CHAPTER 22

15.1K 289 52
                                    

Bria's POV:

"Krunooooooo!" malakas na sigaw ko sa pangalan ni kruno.

"Ang ingay mo babae!! Ano bang problema mo?!" inis na sigaw nya sa akin.

Humawak ako sa rehas, oo rehas. Kinulong nila kami sa mga rehas na kahoy, tig iisang rehas kaming apat.

"Kita mo yun!" galit na sigaw ko sabay turo kay hell sa kanang rehas ko na pinagkukulongan sa kanya.

"Anong akala mo sa akin?! Bulag?!" inis na tanong ni kruno sa akin.

"Pwes! Kung di ka bulag at nakikita mo sya. Ibigay mo na sa kanya ang antidote, bago pa mahuli ang lahat!!" galit na sigaw ko sa kanya.

"Hahahahahahaha! Ano? Nakokonsensya ka ba?! Dahil dapat ikaw ang nasa sitwasyon na yan, ano? Hahahahaha!" nang-iinis na tanong nya sa akin.

"Wag ng madaming satsat kruno! Ibigay mo na sa kanya!!" utos ko sa kanya.

"Hangal ka!! bibigyan ko sya ng gamot? Para saan pa?! Papatayin naman namin kayong lahat. Hahahahaha!" nasisiyahang sabi nya sa akin.

"Ang sama na nga ng mukha mo kruno, masama pa ang ugali mo!! Bweset ka!!" galit na sigaw ko pero ang krunong pangit tinalikoran lang ako.

"Ugh! Nakakagago!!" frustrated na sigaw ko.

"Krunoooooo! Pakawalan mo ko dito!! Kailangan ako ni hell, tangina kang kruno ka!! Ibigay mo sa akin ang antidote!!" malakas na sigaw ko sa kanya.

Mas inaalala ko pa si hell dahil sobrang lala ng kalagayan nya. Sila matt and sky alam kong nawalan lang sila ng malay pero di naman siguro gaano kalala ang kalagayan nila.

"HAHAHAHAHAHA!" tumawa sya ng malakas.

"Hoy baliw! Anong nakakatawa ha?!" gigil na tanong ko sa kanya.

Lumapit sya sa akin na may ngisi sa kanyang labi.

Ugh! Sarap nyang tirisin.

"A--Aray!" daing na sigaw ko dahil hinawakan nya ang buhok ko sabay hila kaya nadikit ang kaliwang pisnge ko sa rehas na kahoy.

"Ang tapang mo! Ang talas ng dila mo!" komento ni kruno sabay sabunot sa buhok ko.

"A--Aray! Masakit na hah! Buhok ko talaga ang pinupunterya nyo!!" galit at inis kong sigaw.

Binitiwan ni kruno ang buhok ko pero hinawakan nya ang baba ko at tinaasan nya ako ng konti kaya medyo lumutang ako.

"Anong gusto mo? Ang gamot ba kamo? Di ko ibibigay sayo yun kaya tignan mo nalang yung babae mong kasama na mawalan ng buhay!" seryosong sabi nya sa akin at tumawa bigla.

Tsk. Baliw.

"Pwee!" dinuraan ko sya sa mukha.

"Ginagalit mo talaga ako!" galit na sigaw ni kruno, kinuha nya ang punyal nya at tinutok nya sa mukha ko.

"Ang ganda mo pa naman! Gusto mong lagyan ko ng peklat tong makinis mong mukha?!" nasasabik nyang sabi sa akin sabay himas ng punyal nya sa pisnge ko.

"A--Aahh" daing ko.

Binitiwan nya ako ng malakas.

"Fvck!" mura ko, damn it kruno ang sakit ng pwet ko.

Napahawak ako sa pisnge kong dumudugo.

"Pasalamat ka yan lang ang ginawa ko sa mukha mo, konting sugat lang yan hahahahaha!" masayang sabi nya sa akin at dinilaan nya ang dugo ko na nasa punyal nya.

"Kruno!" seryosong tawag ko sa pangalan nya.

"Mag laban tayo! Pag napatumba kita ibibigay mo sa akin ang antidote!! Pag ako ang unang natumba sa ating dalawa, patayin mo na din ako kasabay ni hell!" hamon ko sa kanya.

MR. BILLIONAIRE'S QUEENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon