CHAPTER 31

13.5K 270 17
                                    

Matt's POV:

Isang linggo na ang lumipas mula ng nag usap kami nila Dad.

Hanggang ngayon wala parin kaming lead na nakukuha, pero may na tanggap kami ng isang balita na gising na raw si Hell.

Gustuhin man naming pumunta sa kanila pero hindi namin magawa dahil busy pa kami sa ginagawa namin.

Kumuha kami ng isang magaling na hacker. Para ma-hack ang mga account na hawak nila Zaylee, Angelica at Rhianna. Desperado na talaga kaming makakuha kahit isang lead lang o kahit konting impormasyon man lang dahil sa totoo lang sobrang hirap dahil hindi namin kilala sila Hell. Yung totoong pangalan nya at ang pangalang gamit ni Mom ngayon.

Nandito kami ngayon sa HQ.

"Uggghhh! Ang hirap mag hanap pag wala tayong kahit ano mang impormasyon maliban sa pangalan nilang tatlo!" frustrated na sigaw ni Aria sabay sabunot sa sariling buhok nya.

Ganyan talaga sya pag sobrang naiinis na.

"At ang masaklap pa, walang kahit na anong nakuha o napala si Zairus sa mga pangalan nilang tatlo" segundang sabi ni Ella.

Si Zairus ang nakuha ni Dad na isang magaling na hacker. Kakilala sya ni Tito Raven, mag kasing edad lang din kami ni Zairus.

"Kaya nga, nakakapagtaka naman. Imposibleng wala silang kahit na isang social media account. Wala rin silang bank account. Damn! Ang hirap talaga, ano na bang gagawin natin?" singit ni Bria.

"What if....what if kausapin natin si Hell?" tanong ni Morgan.

Pwede!

Pero ano?

Anong sasabihin namin?

Na ang ina nya ay ina rin namin?

"Pwede, pero hindi muna sa ngayon. We need to do it without her help. Kaya natin to at isa pa anong iisipin ni Hell pag nag ka-taon tsaka baka masabi nya sa nanay nya na nanay din namin" inis kong sagot kay Morgan.

Naiinis ako dahil wala na rin akong idea kung ano ang gagawin namin.

"Tama si Kuya Matt, pag nalaman to ni Mommy paniguradong hindi na natin malalaman ang mga sagot sa mga katanungan natin. Kaya kailangan natin mag ingat, baka makapangyarihan ang taong tumulong kay Mommy baka pigilan o harangan nya tayong malaman ang katotohanan tsaka para maiwasan na rin natin yung mga taong may pakana sa nangyari noon baka pag nalaman nilang buhay pa si Mommy baka balikan nila at pag tangkaan na naman ang buhay nya" sang-ayon ni Sky sa sinabi ko.

Tama rin sya.

Baka harangan kami ng taong tumulong kay Mom.

Baka hindi na namin makuha ang nanay namin.

Hinding hindi ko hahayaang mangyari iyon dahil una sa lahat kami ang pamilya ni Mom at hindi sila.

Nagambala ako sa aking pag-iisip ng biglang tumunog ang cellphone ko.

Kinuha ko agad ang phone ko sa bulsa ko at sinagot agad.

"Zairus, may problema ba?" tanong ko agad sa kanya.

Yes.

Si Zairus ang tumawag sa akin.

"Bro, asan ka ngayon? We need to talk" tanong nya sa akin.

"HQ. Punta ka nalang dito" sagot ko sa kanya.

"Sige, papunta na ako. Usap nalang tayo mamaya" sabi nya sa akin.

"Tungkol saan?" takang tanong ko sa kanya.

Napatingin ako sa mga kasamahan ko rito at nakatingin din sila sa akin.

MR. BILLIONAIRE'S QUEENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon