CHAPTER 55

19.4K 266 85
                                    

JC's POV:

Nandito na ang mga Doctor at mga Nurse, inasikaso na nila ang mga sugatan na mga guard ng Montegrande at si Drake.

"Pwede bang mag tanong?" basag ko sa katahimikan sa paligid.

"Ano?" seryosong tanong ni Hell habang nakatitig kay Drake M.

"Paliwanag muna kung bakit si Leigh ka at Hell?" tanong ko sa kanya.

"Leigh talaga ang pangalan ko. Bansag ko lang sa sarili ko ang Hell dahil na rin kay Aria noong una naming kitang dalawa" paliwanag nya.

"And?" tanong ko pa.

"Dahil tinuturing na rin kita na kaibigan ko, ipapapaalam ko na sayo ang tunay kong pagkatao" sabi nya sa akin at seryosong nakatingin.

Napalunok ako dahil kakaiba ang mga titig nya sa akin at bigla akong kinabahan.

Kinuha ko ang alak at iinom na sana ako pero nagsalita na sya kaya napatigil muna ako.

"I'm Nathalie Skyleigh" seryosong pakilala nya sa akin.

Napangiti ako dahil ang gandang pangalan kasing ganda nya.

Hawak ko parin ang bote ng alak.

"Takishima" segundang sabi nya at naglaho bigla ang ngiti sa labi ko.

Nathalia Skyleigh Takishima??

Isa syang Takishima!!

Damn it!

Seryoso?

"Takishima?" utal kong tanong sa kanya.

"Yes and that woman" sabi nya sabay turo kay Miyu Takishima.

"Ang ina ko, Miyu Takishima" dagdag nyang sabi.

Bigla ko nalang nabitawan ang bote at basag na basag ito.

"Shit!" mura ni Aria.

"Anong nangyayari sayo?" takang tanong ni Ella.

"Ayos ka lang ba?" nag-alalang tanong ni Morgan sa akin.

Napatingin na rin silang lahat sa akin.
Nanginginig ako at hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon.

Bakit isa pa syang Takishima?!

Ugggghhh!

Putangina!!

Pinaglalaruan yata ako ng tadhana.

"Are you okay?" tanong nya sa akin at hinawakan nya kamay kong nanginginig.

Parang pinapakalma nya ako.

"Oo, ayos lang. Nadulas lang sa kamay ko ang bote" lame kong excuse na sabi sa kanya.

"Oh, huwag kang matakot. Hindi naman ako masamang tao eh" ngising asong sabi nya sa akin pero ang ganda nya parin.

Damn!

Bakit?!

Bakit isa pa sya sa kanila?!

Anong gagawin ko, hindi ko ito pwede ipagpatuloy dahil isa syang kalaban. Ano nalang ang sasabihin ni Tanda sa akin pag nalaman nya itong pinasok ko pero damn it gustong gusto ko si Hell.

"Eherm" pekeng ubo ni Renzo.

"Pwede mo na syang hindi hawakan, Leigh" sita nya kay Leigh at sumunod naman ang huli.

Feeling Ama lang eh tssk.

"Aalis na ako, nakalimutan kong dadaan lang pala ako rito at may importante akong lakad" seryosong sabi ko kay Hell at tumango sya sa akin.

MR. BILLIONAIRE'S QUEENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon