CHAPTER 8

16.2K 327 26
                                    

Sky's POV:

Nandito nga pala ako ngayon sa mall namin, ang MGM. May bibilhin kasi ako tsk, di para sa sarili ko kundi para kay arianna at sa gang ko.

Ugggh! That brat!

Ang sabi ko sa kanila na ipapa-deliver nalang kung anong gusto nila pero umangal si arianna.

FLASHBACK....

"Kuya matt, I want kuya sky to buy our foods. Ayokong ipadeliver kasi baka lagyan ng something ang pagkain. Kaya kuya matt papuntahin muna si kuya sky sa MGM para bumili ng pagkain natin" dramang sabi ni arianna sa kambal ko.

"Arianna naman! Di nila magagawang lagyan ng something ang pagkain. So please mag padeliver nalang tayo" sabi ko sa kanya.

"No, ayoko ko" sabi nya.

Nakikinig lang ang mga kasama namin. Nandito kasi kami sa HQ namin.

"Sige na sky" maikling sabi ni matt.

Kinakampihan nya na naman si arianna.

"Ugggh! Fine" sabi ko nalang at lumabas na ako.

Damn it! Di ko pala nakuha ang mga order nila tsk.

Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa, tinawagan ko agad si arianna pero ring lang ito ng ring.

Damn it!

Answer it princess!

I called her again and again pero di nya sinasagot ang mga tawag ko. Kaya itetext ko nalang sya, naglalakad ako habang nag tatype sa cellphone ko hanggang sa may nakabunggo ako kaya napatingin agad ako sa kanya.

Damn it!

Nahulog ang cellphone nya at nakayuko sya ngayon kaya di ko kita ang mukha nya.

"I'm sorry miss" sabi ko sa kanya.

"Shit! Buti di na basag ang cellphone ko. Dahil kung nabasag to, babasagin ko din ang mukha mo" sabi nya habang tumatayo sya.

What the hell!

Ang angas naman ng babae na to.

"Di ko sinasadya miss" sabi ko ulit.

"Tsk! Sa susunod tumingin ka sa dinadaanan mo mister" inis na sabi nya at ngayon kitang-kita ko na ang mukha nya.

Damn!

Ang mga mata nya, ay katulad sa mga mata namin ni matt at dad----Green eyes. May similarities din sya kay dad at sa amin ni matt, damn pwede palang ganoon? Di namin sya ka anu-ano pero may similarities sya sa amin?

"Hoy! Tulala ka na?!" sigaw nya sa akin.

"Sorry" wala sa sariling sambit ko.

"What's your name miss?" curious kong tanong sa kanya.

"Sorry not sorry, I don't give my name to strangers" sabi nya sa akin at umalis na sya ng walang pasabi tsk.

Sinundan ko sya, ano bang meron sa babae na yun? Bakit ko sya susundan?

Papunta sya sa parking lot, yes sumunod parin talaga ako hanggang pag labas nya. Narinig kong tumunog ang cellphone nya at nakita kong sinagot nya agad to.

"What?! The fvck mom! Nandito na ako, oo. Uggghhyh fine, bilisan nyo lang" rinig kong sabi nya.

Wooooaah! Mom nya kausap nya pero parang wala lang sa kanya ang pagmura nya tsk ibang klase.

Napahinto ako ng huminto sya kaya dali-dali akong nag tago sa isang kotse dito sa parking lot.

"Alam kong sinusundan mo ko, anong kailangan mo sa akin? Lumabas ka nga tsk" sabi nya pero di sya lumingon.

Damn! Paano nya nalaman na sinusundan ko sya?!

Lalabas na sana ako ng may apat na lalaking lumapit sa kanya kaya napahinto agad ako. Tsk parang mga kabute lang ang mga monggol na to.

"Oy pare! Magandang chic oh. Swerte naman natin" sabi nung isang monggol.

"Ang bata nya pa, fresh na fresh. Gigil tuloy ako" sabi naman nung isang monggol.

"Sama ka sa amin miss. Dadalhin ka namin sa langit" nakangising sabi nung isang lalaki na mukhang leader ng mga monggol.

Lumabas agad ako sa pinagtataguan ko at lumapit sa babae.

"Don't you dare monggols" sabi ko sa kanila.

"Hoy pare! Wag kang makialam dito. Kami ang unang nakakita sa chic na yan, kaya humanap ka ng ibang target mo" sigaw nung leader nila.

Tarantado! Anong akala nila sa akin? Tsk. Mga babae nga unang lumalapit sa akin at nagkakandarapa sa akin tsk.

"Gago! Girlfriend ko yung binabastos nyo!" inis na sigaw ko sa kanila.

"Hahahahaha! Joke ba yan? Tatawa na ba kami? Hahahaha ang bata pa ng babae na yan para maging girlfriend mo hahahaha, nag papatawa ka ba?!" tawang-tawa na sabi nung leader nila.

Tsk!

"Age doesn't fvckng matter!" sigaw ko sa kanila.

Susugurin ko na sana sila ng biglang nag salita ang katabi ko.

"Wag kang makialam, I can handle them" sabi nung babae sa akin kaya napatingin ako sa kanya at tumingin din pala sya sa akin.

"Are you fvckng sure? Apat sila at mag isa ka lang, babae ka pa" sabi ko sa kanya at sinamaan nya lang ako ng tingin.

"Tsk" sabi nya.

Tumingin naman sya sa apat na mga monggol.

"Gusto nyo kong mapunta sa langit? Kalabanin nyo muna ako, pag nanalo kayo sasama ako sa langit pero pag natalo ko kayo itatapon ko kayo sa empyerno" seryosong sabi nya sa apat.

"Ganitong babae ang gusto ko, palaban. Palaban ka rin ba sa kama miss hottie?" sabi nung ugok na leader nila.

Lalapitan ko na naman sana sila para basagin ang mukha nila pero sinita na naman ako nung babae tsk.

"I told you a while ago that I can handle them, stay still and watch me" sabi nya.

Kaya wala na akong nagawa kundi ang tignan sila na naglalaban. Sinuri ko ang bawat galaw nung babae at dalawa lang ang masasabi ko, magaling sya at mabilis syang gumalaw.

Gangster din kaya to?

"Aaaahhhh" daing nung isang monggol.

Nakita ko naman na nag labas ng baril ang isang monggol at tinutok nya ang baril nya sa babae na nakikipaglaban sa leader nila.

Tatakbo na sana ako pero huli na dahil pinutok agad ni monggol ang baril nya kaya napatigil ako, tinignan ko ang babae at sisigaw na sana ako pero natigilan ako dahil sa nakita ko damn! Nasalo nya ang bala, sinuntok nya muna ang leader ng mga monggol sa mukha at nawalan ito ng malay bago nya tinignan ang lalaking bumaril sa kanya.

"P-Paano mo n-nasalo yun?" utal na tanong nung lalaking bumaril kanina.

"Puta! Si boss" sigaw nung isang lalaki.

"Sabay natin syang babarilin" sabi naman nung isa.

Pinagbabaril nila ang babae pero fvckng shit! Naiiwasan nung babae ang mga bala, na para lang syang sumasayaw sa pag-iwas nya sa mga bala.

Who the fvck is this girl?!

____________________________

Yoww guys!

Sino sa tingin nyo ang babae na yun?

Anyways!
Sorry short update lang, busy akems. Nakaw oras lang po to guys, hope you understand ^_^

*****************

Don't forget to;

votes and comments.

Follow me and share this story to your family, friends and relatives ^_^

Lovelots and mwahhhuugsss.

MR. BILLIONAIRE'S QUEENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon