CHAPTET 38

13K 284 17
                                    

Leigh's POV:

Nandito na kami ngayon sa mansion namin dito sa Japan. Dito ko na sila dinala dahil mas safety sila dito dahil alam kong kahit tahimik na ang mortal na kaaway namin may nalalaman ang mga 'yon sa nangyayari sa amin ngayon.

"Woooaaahhhh! Ang ganda naman dito" manghang sabi ni Ella habang pinagmamasdan nya ang paligid namin.

"Ang astig talaga ng mga mansion nyo" komento ni Xander.

"Parang wala rin kayong mga mansion" sabi ni Rhianna sa kanila.

"Meron! Mayaman naman kami pero wala kaming ganito kalaking mansion, para na nga itong palasyo. Marami rin kaming mga mansion pero ka kaiba ang mga mansion na meron kayo. Sino ka ba talaga Hell? Bakit kahit sobra mong yaman hindi ka namin kilala, dapat isa ka rin at ang pamilya mo na sikat sa bansa o hindi kaya sa buong mundo" takang taka na sabi ni Aria habang nakatitig sa akin.

"Dahil....Dahil pribadong mga tao ang pamilya ko, ayaw nilang maging sikat kaya tagong-tago ang identity namin" sabi ko nalang sa kanya habang tinignan ko sya sa kanyang mga mata.

Tinignan ko agad si Ella dahil gumalaw sya at parang nag iisip.

"Aha! Yung pinakamayamang pamilya sa business industry, yung unang pinakamayamang angkan siguro kayo iyon? Hindi, kayo iyon no? Dahil hanggang ngayon wala pang nakakaalam kung sino o anong angkan ang pamilyang iyon" sabi ni Ella, tila kumikislap ang mga mata nya.

"Tama! Yung misteryosong pamilyang iyon sila ang pinakamayamang pamilya sa buong mundo. Tama nga yata si Ella, kayo ba iyon?" segunda naman ni Jarred.

"Ohhh! Tama na, kain muna tayo. Gutom na gutom na ako" biglang singit ni Angelica habang naglalakad sya patungo sa pwesto namin at may kasama syang isang lalaki na may hawak na tray.

"Woaaaahhh! Hanggang dito ba naman, lalaki parin ang kasambahay nyo?" manghang tanong ni Xander.

"Yeah! Mas cool kasi pag lalaki" nakangiting sagot ni Rhianna kay Xander.

"Sige kumain na muna kayo" sabi ni Zaylee sa kanila.

"Wow! Blueberry cheesecake" parang tila nangingislap ang mga mata ni Ella habang nakatingin sa blueberry cheesecake.

Kinuha nya agad ang blueberry cheesecake, sumunod naman si Xander at ang iba pa. May red wine rin sa mesa, mahilig kasi kami sa red wine kaya nga sa bawat mansion namin may winery kami.

"Dito kayo matutulog, dahil maaga tayong aalis bukas" biglang sabi ko.

"Saan naman tayo pupunta?" tanong ni Xander.

"Philippines" sagot ko sa kanya.

"We have some important mission here. We can't go with you" singit ni Sky.

"I know right! Ang pamilya ko lang naman ang misyon nyo" sabi ko sa kanya at tinignan ko sya habang nakataas ang isang kilay ko.

"Ayaw mo? Ako na ang lumalapit sa inyo, hindi na kayo mahihirapan pa" dagdag na sabi ko.

"Hindi na kayo maloloka sa pag hahanap sa amin kaya sumama na lang kayo, wag na umarte" segunda naman ni Angelica.

"Sasama kayo o ka kaladkarin ko kayo?" sabi ko sa kanila.

"Fine. Sasama kami, siguraduhin nyo lang na may makukuha kami na kahit anong impormasyon tungkol sa pakay namin dito" seryosong sabi ni Matt.

"Yeah! Don't waste our precious time, Hell" singit ni Sky.

"Yeah right!" ismid ni Aria.

"Tumataas na naman ang kilay mo, pag ako nang gigil dyan sa kilay mo uubusin ko mga hibla ng kilay mo" inis na sabi ni Angelica kay Aria at inirapan lang nya si Angelica.

MR. BILLIONAIRE'S QUEENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon