Pagod akong umupo sa sofa pagkapasok na pagkapasok ko sa unit ni Mark. Oo, ipinilit ko talaga na dito ako tumira hanggat nandito kami sa Manila. Tama nang si Athena ang nasa bahay ni Alden.
Dinampot ko ang cellphone kong nagriring.
"Hello." Sagot ko sa tawag ni Mark.
"Nasa condo ka na?"
"Yup."
"Buti at pinayagan ka na humiwalay sa kanila."
"Bakit naman sya hindi papayag, alam naman nating lahat na si Athena ang concern nya. Baka nga natuwa pa yun dahil sa desisyon ko."
"Eh bakit parang may bitterness sa pagkakasabi mo?" Nang iintrigang sabi niya sa kabilang linya.
"Pagtatalunan na naman ba natin to, alam naman natin kung ano ang totoong dahilan ng paglapit ko sa kanya uli."
"Masisisi mo ba ako Meng, minahal mo yung tao at kahit hindi mo aminin sa akin alam kong mahal na mahal mo pa rin siya."
Hindi ako nakasagot, dahil totoo ang sinabi niya. Kilalang kilala na talaga ako ng lalaking ito.
"Baka naman may pag asa pa. Baka pwede pang ipush ang sa inyo."
Natawa ako ng pagak. "Mark hindi porket masaya ka sa lovelife mo eh kailangang idamay mo ako. Masaya na ako kay Athena. Hindi na ako umaasang magkakaroon ng part two ang kung anumang meron kami noon ni Alden."
"Pero Meng we have to admit. Kahit ina-assure kita na nandito lang ako, hindi kita pababayaan, na susuportahan kita at aalalayan sa nangyayari sa yo kailangan mo pa rin ang mga taong nagmamahal sa iyo."
"Okay na ako Mark, okay na akong alam kong hindi nyo ako pababayaan ni Auntie. Okay na akong alam kong nasa mabuting kalagayan na ang anak ko. Alam ko namang mamahalin syang mabuti ni Alden."
"Hayyyy. Minsan hindi ko alam kung maiinis na ako sa sobrang tigas ng ulo mo."
"Mahal mo kasi ako." Yes alam kong mahal na mahal ako ni Mark, alam kong itinuturing na nya akong nakababatang kapatid.
"Kamusta ka naman?" Lumungkot bigla ang tono nya, nawala na ang panenermon sa boses nya.
"Don't worry. Kaya ko pa."
"Basta magpaalam ka na agad kay Alden, kailangan na nating magpunta sa U.S."
"Hindi naman pwedeng agad agad na iwanan ko si Agatha, Mark."
"Kasi naman, kung sinusunod mo na lang ba ang sinabi kong isama na lang natin siya doon. Eh di sana nakaalis na tayo agad. Alam nating lahat na kailangang kailangan mo ng magpatheraphy sa U.S."
Bumuntong hininga ako. "Konting time pa Mark. Please..." pakiusap ko. "Alam nating hindi sigurado kung makakabalik pa ba ako ng maayos dito, hindi ko gustong makita ako ng anak ko na nahihirapan."
"Pero matitiis mong umiyak sya ng umiyak dahil aalis ka ng hindi nagpapaalam sa kanya?"
"At least may Daddy syang makakasama, yun ang importante. Okay na ako doon."
"Hay naku. Bahala ka na nga." Tila sumusukong sabi niya.
"Don't worry. Kaya ko pa." Yun lang at agad ko ng pinutol ang tawag.
Nang matapos ang tawag ay nakaramdam ako ng pamamanhid sa binti ko. Buong lakas akong kumapit sa sofa saka halos gumapang na sumampa doon, buong pilit kong inabot ang bag kong binitiwan ko kanina at kinuha ang gamot ko.
Yes, naggagamot ako. I am sick, kailangang kailangan ko ng magpagamot, hindi na umuubra ang pain relievers na tine-take ko sa ngayon. In-advise na ng doktor ko to seek treatment sa US, pati na si Mark ay kinukumbinse ako na dapat kong gawin yun. Kaya nga kahit ayaw ko ay nakipaglapit ako kay Alden, dahil aalis ako, ayokong isama si Athena sa akin dahil ayaw kong makita niyang nahihirapan ako. I maybe strong outside, pero hirap na hirap na ako. Hirap na hirap akong itago sa anak ang sakit sa tuwing sumusumpong ang sakit ko.
Meron akong Multiple sclerosis, five years ago ng madiagnosed na meron ako nito, noong una ay iniyakan ko. Hindi ko matanggap kung bakit ako nagkaron noon. Kung kailan nalaman kong buntis ako.
Yes, kasabay ng katotohanang buntis ako noon ay nalaman ko ring may sakit ako. Halos gumuho ang mundo ko ng malaman ko iyon.
Naalala ko pa ang pag aalala sa akin ni Alden noong mapansin nya ang pamamayat ko at madalas na panghihina.
"Hindi ka ba talaga sasama sa pictorial?" parang nagtatampong sabi sa akin ni Alden, "Napapadalas na ang hindi mo pagsama sa akin ah." Nandito siya ngayon sa bahay namin, siya na ang dumalaw sa akin dahil halos one week na rin kaming hindi nagkikita.
"Nagpapasama kasi si Auntie sa akin, hindi ko naman mapahindian." Nag uumpisa na akong dumistansya sa kanya. Ayokong ako ang maging hadlang sa pangarap niyang maging isang sikat na artista.
"Okay." Malungkot pa ring sabi niya. Tapos ay hinalikan ako sa sentido. "Sunduin kita mamaya ha." Tapos bumulong siya. "Sa apartment ka matulog." Pagkuwan ay ngumisi.
Kaya naman natampal ko siya sa balikat. "Anong oras na, male late ka na. " tatayo na sana ako ng parang bigla akong naghina at nanlambot ang mga binti ko. Napahawak ako sa noo ko dahil tila ba umikot ang paningin ko.
"Meng." Bakas ang pag aalala sa boses ng mahal ko. Mabilis niya akong inalalayan na muling maupo. "Anong nangyayari sa iyo? Anong nararamdaman mo?" Hindi ko masabi sa kanya ang totoong kalagayan ko. Na kasabay ng pagkatuklas ko na buntis ako ay nalaman ko rin na may Multiple Sclerosis ako.
"Parang nahihilo kasi ako at nanghihina."
"Nagbreakfast ka na ba?"
Umiling ako bilang sagot.
"Meng naman, anong oras na pero hindi ka pa nagbe breakfast." Tila ba sermon niya sa akin. "Nakokonsensya na ako dahil sa sobrang busy ko ngayon hindi na kita naaalagaan. Napapansin ko na napapadalas ang pagsama ng pakiramdam mo. Baka kung ano na yan. Dalhin muna kaya kita sa clinic ngayon."
"Ano ka ba! Okay lang ako, gutom lang ako kaya nanghina." Hindi niya pwedeng malaman ang kalagayan ko, hindi niya pwedeng malaman na buntis ako. Dahil alam ko, oras na matuklasan niya ang kalagayan ko, mawawalan ng saysay ang binabalak kong pagsasakripisyo para sa kanya.
"Male late ka na. Nakakahiya sa mga naghihintay sa iyo. "Pagtataboy ko pa.
"Pero Meng.." apela nya pa.
"Gutom lang ako, tsaka medyo napupuyat ako di ba sa kakareview?" Pagbibigay dahilan ako.
"You sure?" Paninigurado niya pa.
Tumango tapos ay nginitian na siya para mawala na ang pag aalala niya.
"Akala ko pa naman naka bullseye na ako." Tila ba nanghihinayang na sabi pa niya.
Tiningnan ko sya na parang nagtataka.
"Akala ko magkakaron na ng Alden Jr." Ngingisi ngisi niya pang sabi na ikinaputla ko naman.
"Hay naku, umalis ka na nga." Pagtataboy ko pa.
"Hayaan mo Meng, mamaya gagawin na natin si Jr." Nakakalokong pang iinis niya saka mabilis akong hinalikan sa labi. "Hintayin mo ako ha."
Iiling iling na tinanaw ko ang pag alis niya. "Kung alam mo lang Den, pero ikaw ang pinakamahalagang tao para sa akin ngayon kaya kailangan kong gawin ang plano ko, para sa iyo, para sa mahal ko.
Malungkot kong isinara ang pinto kasabay ng pagsasara ng kabanata ng buhay ko kung saan tanging kaming dalawa lang ang bida.
So ayan, magmumukha na naman akong ewan sa medical terms. 😁 bestfriend na naman kami ni google at ang aking consultant na si Apz. Tsalamat!! 😙😙
![](https://img.wattpad.com/cover/84810216-288-k89351.jpg)
BINABASA MO ANG
Carbon Paper
Fanfictionanong mangyayari ng biglang makabangga ni Mr. Superstar ang pakalat kalat na taong grasa?