thirteen

1.6K 176 68
                                    

"Yes Ate Apz." Napahinto ako sa pagpasok sa kitchen ng marinig ko ang boses ni Alden na tila may kausap sa cellphone niya. Wala ngayon sa bahay si Athena, hinatid siya kanina ni Alden sa school. Kahit anong pagbabawal ko na ihatid ang bata sa school, nagpadala pa rin sya sa paglalambing ng anak namin. Kaya nga hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis eh dahil alam kong malaking risk sa career niya ang ginawang iyon ni Alden.

"Di ba pinaclear ko na naman ang schedule ko ng two weeks? Ganun katagal ang bakasyon na hiningi ko ah, paanong pinapag guest nila ako?" Nakita ko siyang tumahimik, malamang na nakikinig sa sinasabi ng kausap sa kabilang linya. "Dalawang araw pa lang akong nawawala hindi na kayo mapakali diyan? I deserve this vacation!" Nakita ko na bahagyang umigting ang panga niya, sigurado ako nagpipigil lang siya ng galit.

"What? Paanong may kumalat na pictures ko?" napatingala sya meaning medyo badtrip sya. "Yes, hinatid ko kahapon si Athena sa school, naglalambing ang anak ko anong gagawin ko? Nagdisguise naman akong mabuti." Muli siyang napapikit. "Wala akong pakialam sa kumakalat na pictures. At wala akong pakialam kung malaman man ng buong mundo na may anak na ako!"

Napahawak ako sa ulo ko, heto na nga ba ang ikinatatakot ko. Ang malaman ng ibang tao na may anak si Alden. Alam kong hindi lang career ni Alden ang maaapektuhan, mas higit ang buhay ng anak namin. Ayokong madamay si Athena sa gulo ng showbiz.

"Wala nga akong pakialam kung malaman ng buong mundo na binatang ama ako. Sa ilang taon ko ate sa industriya napatunayan ko na naman siguro ang worth ko bilang artista. Hindi na naman siguro masyadong maaapektuhan ang career ko. Ilang taon na akong nagpasaya sa kanila, siguro naman karapatan ko ng ako naman ang maging masaya ngayon. Maging masaya kasama ang anak ko."

Katahimikang muli.... Minamasdan ko pa rin siya, gusto kong maiyak dahil sa gulong naidudulot namin ni Athena sa kanya ngayon sa buhay niya.

"The hell I care! Anong dapat kong ikatakot ate? Kahit hindi na ako magpakita diyan wala namang dapat umapela. Hindi pa ako pumipirma ng kontrata sa kahit saan. I have more than enough para mabuhay kami ng maginhawa ng anak ko." Bumuntong hininga sya pagkatapos makinig sa sinasabi ng kausap. "Yeah I know, I owe it to them. Pero ngayon lang ako humiling ng ganito, ibigay nyo na sa akin 'to." Yun lang at ibinaba na nya ang tawag sa kanya saka napasabunot sa sarili. Doon ko napagpasyahang magpakita sa kanya.

"Problem?" Mukhang nagulat sya na andun ako sa harapan niya.

Umiling sya.

"I heard everything."

Bumuga muna sya ng hangin, tapos ay napatitig sa akin. "May nakakuha ng pictures ko kahapon sa school." Akala mo balewala lang ang sinabi niya.

"And you're cool about it?" Taka kong tanong.

"Bakit? Ano ba ang dapat kong gawin?"

"Do an action para hindi na iyon. kumalat."

"Too late, its all over the internet."

"Hhhmmm eh di sabihin natin na pamangkin mo lang si Athena. Im sure she will understand. Yes tama! You are just taking a vacation here sa mga relatives mo. Then naglambing ang pamangkin mo which is Athena na ihatid mo sya sa school. Yes ganun na lang."

Tumingin sya sa akin na tila ba hindi makapaniwala sa mga sinasabi ko.

"Why?" Pansin ko sa tingin nya. "Brilliant naman ang idea ko ah."

"Why? You're asking me why?!" Napatingala syang muli na tila nagpipigil lang na sigawan ako. "Because your idea is too absurd!! Ano bang ineexpect mo? Anong akala mo, na idedeny ko ang anak ko?! Na itatago ko ang anak ko sa mga tao? Na ipagkakait ko kay Athena na makasama nya ang Daddy nya?"

"No... Hindi sa ganun Alden. Pero hindi mo pwede aminin sa mga tao na may anak ka na."

"But that's what I am going to do! Aaminin kong binatang ama ako. Na may anak akong babae."

"But thats a career suicide. Masisira ang pangalan mo. Magagalit sila sa iyo."

"Sinong sila?"

"Your fans, especially the possesive ones..."

"And I think hindi mo na problema yun my dear. Kaya kong solusyunan ang problema ko. Hindi ako natatakot mawalan ng career kung kapalit naman nun eh kaligayahan ko." Ewan ko pero parang amy sumundot sa kunsensya ko sa huli niyang sinabi.

"Pero si Athena..."

"What about my daughter?"

"Baka magulo ang buhay niya. Natatakot akong maapektuhan sya, na pati sya madamay. Alam nating dalawa kung gaano karumi ang showbiz, ayokong pati sya ay madamay sa mga issue na ibabato sa iyo kapag nalamang binatang ama ka. Ayokong masaktan ang anak ko."

Muli ay napatitig siya sa akin.

"Really Meng?. Naniniwala kang hahayaan kong masaktan ang anak ko?. Now I know kung bakit mo ako iniwan. Ngayon naiintindihan ko na. Hanggang ngayon pala ganyan kaliit ang tingin mo sa akin. Hanggang ngayon hindi mo ako kayang paniwalaan kapag sinabi kong kaya kong protektahan ang mga taong mahal ko..  Na kaya kong isugal ang lahat para sa kapakanan at kaligayahan ng mahal ko.."

"Ald-"

"No Meng, kahit ngayon lang paniwalaan mo ako. Trust me kapag sinabi kong hindi ko ipapahamak si Athena. Ang anak ko. Ang anak natin."

Yun lang at naiwan akong nakatulala habang sinusundan ng tingin ang pag alis niya sa kusina.






Taguan lang din ng feelings tong mga ito eh. Pagbatiin ko na kaya? Gawan ko na kaya ng busilak na chapter para masundan na si Athena.. 😂😂😂

Sa thurs na ang next UD ha, gift ko na sa inyo..

Carbon PaperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon