CHAPTER 39

14.5K 305 22
                                    

Bria's POV:

Nasa private plane na kami nila Hell. Ngayon na ang uwi namin sa Pilipinas dahil 'yon ang plano ni Hell na sasama kami sa kanila.

Ang tahimik namin, para kaming namatayan. Ano kaya ang iniisip ng bawat isa rito bakit ang tahimik nila hindi tuloy ako sanay na ganito katahimik ang mga kasama ko.

Katabi ko si Zaylee at ramdam kong hindi sya mapakali.

"Are you okay?" tanong ko sa kanya.

"Yeah" sagot nya at ngumiti ng pilit.

"Sure? Parang kabaliktaran ng sinasabi mo ang nakikita ko sayo eh, para kang kinakabahan na ewan. Anong nangyayari sayo?" takang tanong ko sa kanya.

"Baka....baka natatae kana Zay?" singit ni Xander at nag tawanan silang mga lalaki maliban kay Kuya Matt.

"Gago! Natatae mo mukha mo, gusto mo itapon kita palabas dito ha o hindi kaya bubutasan ko yang bungo?!" seryosong sabi ni Zaylee kay Xander habang nakatutok ang baril nya sa noo ni Xander at tinaas naman ng huli ang dalawa nyang kamay.

Ang bilis talagang gumalaw ni Zaylee!

"Woaaaaahh! Chill, joke lang! Sge na, mag usap na kayo ulit" kinakabahan nyang sabi kay Zaylee.

"Sa uulitin 'wag kang sasabat sa usapan na may usapan baka mawala ka bigla sa mundong 'to" gigil na sabi ni Zaylee kay Xander.

"Oo na, sorry na lodiii ang petmalu mo talaga. Hindi na uulitin bhouxXxX mh4q4gm4h47" natatawang sabi ni Xander at sinapak nalang sya ni Zaylee.

"Ang jeje mo na nga ang baduy mo pa, Xander" komento ni Chris kay Xander.
"Ang gwapo ko namang jejemon" inis na sabi ni Xander kay Chris.

"Saang banda?" singit ni Ella.

"Sa lahat ng banda" sagot naman ni Xander kay Ella.

"Oo nalang" rinig kong sabi ni Ella.

Tumahimik nalang ako habang pinagmamasdan ko si Zaylee na parang wala sa sarili.

Mag katapat sina Matt at Hell, nasa kaliwang side si Hell samantalang nasa kanan naman si Matt. Parehas silang tahimik, kung mag kapatid ang mga ito paniguradong na mana ni Hell ang katahimikan ni Matt, ang pagiging seryoso at cold na ugali ni Matt.

Ang boring, makatulog na nga lang.

                              ******

"Wake up, Bria" naririnig ko ang boses ni Zaylee.

"Hey! Wake up!" singhal nya sa akin.

Gusto ko pa matulog!

"5 minutes" sabi ko sa kanya.

"Gigising ka ba o puputulin ko ang buhok mo?" seryosong sabi nya habang hinahaplos nya ang maganda kong buhok.

Fuck!

Not my hair!

Kahit labag sa kalooban ko, gumising nalang ako kahit gusto ko pang matulog!

"What the fuck! Don't you dare!" singhal ko sa kanya.

"Tss! Gigising ka pala, gusto mo pa talaga takutin ka para magising lang diwa mo" seryosong sabi nya sa akin at inirapan ko lang sya.

"Isang irap pa, huhugutin ko ang eyeballs mo!" inis nyang banta sa akin.

"Bakit mo ko ginising?" tanong ko nalang sa kanya.

"Nandito na tayo, ikaw nalang hinihintay namin. Bababa na tayo rito, nasa Philippines na tayo" sagot nya sa akin.

MR. BILLIONAIRE'S QUEENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon