CHAPTER 34

11.9K 250 7
                                    

Brianna's POV:

Makalipas ang tatlong araw nakarating na rin kami sa wakas sa lugar kung nasaan ang taong nag pa sundo sa amin.

Oo tatlong araw talaga dahil nasiraan kami, ewan ko ba kung bakit. Buti nalang talaga may mga pagkain, kwarto, banyo at kung ano pa dito sa yacht nila Maxine dahil kung wala tsss ewan ko nalang.

Bumaba na kami sa yacht at sumalubong sa amin ang isang malaking isla at sobrang tahimik dito. May malaking bahay din akong nakikita, no scratch that isang malaking mansion ang nakikita namin.

"Kita nyo ang mansion na 'yon?" tanong ni Maxine sabay turo sa mansion.

"Yeah! So?" sagot ni Aria kay Maxine.

"Dyan tayo pupunta at nandyan ang taong nag pa sundo sa inyo" sagot ni Maxine kay Aria.

Ohhh.

Medyo malayo, so ano? Maglalakad ba kami papunta sa mansion nila?!

"Maxine?" tawag ni Kuya Sky sa kanya.

"May problema ba?" seryosong tanong ni Maxine.

"Wala naman. Ano, maglalakad ba tayo?" tanong ni Kuya Sky.

"Oo. Well, hindi sana pero 'yon ang utos nya kaya maglalakad tayo papunta sa mansion" sagot ni Maxine kay Kuya Sky.

"What?!" sabay sigaw nila Ella at Aria.
"Why? May angal?" maangas na tanong ni Maxine.

"Wala! Wala naman" sagot agad ni Ella.

"Anong wala?! Sa tingin ko medyo malayo ang mansion nyo sa kinatatayuan natin tapos ano?! Maglalakad tayo?! Nahihibang ba kayo?!" inis na sigaw ni Aria.

"Tsss! Pasalamat ka talaga Aria na bawal ko kayong saktan dahil kung hindi na lintikan kana talaga sa akin!" gigil na inis ni Maxine kay Aria.

"Kung ayaw mong mag lakad, bahala ka sa buhay mo. Maiiwan ka dito at magbilang ka kung ilang isda ang makikita mo sa karagatan! Dami mong satsat, kung mag umpisa na tayong maglakad para makarating agad tayo sa mansion na 'yon!" galit na sigaw ni Maxine.

Namumula na ang mukha nya dahil sa galit na nararamdaman nya esp yung ilong nya.

Nakakatakot syang magalit.

Napatingin ako kay Aria pero hindi umimik si Aria inirapan nya lang si Maxine.

"Ah! Woaah, tara tayo na at maglakbay dahil medyo malayo pa ang lalakarin natin" basag ni Jarred sa katahimikan at inakbayan nya si Aria.
"Ano ba! Bumitiw ka nga!" inis na sita ni Aria pero hinatak lang sya ni Jarred.

____________________________________

Nasa tapat na kami ng mansion. Sobrang gara, alagang alaga ang mansion na ito.

"Ano pang hinihintay natin?" mataray na tanong ni Aria na nakatingin kay Maxine.

"Baril. Para mabaril na kitang babae ka!" inis na sigaw ni Maxine.

"Whatever" sabi ni Aria kay Maxine.

"Sumunod kayo" sabi ni Maxine at tinalikuran nya kaming lahat.

"Ano ba Aria. Wag ka ngang ganyan. Wala tayo sa teritoryo natin kaya wag kang umasta ng ganyan, pasalamat tayo dahil kahit paano hindi nya tayo pwedeng saktan dahil kung nagkataon hindi kana humihinga ngayon" sita ko sa kambal ko.

"Tama si Bria, hindi natin kabisado ang lugar na ito kaya kailangan nating mag ingat lalo na't hindi natin kilala ang mga tao na nakapaligid sa atin" segunda ni Kuya Matt.

Yes, tama ang na basa nyo.

Hindi lang kami ang tao dito may mga tao sa kagubatan. Ramdam ko 'yon at ramdam din pala ni Kuya Matt.

"Anong hindi lang tayo?" tamang tanong ni Ella at napatingin sya sa paligid.

"Tahimik naman ah, tsaka wala akong naramdaman na may ibang tao bukod sa atin" dagdag nyang sabi sa amin.

"Tsss. Let's go, para malaman na natin kung sino ang nasa likod nito" sabi ko sa kanila at naglakad papunta sa direksyon nila Maxine medyo malayo na sya sa amin at malapit na sya sa mansion.

Medyo maglalakad pa kasi kami para makapunta mismo sa mansion na nasa tapat namin.

Na kakaloka sila, may bisita sila pero pinalakad lang nila damn medyo malayo pa naman ang mansion nila.

Hindi nag tagal nasa magandang at magarang pinto na kami. May pinindot si Maxine at may nag salita sa speaker.

Speaker na naman.

"Let me check your right eye" rinig namin sa speaker.

Sumunod naman si Maxine at tinapat nya ang right eye nya sa machine na nasa may doorbell.

Cool!

Ini-scan ang right eye nya. Ito yata ang password nya para makapasok sya sa mansion. Sobrang higpit pala rito, ang cool lang talaga.

"Accepted. Welcome back, Lady Warrior" bati nito kay Maxine.

Lady Warrior?

Codename nya ba ang Lady Warriors? Gangster din kaya si Maxine?

Uuugggghhh!

Dagdag sa sakit ng ulo si Maxine na to tss.

Pumasok na kami at sobrang mangha ko dahil may na ka linyang mga man in black at yumuko sila habang naglalakad si Maxine sa gitna at sumunod naman kami sa kanya. Kung sa Mansion pa to nila Tito Drake mga maid ang tatayo sa mag kabilang gilid sa main door at yuyuko rin sila habang papasok ang importanteng bisita.

Ano bang meron sa lugar na to? Ang weird lang dahil mga lalaki ang kasambahay nila or maybe guards nila ang mga lalaking to.

"She's waiting at the porch, Lady M" biglang sulpot ng isang lalaki.

"Thanks, Butler" sagot ni Maxine.

Uhmm, marunong pala si Maxine mag pasalamat sa kapwa tao nya.

"Let's go, she's waiting" aya ni Maxine sa amin at tumango kami sa kanya.

So babae talaga ang naghihintay sa amin. Sino naman kaya ito? Hindi kaya si Tita Arianne? Imposible naman kung sya, hindi nga nya naaalala ang mga anak nya kaya hindi sya ang naghihintay sa amin.

Damn!

Kinakabahan na naman ako.

Paano kung kalaban ang babae na 'yon?!

Naglakad lang kami at sinusundan namin si Maxine papuntang porch nila.

Habang naglalakad kami tumitingin ako sa paligid. Maganda sana ang bahay nila pero bakit parang ang weird ng mga decorations nila rito. Para bang hindi babae ang nakatira rito na para bang mga mafia ang nakatira rito.

Hindi ko namalayan na nandito na kami sa porch nila at may nakita kaming babae na nakatayo.

"Nandito na sila" tawag pansin ni Maxine sa babae na nakatalikod.

"Umupo kayo" ma-awtoridad na sabi nya sa amin at hindi sya lumingon man lang.

Tinitigan ko ang babae na nakatayo na para bang nakatingin sa malaking hardin nila. Kahit nakatalikod sya parang pamilyar sya sa akin at parang kasing edad ko lang sya na para bang sya si Hell. Pero imposible dahil nasa Japan kami at nasa Manila sya. Isang buwan pa raw sya mananatili sa Manila kaya imposible na sya at ang babae na nakatalikod ay iisa.

"Gagawin talaga namin 'yan dahil masakit na ang mga paa namin" inis na sabi ni Aria.

"Tsss. Gawin mo, wala namang pumipigil sayo" inis naman na sabi ni Maxine.

Umupo na kami dahil tama ang sabi ni Aria, masakit na ang mga paa namin.

Lumingon si Maxine sa lalaki na nasa likuran nya at tinawag nya ang lalaki na nakatayo sa may tabi at lumapit naman sya kay Maxine.

"Bigyan mo sila ng makakain" utos ni Maxine sa lalaki at tumango naman ang huli kay Maxine.

Ang weird talaga!

Lalaki ang mga kasambahay nila rito.

Astig pero ang weird talaga!

Tahimik lang kami pero nag pa pakiramdam kami ngayon dahil baka may bakbakan na mangyari sa mga oras na 'to.

MR. BILLIONAIRE'S QUEENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon