five

1.9K 162 11
                                    

Alden's

"Uy Alden." Si ate Apz ang nalingunan ko. Kaya nginitian ko lang siya.

"Tulala ka na naman. Napapadalas yan ah. Ano bang nangyayari sa iyo? Simula nung album launch lagi ka na lang tahimik, hindi ka masyadong nakikihalubilo."

Hindi ako sumagot, bagkus bumuntong hininga lang ako.

"Si ex ba? Sya pa rin?"

Malungkot akong tumango. Paano ko ba sasabihin sa kanila na ginugulo na naman ako ng kahapon. After ilang taon, bumabalik na naman ang lahat. Bumabalik ang sakit.

"Nakita ko siya ate Apz."

"Huh? Saan?"

"Nung album launch ko. Nandun sya sa crowd. Nandun siya, pianpanood niya ako."

"Baka naman hindi siya yun, baka namamalikmata ka lang. Baka sa kakaisip mo sa kanya napagkakamalan mo na yung ibang tao."

"Hindi te Apz, sigurado ako. Sya yun. Kilalang kilala ko siya. Alam kong siya yun kahit maraming tao nun."

"Eh di maganda." Napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya.

"Maganda nga kung siya yun, at least napapamukha mo sa kanya kung ano ka na ngayon. Kung ano na ang lalaking binalewala at iniwan niya. Kung ano na ang lalaking ipinagpalit niya sa iba."

Hindi ako nakasagot.

"Pero duda pa rin ako kung sya nga yung nakita mo dun, ano naman gagawin niya dun noh. Mas uunahin nya pa yung album launch mo kesa asikasuhin ang asawa at anak niya?" Sinasabi niya yun habang unti unting sinasamsam ang mga gamit ko. Wala kasi si Mama Ida ngayon, may sakit kaya si Ate Apz lang ang kasama ko.

Yes, alam ng mga taong malapit sa akin ang pinagdaanan ng relasyon namin ni Meng. Alam din nila nung ipahanap ko sa private investigator si Meng at ako mismo ang nagpunta sa Davao para lang masigurado na sya nga yung nahanap. Nagpunta ako dun para lang pala lalong masaktan. Para lang makita mismo ng dalawang mata ko kung gaano siya kasaya habang kasama ang asawa at anak niya.

Gusto ko sana siyang lapitan nang oras na iyon. Gustong gusto ko siyang kumprontahin. Gustong gusto kong isumbat na kaya niya pala ako iniwan dahil lang nakahanap na siya ng iba. Peeo hindi ko na ginawa, bakit pa di ba? Mas lalo ko lang asaktan ang sarili ko. Hindi naman ako ganun ka masokista para gawin pa yun. Mas gugustuhin ko pa bang sabihin niya mismo sa pagmumukha ko na iniwan niya ako dahil nagmahal na siya ng iba?





Meng's


"Meng naman, ano hindi pa ba tayo babalik sa Davao?" Tanong sa akin ni Mark habang kumakain kami ng almusal.

"Nami miss mo na yung jowa mo noh?"

"Hindi iyon eh, hindi ko lang magets ang point ng pagpunta natin dito. Yung pagsunod sunod mo kay Alden tapos hindi ka naman pala magpapakita sa kanya. Nagmumukha ka ng tanga. Hindi ka ba naaawa sa sarili mo?"

Hindi ako sumagot, ano sasabihin ko eh alam ko naman na magpapatuloy pa rin naman ang sermon sa akin ni Mark kahit i-defend ko ang sarili ko.

"Meng, si Athena nami miss ka na ng bata. Hindi mo ba man lang siya inaalala."

"Kaya nga ako nandito di ba para sa kanya? Para sa kanya ang misyon ko dito sa Manila."

"Eh gumagawa ka ba ng paraan para sa letseng misyon mong yan? May nangyayari ba? Di ba wala naman."

"Wala pa akong lakas ng loob Mark."

"Eh kelan ka pa magkakalakas ng loob? Kapag debutante na yung anak mo? At kailanganin niya ng tatay para maging first dance niya?"


Carbon PaperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon