four

2.7K 150 13
                                    

Alden's

"Den... Den... ayan na ang cue mo." Untag sa akin ni Mama Ida.

Nasa mall kami para sa launch ng album ko. Napagtripan kong sumilip kanina sa labas habang naghihintay ng cue ko na lumabas sa stage ng tapikin nga ako.

"Natulala ka na diyan?" Pansin muli sa akin ni Mama Ida.

"Parang may napansin lang ako.." wala sa sariling nasabi ko.

"Sya na naman ba?"

Tumango lang ako bilang sagot.

"Baka katulad pa rin ng dati, akala mo lang na sya yun pero hindi naman pala." Concern na sabi niya sa akin.

Totoo naman, ilang beses na bang may napagkamalan akong siya yun pero sa huli napapahiya lang ako.

"Iba to mama, siyang siya yun eh. Malakas ang pakiramdam ko na siya yun. Pinapanood niya ako mama, alam niyang sikat na ako. "

"Hay naku Den, sino pa ba ang hindi makakakilala sa iyo? For sure alam niyang sikat na sikat ka na at siguradong hinayang na hinayang na yun dahil pinakawalan ka niya basta basta."

Sasagot pa sana ako, gusto kong kahit papano eh ipagtanggol siya kay Mama Ida, pero alam kong wala ng saysay. Alam kong kung meron man na nakaramdam ng halos kaparehong sakit sa paglalayo namin eh si Mama Ida yun. Siya ang parati kong kasama simula umpisa, simula nung hindi pa ako kilala.

"Den, kanina ka pa tinatawag sa stage." Singit sa usapan namin ng kalalapit lang na si ate Apz.

"Eto na nga ate, lalabas na..." Huminga muna ako ng pagkalalim lalim bago ako tuluyang lumabas at salubungin ang makabasag eardrum na tilian ng mga fans ko.

Yes... mga fans ko, hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na narating ko na ito. Na nandito na ako. Na halos wala na yatang tao sa Pilipinas na may tv ang hindi nakakakilala kay Alden Richards.

"Kamusta po kayo!" Pasigaw na bati ko. Kailangang sumigaw dahil natatalo ng tilian nila ang mic na hawak ko.

Muli kong itinuon ang mga mata kung saan nakita ko kanina ang pamilyar na pigura pero hindi ko na iyon makita. Nawala na siya sa kinatatayuan niya. Siguro nga... Malamang nga pinaglalaruan na naman ako ng paningin ko.


Meng's

Kahit alam kong mahirap, pilit pa rin akong nakipagsiksikan sa libo libong taong nasa album launch ni Den.

Sa awa ng Diyos, nakapwesto ako malapit lapit sa stage pero hindi pa rin sapat para makaupo ako sa mga upuan sa harapan ng stage. Pero okay lang, gasino ba ang ilang oras na pagtayo at pakikipagsiksikan. Makita ko lang siyang masaya at naaabot ang lahat ng ito eh sobrang saya ko na.

Tumanaw ako kung saan alam kong manggagaling siya. Doon sa may backstage.. At alam ko, ramdam ko na kanya ang pigurang nakita kong sumilip mula doon.

Halos mabingi ako sa walang tigil na tilian ng mga taong nakapaligid sa akin. Pero okay lang sa akin. Basta makita ko siya.

Mayamaya tinatawag na ang pangalan niya na lumabas na ng stage kaya muli, nagtilian ang mga fans niya. Lahat sabik na makita ang iniidolo nila. Napangiti ako. Heto na talaga.. Hindi naman nasayang ang ginawa ko dati. Para sa kanya iyon.

Ilang minuto pa ang lumipas pero hindi pa rin siya lumabas kaya lalong lumakas ang sigawan ng fans. And finally ng magsimula siyang tumuntong sa stage, halos magiba ang mall sa lakas ng hiyawan ng mga fans na kanina pa nag aabang sa kanya.

Bumati muna siya saka iginala niya ang paningin sa crowd. Medyo nagtagal ang tingin niya sa pwestong kinatatayuan ko, para bang may chinecheck sya kaya naman nagtago ako sa likod ng nasa harapan ko at yumuko akong maigi.

Mahirap na.. Hindi pa pwede.. Hindi niya ako pwedeng makita. Hindi pwedeng masira ang maganda na niyang career. Hindi sa panahong ito, hindi sa pagkakataong ganito.

Sapat na sa akin ang ilang minutong nakita ko siya kaya naman mabilis na akong tumalikod saka naglakad paalis  sa kumpulan ng mga taong tulad ko ay nasasabik na makita at makasama siya.

Kung pwede lang talaga... kung pwede lang sana...

Carbon PaperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon