CHAPTER 18

15K 304 18
                                    

Drake's POV:

"Love, miss na kita" sabi ko sabay haplos sa pangalan nya na nakaukit sa lapida nya.

"Kunin mo na ako arainne, matagal na akong naghihintay na makita at makasama ka sa mundong pinuntahan mo" dadag na sabi ko sa kanya.

"Birthday ko na naman ngayon, 46 years old na ako damn ilang taon na akong nangungulila sayo arianne. Maawa ka, kunin mo na ako. Tama na tong paghihirap ko, gusto na kitang makasama mahal ko" naiiyak na sabi ko sa harapan ng libingan nya.

"Kunin mo na ako mahal ko, hirap na hirap na talaga ako" pag mamakaawa ko sa kanya sabay tulo ng mga luha ko.

"Tanginang mga hinayopak na yun" sigaw ko sabay suntok sa isang semento!

January 4, 2016 ngayon at ngayon ang kaarawan ko, dapat nag cecelebrate ako kasama ang mga anak ko at ang asawa ko.

Pero ito ako ngayon nag-iisa at nangungulila sa mahal kong asawa.

Damn that bastards.

"Patawad mahal dahil hanggang ngayon di ko parin naibibigay ang justice sa pagka-w-wala mo, damn it! Kahit anong yaman ko, di ko parin nagawang makita o malaman kung sino ang mga hayop na gumawa sa atin noon. Pero di parin ako titigil arianne, hahanapin ko sila kahit anong mangyari. Patawad mahal ko dahil sobrang tagal na wala paring nangyayari sa kaso mo" paghingi ko ng tawad sa kanya.

Kahit anong gawin ng mga pulis sa kaso ni arianne, wala talaga silang nakukuha na ebedensya o kahit na ano para makapagturo kung sino ang may mga gawa noon sa amin kaya ito hanggang ngayon wala paring nangyayari sa kaso ni arianne.

Tumingin ako sa kamay ko at nakatitig sa wedding ring ko. Hinawakan ko ito, hinaplos-haplos na para bang nasa ibawbaw ng kamay ko ang kamay ni arianne.

"Hinding-hindi kita ipagpapalit arianne, hinding-hindi ito mawawala sa kamay ko hanggang sa huling hininga ko. Ikaw lang arianne, ikaw lang ang babae na mamahalin ko hanggang sa huling hininga ko" naluluhang sabi ko sa kanya.

"Ahhhhhhh! Fvck!" malakas na sigaw ko at pinagsusuntok ko ang sementong sinuntok ko kanina.

"Fvck! Fvck you!" sigaw ko habang pinagsusuntok ko ang semento.

Di ko naramdaman ang sakit sa mga kamay ko dahil mas ramdam ko ang sakit na nararamdaman ng puso ko at ang bigat na pakiramdam ko ngayon. Dumudugo na ang kamao ko pero suntok parin ako ng suntok, wala akong pakialam kung mag kandabali-bali tong mga buto ko sa kamay.

"Fvck you" malakas na sigaw ko at susuntok na ulit sana ako ng may nag salita sa likoran ko.

"What the hell are you thinking man! Don't waste your time, if I were you I will make a move to get information of those bastard" rinig kong sabi noong tao sa likod ko, kaya naiwan sa ere ang kamao ko and fvck am I dreaming? Bakit boses ni arianne ang naririnig ko?

"Who the fvck are you?" seryosong tanong ko sa kanya, nanghihina ako dahil sa boses na narinig ko kanina kaya napayuko ako ng ulo ko at ang dalawang kamay ko hinarang ko sa sementong may mga dugo na.

"You don't need to know, you need to go home and clean your wounds" sagot nya sa akin, nababaliw na ba ako? Boses talaga ni arianne ang naririnig ko.

"Mahal ko, minumulto mo ba ako? Kukunin mo na ba ako? Pero bakit panay english ka?" bulong ko sa sarili ko.

"Baka" rinig kong sabi noong babae. Huminga muna ako ng malalim bago ako lumingon sa likod ko at nakita kong tao talaga ang kausap ko at hindi multo.

Pero di ko na nakita ang mukha nya dahil nakatalikod na ito at nag lalakad palayo sa pwesto ko.

"Miss" malakas na sigaw ko, nag babakasakali na lingonin nya ako pero di sya lumingon.

"Wag kang mawalan ng pag asa, makikita mo ang mga taong hinahanap mo. Mag tiwala ka lang" sigaw nya, boses talaga ni arianne ang naririnig ko at ang likod nya sobrang familiar sa akin.

Nababaliw na yata ako.

"Arianne mahal ko kung di ko lang alam na wala ka na sa mundong ito, iisipin kong ikaw yang babae na yan" sabi ko, tinitigan ko muna ang babae bago nawala sa paningin ko bago ako lumingon sa taong pinakamamahal ko at tumitig ako sa pangalan ng taong pinakamamahal ko.

"Aalis muna ako mahal, babalik ako bukas. Babalikan kita, wag kang mag-alala at wag mo kong ma miss agad. I love you so much arianne" sabi ko sa kanya sabay haplos ng pangalan nya.

"Hahanapin ko ang mga taong gumawa noon sa atin mahal ko, kung di ko man sila maipakukulong handa akong pumatay arianne alang-ala sa iyo" sabi ko pa sa kanya.

"Aalis muna ako mahal, sanay gabayan mo ko at tulongan upang mahanap ang mga hayop na yon" sabi ko sa kanya, humalik muna ako sa pangalan nya bago umalis sa puntod nya.

Nag lakad na ako pa punta sa sasakyan ko, sinalubong ako ng driver ko.

"Sir anong nangyari sa mga kamay mo?" nag-alalang tanong nya sa akin.

"Wala lang to mang esko, uwi na tayo" sagot ko sa kanya at tumango sya.

Pagkapasok namin sa loob ng sasakyan, tinanong ko agad sya.

"Mang esko, may nakita ka bang babae na lumabas dito?" tanong ko sa kanya.

"Babae sir? Wala. Wala akong nakitang babae. Mukhang tayo lang ang tao dito kahit ang mga caregiver di ko nakita sir" sagot nya sa akin habang nag mamaneho sya.

"Impossible! May babae, may babae na biglang kumausap sa akin kanina. Nakita ko, tao talaga sya. Babae na nakaitim na damit" wala sa sariling sabi ko kay mang esko.

"Sigurado ka ba sir? Wala akong nakitang babae na lumabas dito" tanong nya sa akin.

"Nahawakan mo ba sir?" segundang tanong nya sa akin at umiling ako bilang sagot.

"Di ko din nakita ang mukha nya, pag lingon ko sa kanya nakatalikod na sya at naglalakad na sya palayo sa pwesto ko" sagot ko sa kanya.

"Baka di tao ang nakita mo sir, baka ligaw na kaluluwa" sabi ni mang esko sa akin.

Impossible! Kinausap nya ako.

"Di totoo ang mga yan mang esko" sabi ko nalang sa kanya, biglang sumakit ang ulo ko kaya iidlip muna ako.

"Gisingin mo nalang ako pag nasa mansion na tayo" sabi ko sa kanya.

"Okay po sir" sabi nya sa akin, iidlip muna ako baka guni-guni ko lang yun.

Tama, guni-guni ko lang yun dahil sa sobrang pangungulila kay arianne.

MR. BILLIONAIRE'S QUEENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon