Hinabol ko ng tingin ang papalayong si Alden. Akala niya ata porket naka baseball cap siya ay hindi ko siya makikilala sa gitna ng mga taong nandoon. Nawawalan na nga ako ng pag asang darating siya dahil according sa source ko kanina pa ang calltime niya.
Mabilis akong tumayo saka tiningnan ang perang nasa palad ko. Hindi ka pa rin talaga nagbabago Alden, masyado pa ring malambot ang puso mo sa mga taong inakala mong ako.
Naglakad na ako papunta sa kotse ko kung saan naghihintay ang bestfriend kong si Mark.
"O masaya ka na sa ginawa mo? Nakita ko yung banggaan nyo ha, kung hindi lang kita kilala iisipin kong totoong totoo iyon."sabi niya sa akin sabay abot ng baby wipes.
"Pam best actress ba?"
"Ngayon nga ako nagtataka kung bakit hindi ka nagpatuloy sa showbiz noon? Eh di hindi sana tayo parang tangang bumubuntot buntot sa ex mo at hindi mo kailangang mag disguise ng ganyan."
"Mark alam mo ang sagot diyan.. Naikwento ko na sa iyo di ba?" malungkot kong sabi.
"Of all the things pagiging taong grasa pa ang napili mong disguise! Hello! Pwede naman siguro tayong pumunta sa bahay nila, for sure hindi ka naman nila ipagtatabuyan."
"Natatakot ako.."
"Whatever Meng... Tanggalin mo na nga yang nasa ngipin mo, naaabalibadbaran ako dyan! Goodness!"
"But....."
"Huwag mong sabihing babalik ka pa dun? Meng naman tama na yung isang beses kang nakapagparamdam kay Alden. Jusme dinumihan mo pa yung suot niya, paano na lang kung continuity yun?"
Naging kaklase ko si Mark sa Comm Arts ng mapilitan akong magtransfer sa Davao. Nung panahong sobrang lungkot ko dahil sa mabigat na desisyong ginawa ko, si Mark ang tumulong sa akin na mabuo uli ako.
Si Mark na napagsabihan ko ng lahat ng nangyari.. After graduation, nagtayo na lang kami ng cafe sa Davao. Hindi na namin ginustong makigulo pa sa mundo ng media.
Natatandaan ko pa ng una kong tuntong sa Davao. Halos ayaw kong makipagkaibigan sa kahit kanino. Ayaw kong maging malapit kanino man. Natatakot akong muling ma-attach sa isang tao at mapipilitan lang akong saktan sa dulo.. Pero mapilit itong katabi ko.
Akala niya siguro madadala ako ng deadly charms niya kaya sinubukan akong pormahan, sorry na lang sya wala syang napala sa akin kung hindi friendship. At ito nga, almost seven years na rin kaming magkaibigan. Alam na alam na niya ang naging takbo ng buhay ko.
Mananahimik na lang nga sana ako sa Davao pero siya ang nagpilit sa aking lumuwas dito sa Manila para harapin ang naging kahapon ko.
Sabi niya eh hindi ako makakapag move on ng maayos kung may mga questions pa rin ako sa past ko. Kailangan kong kausapin si Alden, once and for all.
Kaya heto ako ngayon, disguised as a taong grasa. Dahil alam kong hindi ako basta basta makakapasok uli sa buhay niya, hindi pagkatapos ng mga ginawa ko sa kanya...
"Bukas mo na lang uli ipagpatuloy yang ginagawa mo. Magpahinga ka na muna sa condo at ako naman eh may pupuntahan lang na kaibigan. Tawagan mo rin agad si Athena at tumawag na sa akin kanina. Hinahanap ka."
Lumingon akong muli sa pulutong ng mga tao dun, kahit imposible pilit tinanaw ko ang alam kong lugar kung nasaan si Alden... tapos bumuntong hininga. Bukas na lang uli... bukas....
![](https://img.wattpad.com/cover/84810216-288-k89351.jpg)
BINABASA MO ANG
Carbon Paper
Fanfictionanong mangyayari ng biglang makabangga ni Mr. Superstar ang pakalat kalat na taong grasa?