi ko. "Seryoso ka ba dyan?"

Tumango ako.

"Kinausap mo ba si Meng? Tinanong mo ba kung ano ang totoo?"

Umiling ako...

"Bakit? Bakit hindi mo sya nakausap? Nandoon ka na rin bakit hindi mo pa ginawa?"

"Umalis ako agad."

"Ay tanga!"

"Anong gagawin ko? Naduwag ako. Natakot akong sabihin nyang hindi sya sa akin. Natakot akong muling bawiin ni Meng yung sayang naramdaman ko ng makita ko ang anak ko.."



So short UD lang muna ha habang nananakit na ang binti ko sa haba ng pila dito sa victory liner...

Carbon PaperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon