CHAPTER 32

13.2K 259 15
                                    

Bria's POV:

Ka-kalanding lang ng private plane namin.

"Ohayou Gozaimasu Min'na" malakas at masiglang sigaw ni Ella, pababa na kasi kami sa airplane.

"Tss. Ang ingay mo talaga" inis na sabi ni Xander kay Ella.

Pero nag belat lang si Ella kay Xander.
"Bakit parang kinakabahan ako?" tanong ko sa sarili ko.

Bigla nalang akong inakbayan ni Kuya Sky.

"Bakit naman?" takang tanong nya sa akin.

"Ewan ko ba. Hayaan na nga lang" baliwang sabi ko sa kanya.

"Wag mo muna isipin ang bagay na 'yan, pumunta muna tayo sa hotel at kailangan muna natin mag pahinga para may lakas tayo sa misyon natin" sabi ni Kuya Sky.

Kukunin nya sana ang bag na dala ko pero sinita ko sya, ano akala nya sa akin? Walang kamay? Isa pa, kaya ko naman tong dala ko kaya hindi na kailangan pa ng tulong tss.

"Guys? Saan nga pala tayo tutuloy ngayon?" tanong ni Ella sa amin.

"Sa hotel ko" sagot ni Xander.

"Baka sa hotel ni Tito Raven" pag ta-tama ni Ella kay Xander.

May hotel din kasi si Tito Raven dito sa Japan kaya walang problema. Tsaka libre pa, oh saan ka na?

Hindi nag tagal may limousine na pumarada sa harapan namin.

"Wow! Limo, yayamanin naman ang susunduin nito" manghang sabi ni Ella.

Kahit mayaman kami, wala kaming limo.

"Ang ingay mo Ella" inis na sabi ni Xander.

"Ingay mo mukha mo!" bwelta naman ni Ella sa kanya.

"Bro, sino mag susundo sa atin?" tanong ni Morgan kay Kuya Matt.

"Assistant daw ni Tito Raven" sagot ni Kuya Matt.

Mag sasalita pa sana ako ng biglang bumukas ang pinto ng front seat sa limo.

"Wow! Sexy" komento ni Xander.

"Ang ganda nya" manghang sabi ni Ella.

"Ang astig nya" sabi naman ni Jarred.

May isang babae kasing bumaba at tama silang tatlo, maganda ang babae at sexy din.

Ang cool nya sa paningin ko.

"Ohayou! Mr. Motegrande, right?" bungad nya agad sa amin at nakatingin sya kay Kuya Matt.

Ehh?!

Kilala nya si Kuya Matt?

Sino naman ang isang to?!

"Yes. Who are you?" malamig na tanong ni Kuya Matt sa akin.

"I'm Maxine. I'm here to fetch you and your group" sagot nya kay Kuya Matt.

Napataas naman ang isang kilay ko sa sinabi nya.

"We don't know you, you're not Tito Raven's Assistant, right?" mataray na tanong ni Aria sa kanya.

"Yeah. I don't know you either" mataray din na sabi ni Maxine kuno kay Aria.

"Why are you here? Who told you to fetch us?" seryosong tanong ni Aria.

"I don't owe you an explanation. Just follow me kiddos" masungit na sabi ni Maxine at pumasok na sya sa limo.

Ang taray!

"Ano? Sasakay ba tayo?" tanong ni Kuya Sky kay Kuya Matt.

"No" matigas na sagot ni Kuya Matt.

MR. BILLIONAIRE'S QUEENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon