CHAPTER 44

10.5K 270 24
                                    

HELL'S POV:

Nakakagago itong nararamdaman ko. Paano kaya? Paano kaya kung mali pala ang hinala naming lahat? Edi masasaktan lang kami. Lalo na ngayon na kahit saglit lang na nakasama ko si Mr. Montegrande eh na pa mahal na sya sa akin. Ang sarap nyang maging ama, ramdam na ramdam ko ang pagmamahal nya.

Nakatingin lang ako ngayon sa maliit na kahon na kulay pink. Nakakagago talaga ang kulay na ito, pink na pink eh. Buong kwarto pink, 'tong hawak kong kahon pink din ang kulay. Siguro pati ang banyo rito eh pink din.

Binuksan ko na ang maliit na kahon.

"Ano ito? Susi? Para saan?" Takang tanong ko sa sarili ko.

Teka, bakit nya ako binigyan nito?

"Hindi naman ito susi ng isang sasakyan ah" bulong ko habang pinagmamasdan ko ang susi.

Parang susi ito sa isang kwarto ah. Tama, susi ito sa isa sa mga kwarto rito pero pucha ang daming kwarto sa mansion na ito. Paano ko malalaman?
"Right, itatanong ko nalang kay Sky baka may alam sya tungkol dito" sabi ko sa sarili ko.

Tumayo na ako at lumabas sa kwartong tinutuluyan ko.

Hinanap ko agad si Sky.

Ang sabi ng katulong nila nasa hardin daw silang lahat maliban kay Mr. Montegrande, may lakad daw ito.

Pumunta naman ako sa hardin at nakita ko silang lahat na masayang nag kwe-kwento. Ang sarap nilang titigan. Kung hindi lang siguro ako kasali sa Mafia, paniguradong araw-araw ganito kasaya ang pamilya namin at mga kaibigan.

Pero wala eh, isa akong Takishima. Buntot ko na ang panganib at ang kamatayan. Kaya mas lalong gugustuhin ko na hindi sila parte ng buhay ko para hindi sila mapahamak.

Pero may parte sa akin na gusto na maging parte sila sa buhay ko dahil hindi na ako ang susunod sa yapak ko. Dahil automatic na si Matt ang mamumuno sa Mafia ni Tanda.

"Hoy! Hell!" sigaw ni Sky sa akin.

Shit, hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala sya.

"Ayos ka lang ba? Bakit ka tulala? Kanina ka pa namin tinatawag ah" dagdag nyang sabi sa akin.

"Ah, wala may iniisip lang ako. May itatanong ako sayo" sabi ko sa kanya at tumingin sya ss akin na nagtataka.

"May alam ka bang kwarto sa mansion na ito na sarado? Yung tipong kahit kailan hindi nyo pa na pasok o hindi kaya may kwarto ba rito na kahit ni isang susi wala kayong hawak?" seryosong tanong ko sa kanya.

"Bakit?" takang tanong nya sa akin.

"Hmmmp, wala lang. Meron ba?" tanong ko ulit sa kanya.

"Teka, iisipin ko muna ah" seryosong sabi nya sa akin at nag isip.

Shit, tagal naman.

"Tama, meron ngang isang kwarto rito na nakasarado hanggang ngayon. Kahit anong hanap ko sa susi noon wala talaga" sabi nya agad sa akin.

So, tama nga ang hinala ko.

"Paano mo nga pala nalaman ang tungkol sa mahiwang pintong iyon?" dagdag nyang tanong sa akin.

"Wala lang, may ibinigay kasi sa akin na susi ang ama mo eh. Ito oh" sabi ko sa kanya sabay pakita sa susing hawak ko.

Iniwan ko yung kahon sa kwarto dahil sa kulay nya.

"Si Dad? Para saan naman?" tanong nya sa akin.

"Yeah. Ewan, samahan mo ako para malaman natin kung para saan ang susi na ito" sagot ko sa kanya.

MR. BILLIONAIRE'S QUEENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon