CHAPTER 29

12.9K 283 14
                                    

Sky's POV:

After three days

Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na buhay si Mommy. Ang dami naming tanong kung paano nangyaring buhay sya, bakit hindi nya kami naaalala at higits sa lahat kung sino ang tumulong sa kanya.

Nasa Manila na nga pala kami, papunta sa Mansion namin. Nag decide kasi si Kuya Matt na uuwi muna kami sa Mansion.

"Guys, gising na kaya si Hell?" tanong sa amin ni Ella.

Hinatid kami sa isang driver nila Hell, nasa front seat si Kuya Matt. Katabi ko naman sina Ella, Bria at Aria. Yung iba nasa likuranan namin, si Morgan naka-headset, si Jarred tulog at si Xander nag lalaro ng ML o mas kilala bilang Mobile Legend.

"Hindi pa yata, yun ang sabi ni Zaylee" sagot ko kay Ella.

"Hay! Sana gumising na ang isang yun" sabi naman ni Bria.

Tumahimik ako at ganoon din si Ella. Kinuha nya ang cellphone nya dahil for sure mag babasa na naman sya sa wattpad na kinababaliwan nya.

Napatingin ako sa wristwatch ko, alas singko na pala. Madaling araw kasi kami bumiyahe mga alas dos yata yun. Ayos na rin kami ni Kuya Matt kaya ayon pumayag sila na umuwi muna kami at kung sakali nandoon parin sila Hell sa Mansion nila babalikan namin sya. May number na rin kami kina Zaylee, Angelica at Rhianna. Pwede raw namin silang tawagan kung sakaling babalik kami sa Mansion nila.

Gusto ko pang matulog pero hindi ko magawa, dahil siguro sa maraming tumatakbo na katanungan sa isipan ko. Kailangan kong malaman ang mga kasagutang iyon para manahimik na tong isipan ko kakaisip dahil baka mabaliw ako nito.

Ang sakit parin isip na sa unang pagkikita ulit namin nila Mommy ay hindi nya kami nakilala at higit sa lahat tinulak nya ako na para bang isang maruming basura sa paningin nya.

Ano kayang magiging reaksyon ni Daddy pag nalaman nyang buhay ang pinakamamahal nyang babae? Paniguradong mababaliw si Amanda pag nagkataon.

"HOY KUYA SKY?! NAKIKINIG KA BA?" bulyaw ni Aria sa akin.

"Ha?" tangang tanong ko sa kanya.

"Ang sabi ko, nakikinig ka ba? Ano bang iniisip mo? Ang lalim eh tss" inis nyang tanong sa akin.

"Wala" sabi ko nalang sa kanya.

"Uhm, ang sabi ko kanina. Ayos ka lang ba? Totoo bang si T-Tita yung M-Mommy ni H-Hell?" nauutal nyang tanong sa akin.

Ayos nga ba ako?

Hindi. Hindi, hindi ako maayos tss sinong matinong tao na magiging maayos matapos syang itapon na parang maruming basura ng kanyang sariling ina?!

Oo, matino akong tao kaya wag kayong pumalag dyan. Bad trip pa naman ako, baka mabasag ko lang pagmumukha nyo.

Uggghh! Nababaliw na ako, pati readers ni Otor ginaganito ko na.

"Yeah. She's our Mom, I don't know what's happening right now but I'll make sure I'll figure it soon" biglang singit ni Kuya Matt.

Ang talas talaga ng pandinig nya.

"Count me in, gusto kong malaman kung anong nangyari kay Mommy kung paanong nangyari nasa poder sya sa pamilya ni Hell at higit sa lahat paanong naging anak nya si Hell!" frustrated kong sabi sabay gulo sa buhok ko.

Ganito talaga ako, buhok ko agad ang puntirya ko pag naiinis na ako ng sobra.

"Calm down. Wag kayong mag-alala tutulong kami para malaman natin ang katotohanan sa likod ng aksidenteng iyon" sabi naman ni Bria.
"Yeah! Una at pinakamahalagang misyon ng Cosa Nostra" singit ni Xander.

MR. BILLIONAIRE'S QUEENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon