CHAPTER 56

12.2K 249 250
                                    

JC's POV:

Nandito ako ngayon sa labas ng mansion ng mga Montegrande. Nakaabang at nakatingin sa paligid habang hinihintay ko si Hell.

Inaya ko kasi sya na lumabas kaming dalawa. Gusto ko syang makilala pa kahit na alam kong bawal itong gagawin ko pero wala akong magagawa dahil ito ang tinitibok nitong puso ko.

Habang nakatingin ako sa magandang tanawin, yes hindi maipagkakaila maganda ang pagkakagawa ng mansion nila at ang bawat halaman na tinanim ni Arianne noon. Mahilig kasi sya sa mga bulaklak at kung ano pang halaman.

Hindi ko namalayan na nasa harapan ko na pala si Hell. She's so damn beautiful.

"Hey! Let's go" bungad nya sa akin at tumango ako.

Sumakay na sya sa front seat.
Binalibag nya lang naman ang pinto.

"Saan tayo pupunta?" agad nyang tanong sa akin.

"Saan mo ba gusto?" tanong ko sa kanya habang nag mamaneho.

"Kahit saan" sagot nya sa akin habang seryoso ang mukha nya.

"Sa langit gusto mo?" birong tanong ko sa kanya pero bigla nya akong sinapak.

"Ouch! Chill. Nag bibiro lang" natatawang sabi ko sa kanya.

"Don't me! Huwag ka ngang manyak. Hindi nakakatuwa" irita nyang sita sa akin.

"Okay fine. I'm sorry" hinging paumanhin ko sa kanya.

Saan ko kaya sya dadalhin? Ano ba ang mga hilig nitong babae na ito?

Ahhh! Alam ko na.

Mukang magugustuhan nya 'yun.

Hindi nag tagal nakarating na kami rito sa firing range na kami rin mismo ang may-ari.  Isa ito sa mga lugar na pwede kami mag ensayo pero sa ngayon hindi ko muna sila pinapunta rito para ma solo ko si Hell.
Gusto kong makasama sya na walang sagabal and on the top of that para safety identity nya dahil baka sakaling may makakilala sa kanya paniguradong war ang mangyayari sa date namin.

"Woah! Kaninong lugar ito?" mangha nyang tanong sa akin.

Bumaba na kami sa sasakyan ko.

"Sa pamilya ko" sagot ko sa kanya.

"Ganda ah! Firing range, isa sa lagi kong gusto gawin" sabi nya sa akin at nag lakad na sya, sumunod naman agad ako sa kanya.

"Yeah right! Hindi lang firing range ang nandito. May iba pang pwede gawin dito. Isa rin kasi itong lugar na ito na pwede mag ensayo ang mga tauhan ng pamilya ko" pag o-open up ko sa kanya.

"Pamilya ko? Tauhan? Why? Kabilang ba kayo sa Mafia?" tanong nya sa akin.

"Parang ganun na nga, change topic tayo. Saan mo ba gusto mag simula?" tanong ko sa kanya.

"Firing range muna. After that pwede mo tayo pumunta sa ibang pwede gawin dito" sagot nya sa akin.

Dumayo agad kami sa firing range namin dito.

Inayos ko na ang dapat ayusin para pwede na kami mag simula ni Hell.

"Easy!" naka demonyong ngisi nya habang nakatingin sa akin.

"Indeed. Dapat may twist ito" sabi ko sa kanya.

"What kind of twist naman?" tanong nya sa akin habang tinitignan nya ang target retrievers namin na nasa malayo.

"Dapat bulls eye lahat. Nasa gitna dapat lahat ang butas. If ever, may isa sa atin na hindi nakatama sa gitna kahit isang tira lang may parusang matatanggap. Ano deal?" paliwanag ko sa kanya.

MR. BILLIONAIRE'S QUEENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon