eleven

1.3K 164 18
                                    

"Daddy!" Narinig kong sigaw ng anak ko pagkababang baba pa lang namin sa sasakyan.

Mula sa airport ay dumiretso na kami dito sa bahay namin. Wala kaming kibuan at tila hindi magkakilala kahit pa magkatabi kami sa eroplano. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip ni Alden kaya hindi ako nagkalakas ng loob na kausapin sya. Nanatili lang akong tahimik at nag isip din kung ano ang magiging kahihinatnan ng biglaang pag uwi ko rito.

Napatingin si Alden sa akin ng makita niyang tumatakbo palapit sa amin si Athena, well mas sa direksyon nya tumatakbo palapit si Alden. Tahimik ko siyang tinanguan, dahil tila ba humihingi siya ng permiso sa akin na salubungin ng yakap ang anak namin.

"Daddy! Wow! Its really you! Nakita na talaga kita!" Akala mo manghang manghang sabi ni Athena kaya naman hindi ko alam kung maiiyak ba ako sa eksenang ito. Finally, nangyayari na ang gusto ko. Nakilala na nila ang isa't isa. Nagawa ko bago mahuli ang lahat. Bago ako mawalan ng oras. Yumakap ang anak ko ng mahigpit sa tatay niya at akala mo ay ayaw na niyang pakawalan.

"Kilala mo ako?" Nagtatakang tanong niya sa bata.

Tumango ng paulit ulit si Athena. "Yes po, ikaw ang Daddy ko. Ako naman mo si Athena, your adorable daughter." Pagpapakilala ni Athena sa sarili niya.

"Hindi ko naman nilihim sa kanya na ikaw ang Daddy niya." Sabad ko pagkatapos ay binalingan ko si Athena na ngayon ay nakakapit pa rin sa leeg ng ama niya. "Baby bakit si Mommy walang hug? Hindi mo ba ako namiss?"

Ngumiti lang siya ng pakwela. "I always hug you naman Mommy. Si Daddy muna ngayon kawawa naman siya, I owe him many hugs." Bibong bibong sagot niya pa na ikinatawa ni Alden. Yung uri ng tawang matagal ko ng hindi naririnig sa kanya, yung tawang ipinagdadamot niya sa harap ng camera.

Napailing na lang ako sa sagot ni Athena. "Lets go inside na anak, gutom na si Mommy. Im sure pati ang D-addy mo gutom na rin."

Mukhang may naalala naman siya kaya nagsalitang muli. "You know what Daddy, tinulungan ko si Nanay Cora na magprepare ng food. Sabi niya kasi darating na kayo dito ni Mommy."

"Really? Wow! I'm sure masarap yun kasi baby ko pa ang nagprepare." Pagkatapos ay nginitian niya ng matamis si Athena.

"Hihihi!" Akala mo kilig na kilig na tawa ng anak ko. Mukhang hindi pa nasiyahan at sinundot pa ang lumabas na dimple sa pisngi ng ama niya. "You're so pogi talaga Daddy!"

Mukhang magtatagal pa sa pagdaldal ang anak ko kaya nagpauna na akong pumasok sa loob ng bahay. Naramdaman kong nakasunod naman silang mag ama sa akin.

"Nay pakisabi kay Tatay Kanor na magbantay muna sa gate. Baka may fans na makaalam na nandito si Alden." Paalala ko kay Nanay Cora ng salubungin niya ako. Silang dalawang mag asawa ang kasa kasama namin ni Athena dito sa bahay. Sila ang kinuha ni Mark na maging kasama ko simula pa lang noong dalhin niya ako dito sa Davao.

"Nasabihan ko na siya kanina Maine." Tapos ay lumapit siya sa akin at bumulong. "Talaga palang ke gwapong bata nitong si Alden ano?"

"Si Manang talaga." Napailing na lang ako habang nangingiti.

********************

"Baby bakit hindi ka kumakain? Ayaw mo ba ng food mo?" Tanong ko kay Athena ng mapansin kong halos hindi niya nababawasan ang nasa plato niya. Nakatingin lang siya kay Alden na halatang concious na concious sa pagtitig sa kanya ng anak namin. "And kanina ka pa nakatingin sa Daddy mo. Its impolite to stare baby especially kung kumakain ang tinititigan mo." Saway ko sa kanya.

Nagkibit balikat lang sya. "I can't help it Mom. Baka kasi dream ko lang ito, baka hindi totoo."

Nakangiting ginulo gulo ni Alden ang buhok ni Athena, saka marahang kinarga ito at iniupo sa kandungan niya. "Gusto mo bang subuan kita?" Masuyo niyang tanong.

Tila ba kumislap ang mga mata ni Athena sa narinig. "Talaga po?" Akala mo manghang mangha siya na pwedeng mangyari ang sinabi ng kausap niya.

"Syempre naman, from now on basta hindi busy si Daddy ako ang magpapakain sa baby girl ko. Gusto mo ba yun?"

Sunod sunod na pagtango ang naging sagot ni Athena sa kanya.

Nagsimula na nga siyang subuan ni Alden habang nakaupo siya sa kandungan nito. Natuwa naman ako ng makitang magana na siyang kumakain kaya pinagtuunan ko na ng pansin ang pagkain sa plato ko.

Nagulat ako ng humagikhik si Alden. "Hihihi! Nakikiliti ako baby.." napabaling ako ng tingin sa kanila ng marinig ko iyon at napailing ng makitang sinusundot sundot ng anak ko ang dimple ni Alden.

"I just can't believe na totoo ka nga. Na nandito ka na Daddy. Hindi ka na standee na nikikiss ko."

"Standee?" Takang tanong ni Alden kaya ako na ang nagpaliwanag.

"May nakita kasi siyang standee mo sa supermarket kaya pinilit niya akong bilhin yun kahit hindi naman talaga ipinagbibili. Sa sobrang charming ni Athena at naaliw siguro yung store supervisor dahil ipinagpipilitan niya na Daddy niya yung standee ibinigay na iyon sa amin. Ipinalagay niya iyon sa loob ng room niya, standing next to her bed. She said na parang ikaw na daw ang kasama niya sa room dahil may standee ka na dun kahit pa puro na poster mo ang nakadikit doon. Enough na daw yun sa kanya for the meantime."

Hindi ako sigurado pero may nakita akong emosyon sa mukha niya pagkatapos kong ipaliwanag iyon.

"From now on baby." Baling niya kay Athena. "Lagi mo na akong kasama. Hindi na standee ko ang makakasama mo sa room. Si Daddy na ang magha hug sa iyo. Hinding hindi mawawala si Daddy." Punong puno ng emosyong sabi niya kay Athena.

"Tabi na tayo mag sleep?" Tumango si Alden bilang sagot. "Wow! Ihahatid mo din ako bukas sa school Daddy?"

"Baby!" Saway ko kay Athena. Alam kong masyadong risky para sa career ni Alden ang gustong mangyari ng anak namin. At wala nga akong alam sa mangyayari mamaya, sa bukas pa kaya? Ni hindi ko alam ang plano ni Alden. Baka nga mamaya lang eh bumalik na rin siya sa Manila dahil sa hectic na schedule niya. "Your Daddy needs to go back to Manila later."

"Who said so?" Sabi ni Alden.

"Hindi ba at busy ka?"

"Kaya kong icancel ang lahat para makasama ang anak ko. Para makabawi sa mga panahong ipinagdamot mo sa aming dalawa." Flat niyang sagot sa akin. Tapos ay muli niyang binalingan si Athena na hindi ko napansin na nakapikit na pala ang mga mata habang nakayupyop sa dibdib ni Alden. Ewan ko ba pero parang nakaramdam ako ng kaunting inggit kay Athena ngayon. "Nasaan po ang room niya?" Tanong niya kay Nanay Cora at marahang tumayo at kinarga si Athena.

Tinanguan ko na lang si Nanay tanda ng samahan niya na si Alden sa kwarto ni Athena.

Humugot ako ng pagkalalim lalim na buntong hininga ng mawala sila sa paningin ko. Hindi ko alam kung matutuwa nga ba ako o matatakot sa mga mangyayari pa sa buhay ko, sa buhay namin. Handa na ba akong isugal ang future ni Athena. Hindi ko alam. Hindi na ako sigurado.

Carbon PaperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon