six

2.3K 158 33
                                    

Alden's

Nanghingi ako ng one day leave sa manager ko. Feeling ko masisiraan na ako ng bait kung hindi ako makakapag isip.

Tahimik na ang mundo ko. Sa mga nakalipas na taon, alam kong tahimik na ako.. na tanggap ko na ang lahat... na hanggang doon lang talaga kami ni Meng... tanggap ko na... pero yun lang pala ang akala ko....

Hanggang ngayon hindi ko matanggap ang bigla biglang pag iwan niya sa akin. Kung kelan nangangapa ako sa bagong mundong ginagalawan ko dati, para syang bulang biglang naglaho.

Para akong tanga sa kakaisip kung saan sya nagpunta, kung ano ang dahilan ng pag iwan niya sa akin. Kung may nagawa ba akong mali. Kung nasaktan ko ba siya. Wala akong maisip na dahilan, gusto ko siyang hanapin. Pero wala akong magawa.. Masyadong puno ang schedule ko noon para subukan siyang hanapin.

Kaya kahit natupad na ang pangarap kong maiahon ang pamilya ko, hindi pa rin lubos ang saya ko... Hungkag ang pakiramdam. Ang babaeng kasama ko sa pangangarap dati, nanatiling nasa pangarap na lang. Iniwan niya ako sa ere.

Pero kahit ganun pa rin ang ginawa niya, hindi ko magawang magalit ng sobra sa kanya. Ipinahanap ko pa rin siya. At ng finally, nakasingit ako sa schedule ko at agarang nagpunta sa Davao.

Nagcancel ako ng show, para saan? Para lang masaktan? Para lang makita ng mismong mga mata ko ang ginawa niyang panloloko sa akin?!
Na nagawa niya pala akong pagtaksilan. Someone told me to talk to her, for what? Para patuloy na gaguhin ang sarili ko? Para patuloy na ipamukha sa sarili ko kung ano lang ako sa kanya, kung ano lang oara sa kanya ang naging relasyon namin.

Ako lang pala ang nangarap para sa aming dalawa.

At ano ngayon, para siyang multo ng kahapon na bigla biglang magbabalik? Sigurado ako, alam ng puso ko na siya ang nakita ko noon sa launch. Pero bakit? Para saan? Sana nga nagpakita siya ng tuluyan sa akin, para maipamukha ko sa kanya kung ano na at nasaan na ang lalaking binasura niya.


Meng's

"Meng you have to tell him the truth, the sooner the better..." sabi sa akin ni Mark habang kumakain kami ng dinner. "Besides kailangan ko na ring bumalik sa Davao at alam kong ikaw rin."

"Pero nag iipon pa nga kasi ako ng lakas ng loob..."

"Hanggang kailan? Hanggang kailan mo pahihirapan ang sarili mo? Kung hindi mo talaga kaya, ako na lang ang magsasabi sa kanya."

"No! Huwag! Please......." pigil ko sa kanya.


"Nauubusan na tayo ng oras."

"Sandali na lang please..."

"Ewan ko ba sa iyo, okay naman si Athena sa tita mo. Sabi ko naman sa iyo kahit na iwan mo siya kina mommy okay na okay yun. Matutuwa pa nga sila. Bakit kailangang sa tatay niyang hindi niya naman kilala mo gustong iwan ang anak mo!" Sermon pa niya sa akin.

"Mark, we both know na hindi natin alam ang mangyayari sa akin sa pag alis natin. Hindi natin alam kung kakayanin ko pang bumalik.. Deserve ng anak ko na makilala ang tatay niya, at ganun din si Alden sa kanya."

"Paano kung hindi siya maniwala?"

"Tingnan mo ang mukha ni Athena, tapos sabihin mo sa akin kung hindi ba siya anak ni Alden..."

Napabuntong hininga na lang siya.. "Im giving you three days, maximum na yun... kapag hindi mo pa rin ipinaalam sa kanya, ako na ang gagawa ng paraan...."











Define S A B A W

Carbon PaperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon