CHAPTER 54

12.9K 259 43
                                    

JC's POV:

Dali-dali kong pinuntahan ang Montegrande Mansion.

Damn it!

Sobrang gigil na gigil ako kay Sam. Kakasabi ko lang sa kanya na ipaalam sa akin kung sakaling sasalakay sila sa mga Montegrande pero anong ginawa nya? Hindi nya pinaalam sa akin.

Putangina!!!

Nandoon pa naman si Hell.

Pinaharurot ko ang sasakyan ko papasok sa Mansion nila nakabukas na ang gate at ang mga guard nila at walang buhay na.

Sa wakas nakita ko na rin ang lalaking gusto kong patayin. Bumaba agad ako sa sasakyan ko at nilabas ang baril ko. Pinagbabaril ko ang mga tauhan ni tanda na nadadaanan ko.

Wala akong pakialam kong tauhan namin sila dahil ang mahalaga ngayon ang kaligtasan ni Hell.

Nakalapit na rin ako sa wakas kay Sam at binigyan ko sya ng isang malakas na suntok kaya napatumba sya at pumutok ang labi nya.

Tinignan ko sya ng masama isang signal na kailangan na nilang umalis ngayon mismo.

"Abort Mission, I repeat abort mission!" paulit-ulit nyang sinasabi sa Walkie Talkie na hawak nya.

Tumayo sya at lumapit ako sa kanya.
"Leave this place now!" madiin kong bumulong sa kanya para hindi marinig ni Renzo isa sa mga kalaban namin.

Teka bakit nandito ang lalaking ito?

Kita ko sa mga mata ni Sam na naguguluhan sya sa inasal ko ngayon pero sumunod naman sya at nag madaling umalis.

"Sino ka?" tanong ni Renzo sa akin.

Wala kasing nakakakilala sa akin kung sino at kaano ano ako ni Tanda.
"JC" maikling sabi ko sa kanya.

"Isa ka bang Montegrande?" takang tanong nya sa akin at ngumisi ako na parang baliw.

"No. Kaibigan ako ni Hell" sabi ko sa kanya at nagtataka ang gago.

"Hell? Sinong Hell?" takang tanong nya.

Hindi nya kilala si Hell?

Mabuti naman dahil kung sakali mahirap na dahil pag nagkataon paniguradong hindi kami pwede maging magkaibigan.

Magsasalita pa sana ako ng biglang sumulpot ang babae na pinapahalagahan ko ngayon.

"Damn! Sino ang mga 'yon" biglang sulpot ni Hell na pawisan.

"Asan si Miyu?" tanong ni Renzo kay Hell.

Magkakilala sila?

"I'm fvcking here. Damn!" biglang sulpot ng isang babae, isang Takishima.

Damn it!!

Bakit nandito ang isang Takishima sa teritoryo ng mga Montegrande?

"Sino ang binatang ito?" takang tanong ng isang Takishima.

"JC, kaibigan ni Hell" maikling sagot ni Renzo.

Dumating na rin ang mga kaibigan ni Hell pati na rin sila Sky, Matt at ang Ama nila Sky at Matt.

Damn!

"Oh! Kaibigan mo pala ang binatang ito, Leigh" nakangiting sabi nya habang nakatitig sa akin.

Leigh?

Parehas kaming dalawa ni Renzo na mukang naguguluhan sa sinabi ng isang Takishima.

"Oh! Hahahaha, hindi mo ba alam na Hell ang pangalan ni Leigh dito, Renzo" natatawang sabi nya kay Renzo.

MR. BILLIONAIRE'S QUEENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon