eight

1.5K 170 32
                                    

Mag isa na lang ako sa condo. Kaninang umaga bumyahe na pabalik ng Davao si Mark, hindi ko na sya pinigilan dahil alam kong kailangan na sya doon. At kahit hindi nya sa akin sabihin, alam kong miss na miss na nya ang girlfriend nya. Hindi nya ako iiwang mag isa rito kung hindi talaga kinakailangan ang presensya nya sa Davao. Ganoon kabait sa akin si Mark.

Kahit alam kong hindi nya gusto ang desisyon kong kausapin pa si Alden ay kinunsinti nya ako. Masyado nya akong mahal, kami ni Athena para hindian nya kami.

Masyado lang sigurong matigas ang puso ko at hindi ko naramdaman na suklian ito ng katulad ng pagmamahal nya sa akin. O tama lang sya sa parating sinasabi sa akin na mahal na mahal ko pa rin si Alden. Siguro nga tama sya, walang pumalit kay Alden sa puso ko. Kaya masayang masaya ako ng sa wakas ay magka girlfriend si Mark.

Hinarap ko ang laptop saka sinubukang tawagan sa skype ang pinakamamahal kong si Athena.

"Hi baby!" Bati ko ng bumungad ang cute na cute kong anak. Katulad ng tatay nya, napakaputi rin ni Athena. Kamukhang kamukha sya ni Alden. Ilang tao na ba ang nagsabi sa akin na may kamukhang artista si Athena. Napapatawa na lang ako kapag naririnig yun.

"Hi Mommy!" Ganting bungad sa akin ng anak ko. Ngumiti sya sa akin ng napakatamis kaya naman lalo nyang naging kamukha ang Daddy nya dahil sa dimples. "Pupuntahan na po ako dito ni Daddy?" Wala akong itinago sa anak ko, alam nya na si Alden ang tatay nya. At alam nyang hindi pa alam ni Alden na nag eexist sya, matalinong bata ang anak ko kaya alam kong naiintindihan nya ang sitwasyon namin.

Umiling ako. Agad namang lumungkot ang mukha niya. "Why? Ayaw nya sa akin kahit sinabi mong pretty baby ako? Please tell him na nag goodgirl ako Mommy while you're away. Hindi po ako nagpasaway kay yaya Merly."

Napangiti ako. "No baby, hindi ko pa kasi nakakausap ang Daddy mo."

"But why?" Ngumuso pa sya. "I thought kasama mo na sya pagbalik mo dito sa Davao. Akala ko magiging happy family na tayo."

"Busy pa kasi ang Daddy mo. Marami syang show di ba?"

Tumango sya. "I saw him on T.V. last night!" Parang biglang nagka energy ang batang ito. "Ang pogi pogi ng Daddy ko. Sigurado maraming maiinggit na classmates ko kapag nalaman nila na famous ang Daddy ko. Lalo na yung Ysobel na yun, feeling nya ang ganda ganda nya eh extra lang naman ang Daddy nya. Minsan ko nga lang makita yun sa T.V. lagi pang namamatay. Eh ang Daddy ko sikat na sikat!!"

"Athena.. What did I tell you? Di ba masama na manghamak ng kapwa? Kahit ano pa ang trabaho nya dapat iginagalang. And did you forget baby, once naging extra din sa tv si Mommy."

"Sorry Mommy..." nakalabi pang sabi niya. "I love you and I miss you one million times." Umakma pa syang hahalik sa camera ng tumunog ang doorbell.

"Wait Honey, may tao outside."

"Okay Mommy, huwag mong tagalan ha. Tuturuan pa kita ng sasabihin kay Daddy kapag nakausap mo na sya."

"Yes baby.." yun lang at tumayo muna ako mula sa pagkakasalampak sa sahig saka nilapitan ang pinto na hindi kalayuan sa akin.

"Sino naman kaya ito? Hindi ba natuloy sa pagbalik sa Davao si Mark?" Dahil sa pag aakalang si Mark ang nasa pinto hindi na ako ang abalang sumilip sa peephole. Agad kong binuksan ang pinto para lang magulat.

"Hi Maine! Its been a long time.." seryoso nyang bati sa akin.

"A-alden??" Nabigla kong sabi. Dahil sa pagkagulat ay napaatras ako kung kaya ay nabigyan ko sya ng pagkakataon na makapasok sa loob. Nagising lang ako ng marinig ko ang tunog ng pagsasara ng pintuan.

"A-ano g-ginagawa mo dito? Paanong?" Hanggang ngayon at hindi pa rin ako makapaniwala na nakatayo na sya sa harapan ko.

"Shit!" Nabigla ako sa narinig ko mula sa kanya at ng tingnan ko sya ay nakita kong nakatingin sya sa screen ng laptop ko kung saan mahinang kumakanta ang anak ko.









Carbon PaperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon