CHAPTER 49

10.8K 250 42
                                    

DRAKE'S POV:

Naalimpungatan ako dahil nasisinagan mukha ko kaya napamulat ako at napatingin sa bintana na nakabukas ang kurtina.

Wait?

What is this fucking place?

Where am I?

Napahinto ako kakaisip ng may biglang nag pekeng ubo.

Nagising ang buong pagkatao ng malaman ko na nakahiga ko sa isang kama, sa kamang hindi pamilyar sa akin at tangina nasa isang kwarto ako. Napatingin ako sa gawi ng taong umubo at may babae na nakaupo pero nakatalikod sya sa akin.

"Who the fuck are you?" takang tanong ko sa kanya at napahawak ako sa ulo.

Fucking Hangover.

"Ako lang naman ang nag ligtas sayo kay kamatayan" malamig nyang sagot sa akin at biglang tumibok ng malakas ang puso ko.

Ang boses nya.......ang boses na hinding hindi ko makakalimutan hanggang sa huling hininga ko.

Ang boses na nagpapatibok ng puso ko. Ang boses na bumihag sa puso ko at ang boses na iyon ay pagmamay-ari sa babae na sobrang mahal ko.

"Arianne? My wife?" naluluhang tanong ko.

Bigla akong tumayo upang lapitan sya pero napaupo lang ako ulit at napahawak ako sa gilid ng tyan ko.

"Uggghhh" daing ko dahil biglang kumirot ang gilid ko kaya napatingin ako agad sa gilid ko.

What the fuck!

May sugat ako.

"Masakit? Masarap talaga pag nasaksak ka ng walang kalaban-laban" malaming nyang sabi sa akin.

"Arianne? My wife? Ikaw ba 'yan?" tanong ko sa kanya.

"Arianne? Your wife? Stupid. I'm not wife. I'm Miyu" sagot nya sa akin sabay harap sa akin at biglang nahulog ang puso ko sa sahig.

Binaliwala ko lang ang mga sinabi nya.

Buhay nga ang pinakamamahal kong asawa.

"Ikaw nga. Buhay ka. Buhay na buhay ka mahal ko. Sobrang nangungulila ako sayo. Anong nangyari? Bakit hindi mo agad ako hinanap? Bakit hindi ka agad umuwi sa bahay?" sunod-sunod kong tanong sa kanya.

"Nasiraan ka na ba ng bait? Hindi ako si Arianne, hindi ako asawa mo. Gumising ka. Hindi ako ang asawa mo" malamig at seryoso nyang sabi sa akin.

"No! Stop acting. I know that you're my wife. Stop hurting me. Bawat salitang binibigkas mo sa pagtanggi na hindi ikaw ang asawa ko ay isang malupit na sampal sa pagkatao ko. Tama na ang pananakit mo sa akin Ara, please nagmamakaawa ako sayo. Bumalik kana sa akin, bumalik kana sa buhay ko, bumalik kana sa pamilya mo. Parang awa muna, balikan mo na kami ng mga anak mo. Ara, please pakinggan mo naman ako. Ang tagal kong inintay ang pagkakataon na ito. Please, stop acting already. Ang sakit sakit na. Alam kong ikaw ang asawa ko, ramdam na ramdam ng puso ko na ikaw ang asawa ko" iyak kong sabi sa kanya.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Sumabog na ako at ang mga luha ko.

Titig na titig ako sa kanya at ganoon din sya sa akin.

Hindi sya agad sumagot at maya-maya tumayo sya sa kinauupuan nya at naglakad papalapit sa akin.

Lumapit sya nang lumapit sa akin at ang puso ko kumakabog ng husto. Sa tuwing humahakbang sya, pumipitikpitik ang lintik kong puso.

Patuloy lang syang nag lakad hanggang sa narating nya ang pwesto ko.

Ang lapit na nya sa akin pero bakit pakiramdam ko ang layo-layo nya parin sa akin na para bang hindi ko parin sya ma abot.

Inilapit nya ang mukha nya sa mukha ko kaya natitigan ko sya ng nalapitan.

Walang kupas.

Ang ganda ganda nya parin, mas lalo syanh gumanda at malaki na ang pinagbago ng pagkatao nya.

Napakurap ako ng bigla nya inilapit ang labi nya sa mukha ko.

Ang lapit lapit na ng labi nya at labi ko kaya napapikit ako.

Hahalikan nya ako.

Hahalikan ako ng asawa ko.

1

2

3

Pero wala paring labi na dumampi sa labi ko kaya inimulat ko ang aking mga mata.

Laking gulat at paghihinayang ko dahil binulungan nya lang pala ako.

"Wake up. I'm not your fucking wife. She's fucking dead. Stop dreaming. I'm not her. Do you fucking understand me?!" malamig nyang sabi sa akin at nahihimigan ko na galit ba galit na sya sa lagay na ito.

"Bu------" pinutol nya ang sasabihin ko.
"No more buts, no more excuses and no more fucking dramas. I'm not your wife. Period" gigil nyang bulong sa akin.

"Isang salita pa. Ibibigay kita kay kamatayan" dagdag nyang sabi sa akin.

Tinikom ko nalang ang bibig ko.

Ewan ko ba at bigla akong natakot sa kanya.

Ibang iba na sya sa dating Arianne na nakilala ko pero kahit nag bago na sya hinding hindi magbabago ang pagmamahal na nararamdaman ko para sa kanya.

Humiwalay na sya sa akin at tumayo sya sa harapan ko.

"Wala na akong utang na loob sayo. Bayad na ako sa pagkupkop mo sa anak ko na si Leigh" sabi nya sa akin at napakurap-kurap ako habang nakatingin sa kanya.

"Nathalie Skyleigh is Hell, my daughter" dagdag nyang sabi sa akin.

Hahawakan ko sana sya pero biglang nya akong tinutukan ng baril sa ulo ko.

"Isang maling galaw mo lang, paglalamayan ka kinabukasan" malamig at nakakatakot nyang sabi sa akin.

"I'm sorry. I just want to hold you. Kahit hawak lang. Miss na miss na kita" naiyak kong sabi sa kanya pero tumawa lang sya.

Tawa ng isang demonyo.

Wala syang sinabi at naglakad na sya papunta sa upuan na inupuan nya kanina at kinuha nya ang bag nya.

"Huwag mo akong iwan ulit. Maawa ka sa akin. Ubos na ubos na ako. Please.....stay" iyak ako ng iyak habang binibigkas ko ang mga salitang iyan.

"Stay. Please stay, My Love" nagmamakaawang sabi ko sa kanya.

Pero hindi parin sya nagsalita at nagpatuloy na syang nag lakad papunta sa pintuan.

Hinawakan na nya ang doorknob.

"Please. I'm begging you. Stay. Stay. Stay with me" iyak parin ako ng iyak.

Para akong isang bata na inagawan ng laruan.

Pinihit na nya ang doorknob at binuksan na nya ang pinto.

Sa pagbukas nya ng pinto ay parang binuksan nya na rin ang pintuan ni kamatayan.

Lumingon sya sa akin.

"Baliw kana" walang emosyong sabi nya sa akin at lumabas na sya ng kwartong ito.

Para na rin akong namatay sa araw na ito.

MR. BILLIONAIRE'S QUEENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon