CHAPTER 43

10.2K 271 23
                                    

Drake's POV:

Sobrang saya ko dahil nakita at nakilala ko na ang anak ko. Noon sobrang nag hinala ako na buntis si Arianne noong mga panahon na iyon pero hindi ko na patunayan kaya hindi ko nalang sinabi sa kambal iyong hinala ko tungkol sa ina nila.

Kakatapos lang namin kumain. Sobrang ingay ng mga bata, panay kwentuhan at tawanan pero si Leigh at Matt tahimik lang na nakikinig. Nag mana yata si Leigh kay Matt na tahimik na para bang may sariling mundo.

Nathalie Skyleigh ang totoo nyang pangalan.

"Leigh, anak ihahatid kita sa magiging kwarto mo" biglang sabi ko sa kanya at napatitig sya sa akin.

"Hmp, okay" sagot nya sa akin at tumayo.

"Dito nalang muna kami, Tito" sabat ni Bria.

Tumango ako sa kanya at ngumiti.
Gusto nya yatang ma solo ko si Leigh.

Naglakad na kaming dalawa papunta sa elevator.

"Don't be shy, feel at home. This is your home, Leigh" sabi ko sa kanya.

"Shut up. Hindi pa natin alam kung totoong anak mo ako. Kaya Mr. Montegrande stop calling me anak or whatsoever. Call me Hell" cold nyang sabi sa akin.

Nasaktan ako sa sinabi nya pero binaliwala ko nalang. Pumasok na kaming dalawa sa elevator, tahimik lang kaming dalawa habang naghihintay na makarating kami sa floor kung saan naroroon ang kwarto nya.

TING

Pagbukas ng elevator, lumabas agad sya kaya sumunod naman ako sa kanya.

Ang cool nyang maglakad, para syang hindi babae.

"This is your room, Leig---- I mean Hell" sabi ko sa kanya.

Nilabas ko ang susi at binuksan ko ang pinto ng kwarto nya.

"What the hell" napasigaw sya.

"What's wrong?" Takang tanong ko sa kanya.

"I don't fucking like the color. Seriously? Pink? Ughhhh" inis na inis nyang sabi sa akin.

Bakit? Anong masama sa kulay na ito?

Ako pa naman ang nag decor at pumili ng mga gamit dito pati na ang kulay ng kwartong ito. Walang sinuman ang nakapasok dito sa kwartong ito dahil lagi kong dala ang susi ng kwartong ito.

"You don't like it?" Malungkot na tanong ko sa kanya.

"Yes. I mean no, ugggh. I like the room except the color. I don't like pink" sagot nya sa akin.

"Okay, papalitan nalang natin ang kulay nito" sabi ko sa kanya.

"No. Don't waste your time and money. Hindi naman ako magtatagal dito, panandalian lang. Baka sa mga  susunod na araw aalis na ako" pigil nya sa balak ko.

"Okay, if you say so" sabi ko nalang sa kanya.

Umupo sya sa kama at tumabi ako.

"Thank you" nakangiting sabi ko sa kanya at nakita ko sa mukha nya ang pagtataka.

"For what?" Takang tanong nya sa akin.

"Dahil nakilala kita, nakayakap, nakausap, nakatabi. After that incident, nawalan na ako ng buhay. Nawala ang salitang saya sa akin pero ngayon nagbalik na. Pinasaya mk ulit ako, Hell" naiiyak kong sabi sa kanya.

Hindi ko na napigilan at tumulo ang mga luha ko.

Sobrang nangungulila ako sa asawa ko at sa hinihinalang anak ko.

Nabigla ako dahil pinahid nya ang mga luha ko.

"Stop crying. Ayokong nakakakita ng taong umiiyak sa harapan ko" sita nya sa akin.

"Thank you, thank you for the love kahit alam nating lahat na hindi pa sigurado kung ano talaga ang totoo" dagdag nyang sabi sa akin at niyakap ako.

Yumakap din ako sa kanya. Puno ng pagmamahal ang mga yakap ko sa kanya. Hindi nag tagal kumalas na ako sa yakapan namin at tumayo.

Naglakad ako papunta sa vanity make-up dressing table nya at binuksan ang isang drawer. Kinuha ko ang maliit na box na kulay pink at naglakad ako pabalik sa kanya.

Umupo ulit ako sa tabi nya.

"This is for you" sabi ko sa kanya sabay abot sa kanya sa box na kulay pink.

Napangiwi sya sa nakita nya.

"Pink again" iling nyang sabi sa akin at tinanggap nya naman ito.

Napangiti ako sa reaksyon nya. Ayaw nya talaga sa kulay na pink. Hindi yata babae itong batang ito.

"What's this?" Takang tanong nya sa akin.

"Secret. Don't open yet. Mamaya na pag nakalabas na ako sa kwartong ito" sabi ko sa kanya at tumango sya.

"Thank you" nakangiti nyang sabi sa akin.

Tumayo na ako at hinarap ko sya.

"Always welcome" nakangiting sabi ko sa kanya.

"Aalis na ako, iiwan na muna kita para makapagpahinga ka" dagdag kong sabi sa kanya at tumango sya.

Hinalikan ko sya sa noo nya. Puno ng pagmamahal at pangungulila. Nabigla sya sa ginawa ko at napatulala.

Napaluha sya habang nakatulala. Tinitigan ko muna ang mukha nya bago ako lumabas sa kwarto nya.

Dahan-dahan kong sinara ang pinto.

"Thank God I finally found her" bulong ko sa hangin.

Hindi na ako makakapaghintay na makita at makayakap ka Arianne. Malapit na ang araw na mag tatagpo ulit ang mga landas natin at pag nangyari iyon hinding hindi na tayo maghihiwalay.

Tatanggapin ko parin si Leigh kahit kung sakaling hindi ko man sya anak dahil parte parin sya sa buhay mo.
Mamahalin ko sya na parang sarili kong anak.

Ganyan kita ka mahal, Arianne.

"Miss na miss na kita, gusto na kitang makita at mayakap. Mahal na mahal kita, my Queen" dagdag na bulong ko sa hangin habang tumutulo ang mga luha ko.

______________________________________

THANK YOU READERS ❤

Salamat dahil nag aabang at naghihintay kayo sa matagalan kong UD. Salamat din dahil hindi kayo nag sawa at nagpatuloy parin kayo sa pagbabasa ng mga story ko.

Lovelots everyone 😘😘😘

MR. BILLIONAIRE'S QUEENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon