CHAPTER 35

12.5K 281 16
                                    

Bria's POV:

"HELL?!" sabay naming sigaw pero tahimik lang si Kuya Matt.

"The one and only" nakangiting sabi ni Hell sa amin pero kakaiba ang ngiti nya.

Parang may masamang balak sa amin.
"Ano? Paano? Bakit ka nandito?" litong tanong ni Ella.

"Why? Bawal ba ako dito?" balik tanong ni Hell kay Ella.

"Hindi naman, pero paano? Paano mo nalaman na nandito kami?" takang tanong ni Ella.

"Connections" maikling sagot ni Hell kay Ella.

Tumingin si Hell sa mga kasambahay nila at nag bow sila.

Hindi nag tagal umalis silang lahat kaya kami nalang ang nandito rito.

"Bakit mo sila pinalayas?" tanong ni Aria kay Hell.

Naglakad si Hell papunta sa isang bakanteng upuan na nasa harapan namin.

"Para mapag-usapan natin kung bakit kayo nandito at bakit nyo hinahanting sila Zaylee, Angelica at Rhianna?" diretsong tanong nya sa amin at na bigla ang iba sa amin maliban sa amin ni Kuya Matt.

Tama nga ang hinala ko, hindi ordinaryong tao si Hell. Marami syang connections kaya marami syang alam kaya hindi na namin pwedeng itago ang pakay namin sa kanilang tatlo.

"So?" basag ni Hell sa katahimikan.

"Kasi, kasi dahil ano. Gusto lang namin malaman ang tungkol sa inyo. Kung ano trip nyo sa buhay, mga ganern" sabi ni Ella at tinignan sya ng masama ni Hell.

Wrong move, Ella.

"Tss. Don't lie. Alam ko naman kung ano talaga ang pakay nyo, gusto ko lang marinig na galing sa mga bibig nyo" inis na sabi ni Hell kay Ella.

See.

"So, anong gusto nyong malaman tungkol sa Mommy ko?" tanong nya sa amin.

Damn hell!

"Ano? Na kain nyo na ba ang mga dila nyo? Come on guys, hindi ko kayo papatayin kahit naghahanap kayo ng kung ano tungkol sa Mommy ko" inis na sabi ni Hell sa amin.

"Bakit sya napunta sa inyo?" tanong agad ni Kuya Matt.

Magsasalita na sana ako kaya lang nagsalita si Kuya Matt.

"Oh? Kasi anak sya ni Lolo" sagot ni Hell sa kanya.

"Lolo? Sinong lolo mo?" tanong ko sa kanya.

"Well, hindi kayo makakabalik sa pinas ng buhay kung sasabihin ko sa inyo kung sino sya" ngiting sabi ni Hell sa amin.

"What?! Bakit?! Sino ba sya?!" inis na sigaw ni Aria kaya siniko ko sya.

"Nah, baka hindi ka makatulog pag nalaman mo kung sino sya" seryosong sabi ni Hell.

"Totoo bang Lolo mo sya at Mommy mo ang nanay mo?" singit kong tanong kay Hell.

"Yes and yes. Hindi ba halata? May similarities kami but I guess mas nag mana ako sa ama ko" proud na sagot ni Hell sa akin.

"Kung ganun sino naman ang ama mo? Pwede ba namin malaman kung sino?" tanong ko sa kanya.

"Hindi naman siguro masama kung malaman namin, kahit ang ama mo lang Hell" segundang sabi ni Kuya Sky.

Alam kong uhaw na sila sa totoong kasagutan sa mga tanong sa kanilang isipan. Kahit nga ako na Tita ko lang si Tita Arianne, paano nalang kaya kung sila na ni Kuya Matt na mismong anak sila.

"Unfortunately. Wala ako nyan, yes may Dad ako dahil paano ako ginawa ni Mommy kung wala akong Daddy. Pero, wala sya sa tabi ko and I dont know him" sagot ni Hell sa amin.

MR. BILLIONAIRE'S QUEENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon